Nataya Ko Siya

1K 22 1
                                    

"Yan, maglagay ka ng mantika pero konti lang." Sabi ko habang iniaabot kay Mich ang bote ng mantika.

"Gaano kakonti? Mga 3 tablespoons or teaspoons?" Ganon sila magsukat ng mantika?

"Ahh... try mo muna ng mga 2 and a half tablespoons para naman hindi masyadong oily." Tama ba yun? Ewan.

"And then?" Tanong niya.

"Sabay mo nang ilagay ang sibuyas at bawang para sabay silang maluto. Madali kasing masunog ang bawang." Okay na sana eh kaso basta lang niyang inihulog ang mga gulay. Talsikan tuloy ang mantika.

"Ohmygod! Ouch!"

Pinanood ko siyang magpanic.

Ang ganda pa rin talaga kahit natalsikan na ng mantika.

"Hoy ano ba help me naman!" Sabi niya habang hawak yung siyanse. Mabilis ko namang kinuha yung kahoy na may malaking apoy para hindi masyadong mainit ang kawali.

"Ayan okay na hindi na malakas ang apoy nyan."

"I don't like to do this na!" Parang bata si Mich pero somehow nakakatuwa naman 'pag kanito siyang kumilos.

"Hindi pwede. Kailangan nga nating tumulong dito eh."

"Eh ang hirap naman kasi!" Sabi niya with kunot noo.

"Sige na nga ako muna rito. May rice cooker akong nakita sa loob. Ikaw na lang magsaing." Sabi ko habang nilalagay ang mga kamatis. Hindi sumagot si Mich kaya tumingin ako sa kanya. "Marunong ka bang magsaing?" Tanong ko.

"No." Sabi niya habang medyo nakayuko. Parang nahihiya siya.

"Ah sige... tuturuan kita. Okay?"

"Okay." Sagot niya. Her answer made me smile. Oh teka teka. Baka isipin niyo rin na creepy ako. Kayo kaya sa pwesto ko? Hindi ba kayo kikiligin kahit konti?

Nilagay ko na ang repolyo pati na rin ang mga pampalasa at konting tubig bago takpan ang kaldero. Niyaya ko si Mich pumasok sa loob kung nasaan ang rice cooker.

"Ayan, tatlong takal ng bigas ang lulutuin natin kasi I'm a rice person. Hehe." Hindi gumana ang joke ko kaya proceed sa pagtuturo. "Huhugasan mo ang bigas ng two times. I-dedemo ko kung paano tapos ikaw ang gagawa sa pangalawang beses, okay?" Tumango lang siya pero mukhang nakikinig naman. After nung first hugas, it's her turn naman.

"Oh no... paano kung walang matirang bigas? Natatakot ako." Sabi niya. Ang cute cute cute!!!

"Kaya mo yan. 'Wag mong masyadong itumba. Okay lang na may matirang tubig." Sabi ko.

"Ganito? Okay na 'to?" Tanong niya. I smiled.

"Galing! Okay na yan!"

Makulit din naman 'tong kamay ko kasi biglang tumaas para mag-high five. Napaatras si Mich at sinundan pa ng taas-kilay action. At dahil dun binawi ko naman agad.

"Ay, bawal nga pala kitang hawakan. Sorry." Nag-high five na lang akong mag-isa. Either way naman mukha pa rin naman akong tanga. Binawasan ko na rin ang energy ko. Baka kasi lalo siyang ma-weirduhan sa akin.

Binigay ko sa kanya ang cup.

"Uhm lagyan mo na lang ng 3 cups ng water tapos punasan mo yang labas ng kaldero bago mo ilagay sa rice cooker. Balik na ko sa labas." At lumabas na nga ako without looking back.

Tinikman ko na ang gulay at napasayaw naman ako ng konti kasi I'm so proud of myself. Ang sarap! OA pero totoo naman kaya pagbigyan niyo na ko. Peace.

"Uhm... gusto mong i-try magluto ng galunggong?" Tanong ko. By pair ang activity na 'to kaya kailangan ko siyang isali. Sumilip si Mich sa may pinto.

"Galunggong? Ano yun?" Nga pala, siguro mga salmon salmon lang kinakain nito.

"Isda yun. Masarap lalo na pag malutong ang pagkakaluto." Sabi ko.

"Ah... okay..."

"Ikaw magluluto?"

"I'll try." Medyo hesitant siya.

Kumuha ulit ako ng mas maliit na kawali. Ako na ang naglagay ng mantika. I made sure na mahina ang apoy para walang fireworks na maganap.

"Eto oh." Iniabot ko sa kanya ang plato na may mga deads na galunggong. Nape-predict ko na ang sasabihin niya. Starts with the letter 'e'.

"Ew! Ayoko nyan!" Sabi niya. See? Galing ko no?

"Sa buntot mo hawakan. Kaya mo yan." Dinampot niya ang isa sa may buntot pero inabot ng mga 2 minutes bago niya nahawakan.

"Tapos? Ano na?" Halatang nandidiri siya at kulang na lang ihagis na niya ang isda.

"Ilagay mo sa kawali ng dahan-dahan." I emphasized the word 'dahan-dahan'. At sinunod naman niya ko.

"Ew ew ew!" Sabi niya habang nilalagay ang apat pang galunggong.

Successful naman. Hindi naman sila patong-patong or anuman. Nilagyan ko ng takip para mabilis maluto.

Nakasimangot na ulit si Mich. 'Di ko sure kung dahil ayaw niya 'tong ginagawa namin or ayaw niya na kasama akong ginagawa 'tong ginagawa namin. Ano kaya ang itsura niya kung si Jeremy ang kasama niya? Siguro smile pa rin kahit may hawak na deads na galunggong. Wapakels kahit matalsikan ng mantika. Pero sure naman ako na hindi siya matatalsikan kasi baka nagpaka-human shield na si Jeremy sa mantika. Kaya ko rin namang gawin yun eh pero ayoko kasi unang-una, wala ako sa lugar para gawin yun at pangalawa, magkakamantsa 'tong t-shirt ko. Mahal pa naman nito.

Anyway, feeling ko pwede nang baliktarin ang mga isda kaya inalis ko na ang takip.

"Mich, time to flip the fish!" Sabi ko with my ma-pogi voice.

Masama ang tingin niya sa'kin.

"What? Nag-English ka pa dyan."

Parang medyo namula naman ng konti ang pisngi ko dun. Nabigla rin ako sa ginawa ko.

"Ah... haha... Ginaya ko lang si Jeremy. Baka mag-work pero 'wag mo nang pansinin yun. Baliktarin mo na ang mga isda. Pasok lang ako, check ko yung kanin." Dali-dali akong pumasok.

Zac you idiot! Sabi ko sa sarili ko.

Wala lang. Naririnig ko yun sa mga movies eh. Hihi.

Okay naman ang kanin. Nagsimula na akong maghain dahil malapit na namang maluto ang isda. After a few minutes pumasok na si Mich dala ang plato ng mga isda. Hindi rin naman ako makatingin sa kanya after nung ginawa ko. Ayoko na ring i-try. Kasi trying will just make me look more stupid. 'Di ba?

Naglagay na rin ako ng gulay sa mangkok then tinawag na namin sina Tita Gina at Tito Mario.

"Ay tingnan mo mga naman! Marunong palang magluto ang mga batang ire!" Sabi ni tita

"Ay oo nga! Naku sana eh maging katulad ninyo ang aming magiging baby." Sabi naman ni tito.

"Naku kayo naman po. Simple lang naman ho ito. Kayang-kaya po ito ni baby in the future." Sabi ko. Tahimik lang si Mich sa tabi ko. Well wala namang ibang choice kung saan siya uupo kaya tiisin na muna niya.

Nagdasal muna kami bago kumain. Masayang kausap sina tito at tita. Mas simple ang buhay nila kesa sa amin pero masayang-masaya sila. Sumusulyap naman ako kay Mich ng konti. Nakikitawa at nakikipagkwentuhan rin siya. Okay naman pala siya eh. Sana ganyan rin siya sa akin kahit once lang.

Habulan, at Ako Palagi ang TayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon