Chapter 14: Balik Alindog

114 4 2
                                    


Fiora's POV

Tumayo na ako nang diretso, este tumayo na parang gorilla para maka iwas sa nakakalokang sitwasyon na ito.

"Ah gets ko na, gusto mo na damit muna ang unang bilhin?"-- he said

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso to make sure na hindi na ako tatakbo. Dinala niya ako sa part na puro dress. Lumapit siya sa isang babaeng staff.

"Can you assist my lady Tarzan? Find her a dress that will showcase her sexy body."--sabi niya habang nakatingin sakin.

"Okay po sir"-- sabi ng babaeng staff.

Hinila ako ng staff sa loob ng fitting room. Almost 20 dresses na yung nasukat niya sakin pero wala paring bumabagay hanggang sa may nakita akong dress na umagaw talaga sa aking pansin. Isang off shoulder dress na kulay gold at may slit sa bandang legs. Napansin siguro ng staff na nakatingin ako sa dress na iyon kaya kinuha niya ito at isinukat sa akin.

"Ayan maam, bagay po sa inyo."-- sabi niya

Hindi ako nag pakita ng kahit anong reaction dahil sa totoo lang ayoko talagang mag ayos at baka may maka kilala sa akin.

"Maam bakit po ba ganyan ka kamilos? Parang unggoy ka po maganda ka pa naman sana."-- panghihinayang niya

Aba echoserang to, balak pa yatang chumismis? Haha. Hindi ko na lang pinansin.

Binuksan na niya ang fitting room at pagka bukas bumungad ang mukha ni Rinoah. Natulala siya dahil sa hitsura ko, nanlalaki rin ang kanyang mga mata. Lumapit sa kanya ang staff.

"Sir mukhang na gustuhan niyo po, sa counter na lang po kayo magbayad."-- sabi ng staff

Hindi ito narinig ni Rinoah dahil nakatulala parin siya sa akin hanggang ngayon.

"Ah, sir sa counter na lang po."-- sabi ng staff na mas mataas na ang boses.

"Oo alam ko!"-- pasungit na sabi niya.

Hinila ako ni Rinoah papunta sa counter. Para siyang babae na tinarayan yung staff. 

"Gwapo sana kaso masungit."-- pabulong na sabi ng babae habang paalis kami.

Binayaran na niya at hindi na pinahubad sakin yung dress. Imagine, naka dress ako at uma-acting na parang unggoy. Mukha talaga akong tanga.

Sunod niya akong dinala sa isang shoe store. Ang gaganda ng mga heals. Kaso pinaupo niya lang ako sa isang upuan at siya ang nag hanap ng sapatos ko. Ang cute niyang tignan habang naghahanap ng bagay sa akin na heals. Maya-maya pa lumapit siya sa akin at may dalang heals na color skin tone.

"Ito ang bagay na kulay sa gold mong dress."-- sabi niya at yumoko sa harap ko para isukat.

Kabog ang kuya niyo ha, marunong siya sa mga girly things. Siguro dahil na rin sa ex niyang si Fey. Pero hindi parin ako natutuwa dahil alam kong mahihirapan ako lalo nito, mahirap um-umacting na parang unggoy habang nakasuot ng 5 inches heals. Ano ba talaga trip neto?

"Ayan sobrang bagay sayo."-- sabi niya at tumayo na dahil naisuot na sa akin ang heals.

Mygad gusto kong maglakad ng maayos dahil baka matapilok ako. Hindi ko talaga alam anong trip neto? Hirap ng kalagayan ko ngayon. Determinado na talaga akong umamin mamaya kapag pauwi na kami.

"Let's buy all your needs first bago tayo pumunta sa beauty parlor."--sabi niya at hinila ulit ako na parang paslit.

Na trapped na ako sa sutwasiyon. Pinabayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niya. Susulitin ko na lang ang mga sandaling magkasama kami at naloloko ko pa siya.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon