Chapter 3: The Lady Tarzan

179 9 0
                                    

Habang naglalakad kami ni Macmac ay bigla siyang tumakbo sa isang direksyon at nakita ko na may grupo doon ng mga matsing na sa tingin ko ayon ang pamilya niya. Mukhang masaya na siya kasama sila at nag b-bye na ako. Kumaway ako sinyales na ako'y aalis na at siya naman naka tingin lang sakin. Habang naglalakad ay lumingon ako sa kanila at wala na silang lahat. Naluha ako kasi madami na rin kaming pinagsamahan ni Macmac.

"Ako na lang mag isa"-- bulong ko sa sarili ko sabay buntong hininga

Ngayong kasama na niya ang kanyang pamilya at siguro time na ito para maka balik ako sa city. Pero pano ko naman iyon gagawin?

Umakyat muna ako sa isang puno para mag muni-muni. Later on may nakita akong paparating na kotse.

"Lord ang bilis niyo naman pong ibigay ang sagot! Thankyou po!" sabi ko sabay amen sign.

Saktong huminto ito sa tapat ng puno na kinauupuan ko at bumaba ang driver.

"Kikilatisin ko muna to, baka mamaya manyak to o kaya mamamatay tao" sabi ko ulit sa sarili ko.

Nakita ko na ang driver ay isang lalaki na sa tantsa ko ay 21 years old na. Umupo ito sa harap ng kanyang kotse. At grabe ang gwapoooo! Ngayon lang ulit ako nakakita ng gwapo puro si Macmac kasi nakikita ko e. Hahahaha matangkad, maputi,  naka brushed up yung buhok,  basta napaka perfect.  Pero siyempre nag iingat din ako kasi may mga gwapo rin naman na kriminal. Maya-maya pa ay tumayo ito sa harap ng kotse at sumigaw.

"ANO BANG MALI SAKIN!? BINIGAY KO NAMAN ANG LAHAT! BAKIIIIT!"- sabi niya sabay pulot ng bato at binato sa malayo.

Nakita ko siyang umiiyak at sign na rin yon na isa siyang mabuting tao. Pero paano niya naman ako isasama palabas dito ng walang dahilan? Isip-isip. Maya-maya ay humarap siya sa puno na kinalalagyan ko at.

(shhhhhhhhhh)- tunog ng ihi.

Bess umihi siya muntik ko na makita yung birdy niya kaya tinakpan ko ang aking virgin eyes. Pagkatapos ay pumasok na siya sa kotse niya at ini-start na ito. Pag andar nito nang konti ay tumalon ako sa harap nito at nabunggo ako ng mahina pero umarte ako na tila ba malakas ang pagkakabunggo sakin.

"Jusko ano ba'to?" sabi ng driver pag baba sa kotse na mukhang nataranta.

"Ooh ooh,  aah aah"-- humuni ako na parang unggoy diko alam pero ayan lang talaga ang nasabi ko sa kanya. Siguro nasanay ako kay Macmac.

Pagkasabi ko non ay umarte ako na nawalan ng malay. Binuhat niya ako at ipinasok sa loob ng kotse.

"Pag minamalas ka nga naman oh?" sabi niya na parang galit.

Inandar na niya ang kotse. Ngayon na lang ulit ako naka sakay sa kotse nakakamiss din pala. Pinuwesto niya ako sa likod at obviously kaming dalawa lang ang sakay nito.

"Gosh! Anong uri kaba ng tao? Totoo pala si Tarzan. Sa hitsura mo mukhang dito ka nakatira sa loob nang mahabang panahon. Naku kung di lang kita nabangga." nang gigigil niyang sabi.

Pero maya-maya pa ay biglang nag iba ang tono ng boses niya. At nararamdaman ng instinct ko na tinitignan niya ako sa salamin.

"Pero nakaka awa karin kasi, mukha kang gusgusin at di nakaka kain sa gubat na iyon. Pasensiya kana sa bahay lang kita dadalhin baka kasi pag sa hospital makasuhan pa ako ng animal abuse ayoko nga makulong."-- mahinahon niyang sabi.

Yung totoo naaawa ba tong hinayupak na to o nang iinis lang? Gusgusin daw tyaka hayop? Ititigil ko na sana ang pag papanggap ko na walang malay at sasabunutan ko na sana tong mokong nato habang nag d-drive kaso naisip ko na siya lang ang makaka tulong sakin para makalabas dito. Di ko na rin kasi alam kung paano lumabas dito eh.

Nakatulog ako sa haba ng biyahe at nagising na lang ako nang naramdaman ko na may bumuhat sakin.

"Whaaaaaat! Babae ka pala? Eh mas makapal pa yang buhok mo sa kili-kili kesa sakin eh?"--sabi niya nung nakita niya siguro boobs ko. Siguro di niya ito nakita kanina kasi natatakpan ng makapal kong buhok.

Bes sasapakin ko na talaga to isa na lang? Nakukuha na niya gigil ko bess!
Nung nalaman niya na babae ako ay hinagis niya ulit ako sa loob ng kotse.

"Di ako pwedeng mag dala ng babae dito, magagalit si mommy. Kaka break ko lang kay Fey eh!"-- sabi niya at mas lalong nataranta.

Gosh baka ibalik ako nito sa gubat di pwede, alam ko na.

"Ooh ooh, aah aah!"-- mahinahon kong sabi.

Dinilat ko ang mata ko at umaarte na nahihirapan para maawa siya. At mukhang effective naman.

"Hays kawawa naman to. Mukang gutom. Sige na nga bahala na."- sabi niya at mukhang na convinced ko.

Binuhat niya ulit ako at this time naka dilat na ako. Para kaming magnanakaw na pumapasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan kasi baka may maka pansin. Habang nasa sala kami ay biglang nakita niya ang mommy niya siguro to na pababa ng hagdan.

"Sh*t" sabi niya.

Pumasok kami sa ilalim ng long table.

"Yaya wala pa ba si Rinoah?"

"Wala pa po maam"- tugon ng yaya

"Gabi na ha? Well paki sabi sa kanya na may 4 days camping ang company namin kaya siya muna mag isa dito."

"Masusunod po ma'am"

Tanging paa lang nilang dalawa ang nakikita namin at nakita rin namin na umalis na silang dalawa palabas.

"Hatid ko na po kayo." sabi ng maid.

Pag labas nila ay tumayo agad tong mokong na'to at dinala ako sa kwarto sa itaas. Pag pasok namin ay nilapag niya ako sa sahig.

Vote and comment.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon