Habang nauusukan ako dito sa likod dahil nagsisimula na nga akong magpabaga ng uling, nagkaroon din ako ng moment para magmuni-muni.
Kung tutuusin, pwede ko namang siyang ligawan di'ba? Kaso naku, kakasimula palang naming maging friends... tapos baka nga hindi niya ako type... edi wala na. Lalo na kaming hindi naging okay.
Pero ang saya siguro nun noh? Yung maging kayo ng crush mo? Hay. Siguro dadating din yun. Bata pa naman ako eh.
"Zach? Do you need help?" Narinig ko siya sa may likuran ko. Bakit ba ang hilig kong magzone-out?
"Ah hindi... okay lang ako dito. Tapos ka na ba sa mga hihiwain?" Sabi ko habang nagpapagpag ng damit. Ewan ko kung bakit ko ginawa yun.
"Yeah tapos na... hinalo ko na sila sa toyo na prinepare mo then nilagay ko yung liempo. Tama ba yung ginawa ko?"
Grabe. Siya ba talaga yung Mich na classmate ko? Yung masungit? Yung ayaw akong maging ka-partner tsaka katabi? Siya ba talaga 'to?
"Zach mali ba? Oh no..." sabi niya in panic mode.
"Huh? Uy hindi. Tama yung ginawa mo. Very good ka nga eh!"
"Talaga? Yehey! Oh my gosh ang saya-saya naman! I can't wait to tell my mom and dad about this. They will be so proud!"
Ang saya-saya niya na ma-achieve yung mga simpleng task na 'to. Kung sa akin normal na mga gawain na ang magluto, maghugas ng plato, maglaba... sa kanya hindi. Big deal na sa kanya lahat 'to at honestly, kahit ako magiging proud sa kanya.
Tinuloy na namin ang pagluluto. Mas mabilis na kami ngayon dahil alam na alam na niya ang mga gagawin. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang nag-improve. Sana maalala pa rin siya ako pagbalik namin sa Manila.
After kumain, nagpresinta na si Tito na siya na ang maghuhugas. Kahit na pilit kong inaagaw ang mga plato, ayaw pa ring pumayag ni Tito kaya hinayaan na namin siya.
"Zach, tara let's hang out with Leslie and Jeremy. Nasa labas daw sila dun sa may basketball court!"
"Talaga? Sama mo ko?" Tanong ko. Eh siyempre di ako makapaniwala na gusto niya kong kasama tumambay.
"Oo naman! Why?"
"Ah eh.. wala lang. First time lang kasi na niyaya mo ko." Suskopo. Pa-cute pa ko eh noh? Kadiri nakakahiya!
"Di'ba nga friends na tayo?"
Napa-smile naman ako dun. Oo nga pala, friends na kami. Friends. Happy na ako sa friends.
Naglalakad na kami papunta sa court ngayon. Ano bang nararamdaman ko? Kilig? Kilig nga ba? Oo, kilig nga. Kasi nanlalamig ang mga kamay ko tsaka hirap huminga. Pagdating namin sa court, nandoon nga sina Jeremy tapos nakita ko sa kabilang side si Ken.
"Mich! How's your knee? Okay ka lang ba?" Tanong ni Jeremy.
"Ah yeah... it's getting better." Sagot naman ni Mich with a smile. "How about you Leslie? Have you told tita na?"
"Yeah they called kanina 'coz they're super worried! But I told them na I can handle it naman and it's not that serious."
Natulala ako dahil nag-uusap ang mga sosyal sa harap ko. Conyo kung conyo eh.
"Zach pare!" Sabi ni Jeremy sabay fist bump. Eh pa-cool ako so sinagot ko rin ng fist bump.
"Hi pare." Awkward smile alert.
"Kamusta naman yung mga foster parents niyo?" Tanong ni Jeremy ulit.
"Mabait sina tita at tito. Nakakatuwa nga eh kasi parang totoo namin silang parents. Di'ba Mich?" Sabay tingin ko Mich.
"Yes! They are so kind and very accomodating talaga sila!" Cheerful na sagot ni Mich.
"Wow that's great! Ganon din yung foster family namin!" Sabi ni Leslie. "Nakaka-sad nga kasi uuwi na tayo bukas."
"Oo nga eh. Parang super simple lang ng life dito noh? Someday I wanna have a rest house dito sa Batangas so I can go somewhere if stressed na ako sa Manila." Sabi ni Jeremy.
Wow may pang rest house siya.
"That's a great idea Jeremy! Ako din pala that's what I'll do!" Sabi ni Mich.
"Omg sige ako din! Tapos pwede siguro our houses are next to each other so we can hang out, right?" Excited na sagot ni Leslie.
Luh usapang bahay agad? Tsk ako nga panload lang namomroblema na. Natahimik na lang ako dito sa gilid dahil wala akong maaambag sa usapan nila.
"Uh guys, punta muna ako dun kina Ken ah?" Sabi ko habang kamot ulo mode ako. Napatingin naman sa'kin si Mich.
"Zach, are you okay?" Cute ng face niya pag worried.
"O-oo.. oo naman!" Awkward chuckle naman ako. "Dun muna ako ah? Magkita na lang tayo mamaya sa bahay nina tita." Sabay patakbong pumunta kina Ken.
"Dude! Wow... friends mo na mga rich kids?" Tanong ni Ken habang ngumunguya ng Piattos.
"Hirap dun dude, sakit sa ulo nung usapan nila." Sabi ko sabay dakot ng Piattos.
"Bakit naman?" Halatang inilayo sa'kin ni Ken ang Piattos.
"Eh pang mayaman yung topic eh. Usapang rest house ba naman!" Hinablot ko yung Piattos sabay kuha ng marami.
"Ay! Langya naman! Paubos na yan eh tinitipid ko nga!"
"Anong paubos na? Ang dami pa oh! Party pack kaya yan!" Sabay sauli ko sa kanya nung Piattos.
"Eh basta para sa'kin paubos na to. Pero sige na nga... oh kuha ka pa." Sabi bilog habang nakasimangot.
"Aysows... naawa pa raw kunwari..."
"Oh ano naman kung usapang rest house?"
"Uhm... wala lang... di lang ako maka-relate..."
"Bakit naman?"
"Eh kasi sabi ni Jeremy, balang-araw daw gusto niyang magka-rest house dito sa Batangas. Tapos sabi ni Mich siya rin daw. Tapos sumali na rin si Leslie. Tabi-tabi daw sila ng bahay para pwede silang tumambay. Di'ba astig?" Kuha na naman ko ng Piattos. "Kaya di ako maka-relate... la naman akong pangrest house."
"Sows... malay mo naman sa time na yun ang dami mo nang pera. O di'ba? Makakabili ka na rin ng rest house mo."
Napaisip naman ako dun. Oo nga naman. Posibleng mangyari yun.
"Galing mo talaga dude!" Sabi ko habang naka-smile.
"Kaw kasi... masyado mong dinadown sarili mo. Wag ganon dude." Sabay akbay ni Ken.
Tumingin ako kay Mich. Masaya silang nagkwekwentuhan nina Jeremy.
"Someday Mich, magiging pantay rin tayo."
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.