Pag ahon ko mula sa malalim hukay nakita ko na yung baging ay naka buhol sa isang puno kaya pala naka akyat ako. Nag papagpag ako at nang makita ko ang matsing na tumulong sakin agad ko siyang nilapitan at akmang bubuhatin. Kaso ay bigla siyang tumakbko ng mabilis palayo sakin.
"Problema non?" sabi ko habang tinitignan siya papalayo.
Diko alam kung naintindihan ba ng matsing yung huni ko kanina pero ang masasabi ko lang ay isa siyang matalinong matsing. Sayang lang kasi di manlang ako nakapag pasalamat.
Umalis na ako malayo sa hukay at habang naglalakad inilibot ko ang aking mga mata at talagang namamangha ako sa aking mga nakita. Ang daming ibon na iba-iba ang kulay, may mga squirrel, at kung ano-ano pang mga cute na hayop.
Habang naglalakad ako may nakita akong sapa at saktong-sakto gusto ko ring mag hilamos. Well malinis ang tubig in fairness. Lumuhod ako at nag hilamos pag dilat ko ng mata ko ay may nakita akong reflection ng isang tigre sa tubig.
"Ano to may tigre sa tubig? " sabi ko sabay tawa dahil akala ko malikmata ko lang.
Biglang narinig ko ang nakakatakot huni niya sa tabi ko at gosh totoo siya as in real na real. Dahan-dahan kong nililingon ang ulo ko sa kanya at sheeeeeems ang lapit lang ng mukha namin sa isa't-isa.
"Hi! " sabi ko with innocent smile
"Rooooar" sagot niya.
Sa maikling oras na iyon naisip ko pa yung music video ni Katy Perry na Roar at naalala ko kung paano niya napaamo yung tigre don. Kaya siyempre susubukan ko.
"Roar, roar, roar, roaaaaaar!" sabi ko ng pakanta.
Kala ko ay mapapa amo ko siya pero bess kabaligtaran ang nangyari lalo pa siyang naging agresibo. Ngumanga na ng malaki ang tigre at akmang kakagatin ang aking ulo biglang may bumato rito nang malakas at tinamaan siya sa bandang noo. Pagkatapos non ay para siyang namilipit sa sakit at tumakbo na matulin palayo sakin.
"Lord salamat po at binato niyo siya!" naka amen sign pa ako at naka tingala.
"Oooh ooh, aah aah!" narinig ko ang pamilyar na huni na iyon, malamang huni ng unggoy.
Pag lingon ko sa bandang likoran ko nakita ko na naman ang matsing.
"So ikaw yung bumato sa tigre?"
Di siya sumagot dahil mukhang di naman niya naiintindihan yung sinasabi ko at sa uulitin tumakbo na naman siya palayo sakin. Obvious naman na siya ang gumawa non kaya this time diko na siya pinakawalan. Hinabol ko siya kaso sa sobrang bigat ng wedding gown ko di ako maka takbo nang maayos kaya binawasan ko muna ito. May nakita akong matulis na bato at hiniwa ko ang bandang ibaba ng long gown at naging cocktail na lang. Di naman perfect ang pagkaka putol ko pero ang mahalaga lang naman ay mabawasan ang haba. Hinubad ko na rin ang hills ko at sinumulan ko nang sundan ang direksiyon ng matsing. Pero diko na siya nakita at natakasan na naman ako. Habang hinahanap ko ang cute na matsing ay nakaramdam ako ng gutom.
"Susko wala bang pizza dito? O kahit sari-sari store manlang?" tanong ko sa sarili ko.
"Malamang wala gubat to tanga!" sagot ko sa sarili ko. O diba baliw lang?
May nakita akong puno ng prutas at susubukan ko sanang kunin kaso di naman ako marunong umakyat ng puno. Binato ko na lang. Kaso nakaka ilang bato na ako wala namang nalalaglag.
"ARAAAY!" natamaan ako ng hinahagis kong bato sa ulo ko.
Maya-maya pa ay may kumalabit sa paa ko.
"Ay anak ng kalabaw!" sa gulat ko yan ang nasabi ko.
Ang matsing na naman at may dala pang saging. Pero this time diko na talaga siya pinakawalan. Dinakma ko na agad siya dahil may kaliitan lang naman siya e. Cute siya di siya katulad ng mga unggoy na nakakatakot sa mga zoo at para lang siyang kuting.
"Huli ka, wahahahaha!"
Pag dakma ko sa kanya di manlang siya pumipiglas na inaasahan ko.
"Bakit mo ba ako laging tinutulungan? At bakit ka ba laging tumatakbo?"
Di naman siya sumagot at inabot lang sakin yung hawak niyang saging. Binitawan ko siya at kinain ko yung saging (gutom na ako e, hehe). Di naman na siya tumakbo ulet. After non sumusunod na siya sakin kahit saan ako mag punta at nakapag thankyou na din ako kahit di naman niya naiintindihan. (Fast forward) Lumipas ang mga panahon na dito na ako nanirahan. Kesa naman makasal ako sa taong diko mahal ay mas gugustuhin ko na rito. Kahit anong gawin ko ikakasal parin ako ni papa sa kanya at ayoko dahil alam kong sasaktan lang ako non dahil minsan pag kami lang dalawa madalas niya akong pag buhatan ng kamay at sinusubukang manyakin. For sure mag bibigay ng malaking pabuya yung mga 'yon mahanap lang ako, kaya dito safe ako imposible namang sa gubat sila mag hanap diba? Okay balik tayo dito sa jungle, natutunan ko nang makisalamuha sa mga hayop dito at alam ko na rin kung paano itaboy ang mga tigre. Marunong na akong umakyat sa puno. Natuto na rin akong mangaso para sa pagkain ko. Feeling ko sobrang healthy ko na kasi most of the time prutas lang kinakain ko. Halos wala na rin akong saplot kapirasong tela na lang matakpan lang ang maseselang parts ng body ko para makakilos ako ng maayos. Sobrang haba na rin ng buhok ko at buhaghag (siyempre walang shampoo rito) at wala na rin naman akong pake kung pamangit ako dito. Sa sobrang mahabang panahon ay kasama ko si Macmac (yung matsing) pinangalanan ko siya at napansin ko na wala siyang pamilya kaya sa tingin ko yon yung dahilan kung bakit niya ako tinutulungan dahil gusto niya ng kalinga ng pamilya (bakit kamukha ko ba nanay niya? Aba! Hahaha) kaya di man niya sabihin ay alam kong hinahanap niya ito kaya naman tinutulungan ko siyang hanapin ang kanyang pamilya. Masasabi kong mahirap ang buhay dito pero payapa. Sariwa ang hangin. Sa mahabang panahon ng paghahanap namin ay dumating na ang araw na iyon.
Vote and comment
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...