Takbo Pa

1K 17 0
                                    

Naglakad na ako papunta sa mga bahay. Ang cute at colorful nila! Lumapit ako kay sir para itanong kung nasaan ang kina Mrs. Gonzales.

"Oh Zac, itong pink na pintuan ang kina Mrs. Gonzales." Sagot ni sir. "Teka, nasaan na naman ang partner mo?" Naku ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

Lumingon ako sa direction ng bus. Busy pang nagpapa-cute sina Mich at Jeremy sa isa't-isa. Na naman.

"Ah... susunod na raw po si Mich." Nagpalusot muna ako.

"Okay sige, hintayin mo muna siya rito para sabay na kayong magpapakilala sa foster parents niyo." Sabi ni sir bago naglakad papunta sa ibang classmates namin.

Mga five minutes pa akong naghintay kay Mich. Maganda siya kaso ang bagal maglakad. Tsk.

"Thanks for helping, Jeremy~" Narinig ko na lang ang boses niya sa likuran ko kaya alam kong andito na siya.

"Anytime, Mich." Yun oh! Lakas maka-pogi points nung linyang yun ah! Palingon-lingon lang ako sa paligid para kunwari na lang hindi ako nag-eavesdrop. Narinig ko na ang foot steps niya na papalapit pero bingi-bingihan mode pa rin ako.

"Oh saan na tayo?" Tanong niya in a masungit tone.

Siyempre practice muna ako ng acting skills.

"Oh andyan ka na pala." Gulat acting mode on. "Uhm dito raw tayo sa pink na pinto."

"Ah okay." Yun lang ang sinabi niya sabay lakad. Grabe, lakas mang-iwan pagkatapos kong hintayin. Uuuyyy hugot. Anyway, sinundan ko na rin siya kasi I'm sure naghihintay na sina Mrs. Gonzales.

Sinalubong kami ni Mr. at Mrs Gonzales.

"Ay kayo pala ang makakasama namin!" Sabi ni Mrs. Gonzales. Parang na-shock si Mich sa lakas ng boses ni Mrs. Gonzales kaya ako na ang nagsalita.

"Good afternoon po. Ako po si Zac at siya naman po si Mich." Pangiti kong sabi. Hindi pa rin siya nagsalita kaya siniko ko siya ng mahina. Deads ako nito OMG pero nag-work naman kasi natauhan na siya.

"Uhm... opo ako po si Mich. Nice to meet you po." Sus... pa-sweet yung boses? Kunwari harmless?

"Ay pumarine na kayo nang mailapag niyo na ang mga gamit! Mukhang kabigat niyan eh!" Yes, nasa Batangas na nga ako.

"Pagpasensyahan niyo na ang aming bahay ha, maliit lamang ire pero maaliwalas naman." Mas kalmadong magsalita si Mr. Gonzales kesa kay Mrs.

Pumasok na kami ni Mich sa loob. Maliit lang ang bahay. Magkasama na sa isang kwarto ang salas at dining room. May nakikita akong dalawang kwarto na feeling ko ay maliit rin. Pinaupo muna nila kami sa mahabang mono block. Hindi ko na naman alam kung ano ang tawag. Sorry. Umupo sa harap namin si Mr. Gonzales.

"Iho, ilang taon ka na ga?" Tanong niya

"18 po." Sagot ko.

"Ikaw iha?" Tumingin naman siya kay Mich.

"18 din po." Sagot niya.

"Kow kay babata pa! Nakakatuwa naman!" Bigla tumawa si Mr. Gonzales. Medyo naweirduhan ako. Si Mich kaya?

"Ah Mr. Gonzales? Kailan po manganganak si Mrs. Gonzales?" Tanong ni Mich.

"Naku itong batang are masyado namang pormal!" Biglang lumabas galing sa kusina si Mrs. Gonzales, may dala siyang dalawang tasa na nakapatong sa plastic plate. "Gina ang pangalan ko at ito naman si Mario." Iniabot niya sa amin ang mga tasang may kape.

"Naku eh wala kaming juice eh... kape lang ang maihahain namin sa inyo." Sabi ni Mr. Gonzales. "Tito Mario at Tita Gina na lang ang itawag niyo sa amin ha? Wag nang masyadong pormal."

"Sige po Tito Mario." Sagot ko habang tumango lang si Mich.

"Ay siya nga pala, ito ang kwarto niyo ha. Naku maliit laang talaga iyan." Sabi ni Tita Gina. Walang pinto ang kwarto, may nakasabit lang na floral na kurtina para may privacy pa rin kahit papaano.

"Okay lang po tita." Sabi ko.

"Don't worry po tita, okay lang po." Sagot naman ni Mich with a smile.

"Ay siya, ipasok niyo muna ang mga gamit ninyo. Magpalit na rin kayo ng pambahay para naman komportable na kayo."

"Sige po salamat." Sabi ko. Tumingin ako kay Mich. "Tara? Tingnan natin yung kwarto?"

"Hay. Okay." Tumayo siya at pumasok. Sumunod rin ako.

Pagpasok ko, nakita kong tulala si Mich sa sahig.

"Oh anong nangyari?" Tanong ko.

"Oh my gosh." Pabulong niyang sabi sabay tingin sa'kin. Nagulat naman ako sa actions niya.

"B-bakit?" Tumingin ulit siya sa sahig. Kinabahan ako. "M-mich? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Baka may mumu dito. Waaaah!

"One mattress lang ang meron dito." Pabulong na naman niyang sabi.

"Huh?" Tanga mode na naman ako.

"Isa lang ang mattress." Galit na ang tono niya. Tumingin ako kung saan siya nakatingin.

"Oo nga, isa lang." Humarap siya sa'kin.

"Yun na nga, isa lang. So meaning magkatabi tayong matutulog?!" Mahina ang boses niya pero intense.

"Ma-malamang... ito lang ang kwartong pwede nating tulugan eh." Sagot ko.

"Yuck! Ano ba yan! Nakakainis na talaga!" Pwede pala yung silent ranting. Yung dabog na dabog ka na pero walang tunog.

"Eh 'wag kang mag-alala, hindi naman kita lalapitan kahit na kasing size ng kutson tong kwarto." Oo, sakto lang yung size ng kutson sa lapad ng kwarto. Saan ako susuot nito mamaya? Bahala na.

"You better make sure na hindi ka didikit sa'kin mamaya or else..." I sense danger na naman.

"Or else... ano?" Tanong ko.

"I'll make the rest of your stay here miserable." Sabi niya sabay talikod.

Soap opera queen levels.

Umupo na lang ako sa sulok at nag-ayos ng gamit.

Help!!!

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon