Fiora's pov
Shemay! ang pangit ng lasa nung pinakain niya sakin. Di naman ako maka-tanggi. Ayokong nalulungkot siya. Pero bakit niya ako tinatawag na baby? Nabibingi ba ako? Jusko aamin na ba talaga ako? Parang ayoko pa.
After kong magsuka sa nakakadiri niyang niluto lumabas na ako. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame at halatang may iniisip.
"Ano kayang iniisip non?'--tanong ko sa sarili ko.
Pumuwesto ako sa sulok at bigla naman siyang tumayo.
"Nandito na si mom, anytime pwede niya tayong mahuli. Kaya may naisip akong solusyon."-- sabi niya habang nakangiti.
Oo nga pala day 4 ko na dito ngayon, kaya nandito na ang mom niya. Pero ano kayang iniisip niya? Ewan basta kung ano man 'yan support lang ako. Hahanap lang ako ng tiyempo para umamin.
"Follow me ha?"-- sabi niya.
Bumangon siya at pumunta sa fire exit ng kwarto niya. After niyang tignan yung labas sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Una siyang bumaba at kasunod niya ako. Para kaming mga magnanakaw na tumatakas. Pagbaba namin mula sa kwarto niyang nasa second floor tinungo namin ang kulay itim na kotse. Naka yuko siya habang pumupunta doon kaya ginaya ko narin.
"Get in!"-- sabi niya na halatang nag mamadali.
Hindi na ako nag pabebe na kunwari hindi ko gets yung sinabi niya dahil nagmamadali nga siya.
Pag pasok ko sa loob agad niyang ini-start yung sasakyan at dali-daling umalis. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin neto at nag mamadali, kinakabahan ako pero wala naman akong magagawa eh.
Kahit saan niya ako dalhin sasama ako wag lang sa masyadong maraming tao. Hindi naman lahat kilala ako dahil anak ako ng isang sikat na entrepreneur sa bansa pero kahit papano may chance parin na may makapansin sakin.
"Dadalhin kita sa lugar na paniguradong never mo pang napuntahan."-- naka ngiting sabi niya.
Bali nakaupo ako sa tabi niya.
Habang patuloy kaming umaandar matinding kaba ang nararamdaman ko. Pero sa ngayon ini-enjoy ko muna ang view na nadadaanan namin. Hays grabe na miss ko ang city. Mga matatayog na buildings, magagarang sasakyan, at mga tao narin, puro animals kasi lagi kong nakikita sa gubat e. Mahaba ang biyahe para makarating kami dito sa lugar na pinaka ayokong mapuntahan dahil sa kalagayan ko ngayon, ang mall. Nanlaki ang mga mata ko nang pinasok niya ang sasakyan sa parking lot ng mall. Matinding nerbyos ang naramdaman ko.
"Tara na labas na diyan."-- naka smile na sabi niya at iniabot niya ang kanyang kamay.
Hindi ko inabot ang kamay niya dahil ayokong lumabas. Kaya lang nag pumilit siya.
"Come on baby, maganda sa loob."-- pag mamakaawa niya.
Hindi ko alam pero feeling ko na hypnotized ako nung sinabi niya yung word na baby dahil kusa ko na lang iniabot yung kamay ko.
Lumabas na rin ako sa sasakyan. Pag pasok namin sa entrance grabe na ang tingin sakin ng security guard. Bali ang suot ko ngayon ay yung malaking damit ng dad niya na hanggang tuhod ko at boxer short niya na maiksi kaya hindi rin makita. Naka paa lang ako samantalang siya naka tsinelas. Nagdadalawang isip siguro yung gwardiya kung papapasukin kami, akala siguro nila mga adik kami.
"Nawala po kasi tsinelas niya kaya bibili po sana kami sa loob kung okay lang?"-- tanong ni Rinoah sa guard.
"Ah ganon po ba, sige enjoy lang po kayo."-- sagot ng gwardiya na halatang nag dadaawang isip parin.
Habang naglalakad kami sa loob nakakapit ako sa damit niya. Nahihiya ako dahil pinag titinginan kami ng mga tao. May mga natatawa dahil sa pag acting ko na parang gorilla at may iba naman na parang nagtataka. Sa dami ng mga nakatingin sakin napansin ko na parang wala naman nakakakilala sakin nakalimutan kong malaki na pala ang pinag bago ng hitsura ko. Mestiza ako noon pero ngayon sobrang negra ko na. Isa rin siguro yon sa dahilan kung bakit walang makakilala sa akin.
"Papagandahin kita today."-- sabi niya na may nakakalokong ngiti.
Omg, don't tell me ipapa-parlor niya ako?
At hindi nga ako nagkamali, pumasok kami sa isang beauty parlor. Pinag titinginan kami ng mga tao sa loob. Dedma lang ako sa kanila. Pero naisip ko na hindi niya ako pwedeng ipa-parlor kasi baka bumalik yung dati kong hitsura, baka may makakilala sakin.
Tumakbo ako nang mabilis palabas ng parlor. Parang matsing na hinahabol ng tigre. Nag habulan kami sa loob ng mall. Sumakay ako sa escalator at humakbang ng mabilis. Naagaw ang atensiyon ng marami sa ginagawa namin. Ang hirap um-acting sa harap ng maraming tao, nahihiya talaga ako. Back to the habulan. Pumasok ako sa isang tindahan ng mga damit. Perfect ito para makapag tago ako. Pumunta ako sa likod ng mga naka hanger na damit.
"Babaeng Tarzan!"-- malambing na sabi niya.
Hinahanap niya ako, hinawi ko nang bahagya ang mga damit na tinataguan ko at kitang-kita ko siya mula dito sa pwesto ko. Inililibot niya ang kanyang paningin para mahanap ako. Naglakad na siya papunta sa ibang lugar dito sa tindahan ng mga damit. Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya. Hindi ko na siya makita. Tumayo ako para tignan kung nasan na siya. Mukhang wala na siya dito at nakahinga na ako ng malalim.
"Huli ka ngayon. Hahaha."-- masayang pang gugulat niya.
Hindi ko namalayan na nasalikod ko pala siya.
"Ano bang problema mo baby Tarzan ko?"-- nilapitan niya ako, as in sobrang lapit na halos mag dikit na ang aming mga mukha.
Tugs tugs! tugs tugs! Bumibilis na naman ang heartbeat ko. Napapa atras ako sa ginagawa niya. Habang magkatitigan kami at umaatras ako ay siya namang pag hakbang niya nang paunti-unti palapit sakin. Ang talim ng tingin niya sakin na may nakakalokong ngiti. Ang hot niya ngayon feeling ko kasing pula na ng mansanas ang pisngi ko. Pero pilit kong pinpigilan ang sarili ko na huwag tumili sa kilig at baka mabulilyaso ang pag papanggap.
Kakayanin ko pa kaya itong pag acting ko? Feeling ko kasi bibigay na ako e.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...