Chapter 17: @the park

117 4 0
                                    

Fiora's POV

"Oh ayan cute kana ulit."--sabi niya after akong dungisan.

Tumayo siya sa harap ko at nag discuss na naman.

"Tuesday ngayon at nasa work si mom kaya wala tayong gagawin ngayong maghapon kundi ang tumunganga dito sa kwarto."-- sabi niya

Hays tutunganga lang kami maghapon? Nakaka-inis naman paniguradong mabo-boring ako neto.

Hindi nga siya nagbibiro lumipas ang mahabang oras na hindi niya ako kinaka-usap o tignan manlang. Puro lang siya tulog at nood ng TV. Minsan nag la-laptop din siya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya ako pinapansin? Naninibago ako ha.

Lumipas na ang liwanag at nag umpisa ng mag gabi.

"Kukuha lang ako ng dinner natin. Alam mo meron kaming tinatawag na lunch pero since nag d-diet ako at hindi kumakain ng lunch damay ka na rin ha?"-- sabi niya bago lumabas sa pinto.

Kaya pala napapansin ko hindi kami nagtatanghalian kasi diet pala siya. Mabuti na lang nasanay akong light foods lang ang kinakain sa gubat kaya okay lang kahit hindi ako kumain masyado.

Natapos na kaming kumain at naghahanda na para matulog. Napansin ko lang na naglalatag si Rinoah ng higaan sa sahig. Akala ko doon na naman siya matutulog katulad ng ginawa niya last night na ipinagtaka ko.

"O ayan dito ka na ulit sa ibaba ng kama matutulog"-- sabi niya habang ina-acting

Ako pala ang matutulog sa sahig. Pero bakit naman? May nagawa ba akong mali?

Wala na akong nagawa kundi sumunod. Hinihintay kong papuntahin niya ko sa cr para makapag hilamos ako dahil hindi parin nawawala yung mga uling sa mukha ko. Pero hindi niya ginawa iyon. Natulog na siya kaya hinayaan ko na lang din matulog habang madungis ang mukha ko.

Kinabukasa nagising na lang ako na madumi na ang higaan ko. Nagkalat na lahat ng uling dito. Halos sabay lang kaming nagising dahil sabay din kaming bumangon.

"Wednesday ngayon kaya kailangan nating lumabas."-- sabi niya sakin habang nag uunat-unat ng katawan.

Lalabas na naman kami, saan naman kaya kami pupunta? Sana naman sa hindi public place dahil masyadong nasusubukan ang acting skill ko e.

Naligo na siya at nagbihis. Akala ko papaliguin niya rin ako kaso hindi. Inabutan niya lang ako ng panibagong damit ng papa niya at malaking maong.

"Ayan mag bihis ka lang, wag ka ng maligo"-- sabi niya habang sumisenyas na wag akong pupunta sa banyo.

Nagbihis ako kung saan ako naka upo dahil nakatalikod naman siya.

"Sundan mo ulit ko."-- sabi niya.

Sa fire exit ulit kami dumaan at sumakay sa kotse niya sa parehong paraan na ginawa namin noong isang araw.

Pumunta kami sa isang peoples park. Maraming tao dito at mga tindang pagkain. Mabuti na lang din at may uling ako sa na nilagay niya kanina pag pasok namin sa sasakyan kaya confident ako na walang makakakilala sa akin dito.

"Tara baba na."-- sabi niya sakin at inalalayan niya ako pababa.

Masusubukan na naman ang acting skill ko neto.

Pag baba namin tumakbo siya. Nung nasa malayo na siya bigla siyang sumenyas na pinapalapit niya ako. Nilapitan ko naman siya kaso tumakbo ulit siya at mukhang gusto niyang magpahabol. Hinabol ko siya pero masyado siyang mabilis, malayo na ang tinakbo ko kaya nagpahinga muna ako. Umupo lang ako sa isang upuan malapit sa nagtitinda ng ice cream. Sa sobrang dami ng tao hindi ko napansin na wala na siya sa dating kinatatayuan niya. Hindi na siya makita ng mata ko. Binalikan ko na lang ang sasakyan para hindi ako mawala at maiwan.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon