Chapter 6: Broken Hearted

144 8 0
                                    


Rinoah's POV

Pupunta na sana ako kela Fey para makipag balikan kaso nakalimutan ko yung susi ng car ko sa kwarto.

"Hays! Makakalimutin na talaga ako!"-- sabi ko sa sarili ko.

Pag bukas ko ng pinto ay may naririnig akong kumakanta ng Roar ni Katy Perry.

"Sino kaya 'tong kumakanta"-- tanong ko sa aking sarili.

Dahan-dahan kong sinundan yung ingay at papunta ito sa cr. Pag dating ko doon ay nakita ko si babaeng Tarzan.

"Ooh ooh, aah aah!"-- sabi niya with innocent face.

Imposible namang siya yung kumanta e huni lang ng unggoy alam niya.

"May naririnig kabang kumakanta dito?"-- tanong ko na pasungit.

Di naman siya sumagot at nag patuloy lang sa pag ligo. Grabe gorilla talaga siya kumilos kababaeng tao. Maganda sana kaso iwwww no way.

"I got eye of the tiger the fire dancing through..."

Narinig ko na naman yung kanta at this time sa labas ito ng kwarto nanggaling. Sa bagay imposible naman dito sa loob manggaling yon wala naman tao dito di rin naman tao tong si Babaeng Tarzan. Hehe.

"Yaya kanina ka pa ba kumakanta diyan?"-- tanong ko pag bukas ko ng pinto

"Opo senyorito!"--sabi niya.

Ah sige. Wag ka na po munang papasok dito sa kwarto ko ha? May pinag kaka abalahan kasi ako baka magulo.

Tumango naman siya at umalis sa harap ko. Kinuha ko na ang susi at umalis na rin ako. Kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya kasi in case 3rd-time nang tatanggihan ni Fey ang apology ko kaya grabe yung pressure. Nag break kami kasi di raw ako magaling humalik. O diba ang simple lang? For me it's a kind of being immature. Sabi nga ng mga friends ko sadyang di lang daw ako mahal ni Fey kaya ganon dahil wala naman daw nakikipag break dahil lang doon. Kaya heto ako ngayon patutunayan ko sa kanila na mahal ako ni Fey. Pag dating ko sa tapat ng bahay nila ay nakita ko siyang dumungaw sa bintana.

"FEY I'M SORRY! I LOVE YOU SO MUCH! PLEASE GIVE ME ONE MORE CHANCE!"-- sigaw ko para marinig niya.

Pero hindi siya sumagot dahil merong lalaki na yumakap sa kanya mula sa likod at hinalikan siya nito.

"HOY!  SINO KA? TARA*TADO! HOOOY!"-- galit kong sabi.

Nag wawala ako sa harap ng bahay nila. Pilit kong binubukasan yung gate pero diko mabuksan. Habang ginagawa ko ito ay hinawi na ni Fey yung kurtina kaya diko na sila makita.  Yung kwarto niya kasi made of glass yung malaking window sa harap kaya kurtina lang ang pinangtatakip.

"FEY!  BUKSAN MO'TO! MAHAL NA MAHAL KITA! FEEEEY!

Ayaw talaga nitong mabuksan kaya naman umupo na lang ako hanggang sa may magbukas nito. Habang naka sandal ako sa gate nila ay biglang umulan ng malakas diko maramdaman ang patak nito dahil nadadaig ito ng galit at sakit sa puso ko. Maghapon akong naghihintay na kahit katulong manlang nila ay pag buksan ako ng pinto kaso wala talaga. Natuyo na lang ako na kanina na basang-basa sa ulan. Mukhang wala na talagang pag-asa kaya tumayo na lang ako at umalis na. Gabi na rin nang umalis ako sa kanila kaya sa bar ako pumunta. Nag walwal ako, nag lasing, sumayaw, kumanta, at kung ano-ano pa para lang kahit papano mabawasan ang sakit. Kung may kaibigan lang sana ako na mapapag labasan ng sama kaso wag na lang pag tatawanan lang nila ako dahil sa katigasan ulo ko.

"Party party! Wooooh!"-- sabi ko habang umiindak.

Ang daming babae na lumalapit sakin and they're all trying to flirt me habang suma-sayaw well di naman sa pag mamayabang babae ang unang lumalapit at nanliligaw sakin dahil medyo pinagpala talaga ako sa hitsura. Never pa ako nanligaw dahil never din naman ako nagka crush. Kahit nga si Fey diko naman type yon noong una kaso mapilit kaya nahulog na rin ako, natutunan ko siyang mahalin, tapos heto sasaktan niya ako. One month palang kami nakipag break agad at may kapalit na. Lagi siyang nagbibigay ng motibo sakin pag kaming dalawa lang sa kwarto. Minsan pag hinuhubad niya yung damit niya sa harap ko sinusuot ko ulit ito sa kanya dahil mahal ko siya at nirerespeto at kiss lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Nagagalit siya pag di ako pumapayag sa gusto niya sinasabi niya na bakla daw ba ako? bakit ayaw ko daw?. Pag sinasabi niya yon lagi kong sinasagot sa kanya na mahal ko siya at iginagalang ko siya. Diko naman pala alam na f*ck girl pala ang hinayupak. May kapalit agad ako at magkasama agad sila sa kwarto. Samantalang 1week ago palang kami nag break. Hanep!

Sa sobrang pag liliwaliw ko ay may nabunggo ako na lalaki na bigla akong sinapak. Siyempre lumaban ako dahil natural na mabubunggo siya malamang maraming taong sumasayaw. Nag suntukan kami at pareho kaming pinalabas sa bar. Kaya umuwi na lang ako. Di na naman ako napansin ni yaya na pumasok kasi sobrang laki ng bahay namin. At buti na lang dahil baka isumbong ako kay mom kapag nakita akong lasing. 21 years old na ako pero baby parin ang turing sakin ni mommy only child lang kasi ako. Kahit babae ayaw niya na sinasaktan ako. Malaki nga ang galit niya kay Fey kasi sinaktan ako nung nag break kami.

Vote and comment.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon