Takbo

1.1K 34 2
                                    

Nandito na ko sa loob ng bus at buti na lang may bakanteng window seat. Nilagay ko yung malaki kong bag sa lalagyanan sa taas. 'Di ko alam ang tawag basta yung lalagyan ng bag sa ibabaw at umupo na. Sumilip ako sa bintana at yun, nakita ko si Mich at Jeremy na nagpapa-cute sa isa't-isa. Bagay nga naman. Maganda plus gwapo equals? Couple goals? Eh 'di sila na nga.

Naglakad na sila towards the bus. Halos lahat naman pasakay na kaya nilabas ko na ang three year-old earphones ko. Two hours din papuntang Batangas kaya nag-update na ko ng playlist. Nilabas ko na rin ang cute pillow ko in case makatulog ako.

Masaya na akong nagpapalamon sa kanta ng The Chainsmokers habang nakatingin sa labas nang biglang may naramdaman akong bumagsak sa tabi ko kaya napalingon ako. Pagtingin ko, nakatayo si Mich at parang may sinasabi siya sa'kin kaso 'di ko marinig dahil full blast ang volume ng phone ko. Napansin kong medyo galit na ang expression niya kaya napilitan akong tanggalin ang earphones ko. Sad. Nandun na ko sa magandang part eh.

"Hoy ano ba?! Tumayo ka nga kasi dyan ako uupo!" Sabi niya.

"Ba-bakit dito? Ang dami namang upuan." Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko para feeling may shield kasi I'm in danger.

"Magkatabi daw ang magpartners!" Medyo pumadyak pa ang paa niya with matching clenched fists.

Tumayo ako at sinurvey ang paligid. Nakita ko si Ken na katabi si Nathan na partner nga niya. Tumingin ako ulit kay Mich.

"Bilisan mo na. Ako dyan sa may window."

"Uhm... ayoko nga. Ako nauna rito." Sabi ko.

"Grabe walang manners. Walang respect sa girls." Arms crossed pa yan ah.

"Walang manners agad? Eh ako nga ang nauna rito." Sagot ko. "Gusto ko rin dito sa may bintana kasi nahihilo ako 'pag mahabang biyahe."

"Palusot." Eye roll naman ang ginawa niya this time.

"Hindi ako nagpapalusot. Sige dito ka na pero 'wag kang aarte-arte mamaya 'pag nasukahan kita ah." Sabi ko. Pumunta muna ako sa may gitna para makapunta siya sa may bintana.

Umupo na siya at wala naman akong choice kundi tumabi na sa kanya dahil paalis na kami.

"I can't believe I'm stuck with you." Sabi niya na may ka-partner na irap. Hindi ko na lang siya pinansin. Sinuot ko na ulit ang earphones ko para masaya na ko ulit.

After a few minutes medyo nararamdaman kong malapit na akong masuka at bad trip naman dahil transparent na plastic lang ang meron ako. Nagdasal muna ako para humingi ng help from God. Ayokong masuka dito at makikita pa nilang lahat kung ano ang lunch ko kanina kaya nag-decide akong itulog na lang.

Effective. Dahil pagdilat ko mga puno na ang view sa labas. Na-survive ko ang muntikan na suka mode ko. Gusto ko sanang i-appreciate ang beauty ng nature kaso may bumbunang nakaharang sa bintana.

Hay... perfect na sana eh. Maganda ang view sa labas, magkatabi kami dito sa bus, kaso lang... hindi raw niya ako type, pa-cute daw ako at creepy. Sayang... Pero 'di bale, makakahanap din naman siguro ako ng ibang mas okay.

"Class, 10 minutes na lang nasa Gawad Kalinga Village na tayo so prepare your belongings. Make sure na dala niyo ang lahat nang kailangan niyo.

"Yes, sir." Sagot namin ng mga classmates. I took a glimpse at the girl to my right, nakatingin pa rin sa labas. Ganon ba niya ko ka-hate? Ni ayaw tumingin sa side ko? Maarteng bata.

Inorasan ko, at nandun na nga kami after 10 minutes. Galing ni sir! Anyway nagsimula nang bumaba ang mga classmates pero bago ako tumayo, pasimple ko munang tiningnan si Mich. Base sa side profile niya, hindi siya mukhang masaya. Dahil sa'kin? Kasi partners kami?

Lumingon ako sa likod, parating na si Jeremy. Okay, perfect timing. Kinulbit ko ang shoulder niya.

"Mich." Alam mo yung tingin mo pag may makulit na lamok na kumagat sa'yo at nainis ka kasi nakakaasar? Ganon ang tingin niya sa'kin ngayon.

"What?" Sabi niya.

Deep breath muna ako bago nagsalita.

"Alam ko namang hindi ako ang gusto mong magbuhat ng gamit mo kahit partners tayo... andyan na si Jeremy, patulong ka na lang?" Kumunot pa ang noo niya.

"Ano?" Tanong niya.

"Si Jeremy na lang tutulong sa'yo ah... Sige, una na ko dun. Pero punta ka na rin agad... baka tanungin na naman ako ni sir kung bakit hindi tayo magkasama."

After niyang marinig ang pangalan ni Jeremy, napatingin siya sa likod. Bumaba na ko ng bus, buhat lahat ng gamit ko.

Hindi ako ang gusto niya eh. Edi yung gusto niya ang ibibigay ko sa kanya.

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon