Pagkatapos mag-meryenda, nagvolunteer si Mich magligpit ng kinainan pero siyempre hindi ako pumayag.
"Eh okay na naman yung knee ko. Hindi na masakit." Sabi niya.
"Wushoo... kaya mong maglakad papunta sa labas?" Tanong ko.
"I'll try." Sabi niya habang tumatayo.
"Sus... baka mamaya sumigaw ka na naman ng 'ouch'."
"Sabi ko nga I'll try." Pinanood ko siyang tumayo. Nung nalagyan na ng pressure ang tuhod niya medyo naiba na facial expression niya.
"Keri?" Tanong ko.
"Y-yeah. Kaya ko."
"Okay... sige punta ka na dun." At dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kitchen kaya ako poporma na sana ng pag-upo sa may salas kaya lang bigla siyang nagsalita.
"Ano na lang, stand-by ka lang in case I need help, please?" Medyo natulala ako dun dahil may please na may smile pa? Aba konti na lang maniniwala na kong mabait na talaga siya.
"Wow... yan pala ang epekto pag nadadapa sa may ilog?" I teased while walking papunta sa kanya. Safe naman kasi nag-giggle siya.
"Ah ganon? Binubully mo na ko ngayon?" Sabi niya habang nagsasabon ng platito.
"Joke lang."
Nakatayo lang ako dito sa may pinto kasi nga stand-by daw ako in case of emergency. Alam niyo naman ako, masunurin.
"I know naman." Sumulyap sabay smile. Yung smile na nagustuhan ko kaya ko siya naging crush.
Ano yun???
I feel a blush coming on kaya tumalikod ako.
"Zac, don't you dare feel kilig!" Sabi ko sa sarili ko. Hay nako nagiging conyo na rin ako. Ugh.
"Zac?" Tinawag niya ko kaya humarap na ko ulit sa kanya.
At yun.
Nasa harapan ko na pala siya agad. As in yung pagharap ko inches apart na lang kami sa isa't-isa.
Men 'wag ganon.
"What are you doing there ba?"
"Uhm kanina ka pa dyan?" Tanong ko na parang ewan.
"Uh... yes pero hindi ako makadaan kasi you're blocking the way."
"Naku ganon ba? S-sorry." Sabi ko sabay tabi.
Stutter Counter : 1 point
"Haha! No need to say sorry. Arte ah. Okay na tayo, 'di ba?"
"O-Oo... Oo naman." Sabi ko with an idiotic smile on my face.
Kung yung iba napapa-English 'pag lasing, ako naman napapa-English 'pag natetense. Weird talaga!
Stutter Counter : 2 points
"Ay nga pala, magluluto tayo, right?" Tumango na lang ako baka kasi mag-three na yung stutter points ko eh.
"Then tawagin mo na lang ako 'pag dumating na sina tita. Rest lang ako sa room."
"Uh okay okay. Sige pahinga ka na muna. Kaya mo nang maglakad papunta sa kwarto?"
"Yup! Don't worry. I think I can na naman." Smile ulit.
Shit anong nangyayari? Umikot ng 360° yung ugali niya.
Dali-dali akong lumabas ng bahay after niyang pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko sabay dial ng number ni Ken.
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.