Rinoah's POV"Alam mo sobrang nag enjoy talaga ako ngayong araw. Salamat sa lahat, napapasaya mo talaga ako. Sana wag kang mawawala at sana wag mo akong iwan. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sakin. She already left me I hope you'll not do the same."--malungkot na sabi ko sa babaeng Tarzan.
Pinakikiramdaman ko siya dahil ano mang oras alam kong aamin siya. Pinagmamasdan ko siya mula sa salamin at halata sa mukha niya na nag r-ready na siyang mag confess. Hindi ako manghuhula pero naramdaman ko talaga iyon. Kinalabit niya ako at sa tingin ko sign na iyon na aamin na siya kaya naman sinabi ko na ang mga salitang iyon para maudlot ang kanyang pag amin.
"Bakit mo nga pala ako kinalabit?"-- tanong ko sa kanya.
Mukhang effective naman ang mga flowery words ko dahil yumuko lang siya at walang salita ang lumabas sa kanyang bibig.
Habang umaandar ang sasakyan naisip ko yung mga nangyari kanina.
Binuksan ko ang pinto para papasukin siya sa sasakyan dahil baka lalo ko lang siyang mabigyan ng dahilan para umamin sa akin kapag napansin niyang umiiwas ako dahil sa totoo lang hindi ko talaga siya kayang harapin sa ganitong hitsura niya. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa sarili ko, tama ba ang ginawa ko? Tama ba na pina-make over ko siya? Marami na ang babaeng na encounter ko sa buhay ko pero sa kanya lang ako natulala ng ganon. Marami na akong nakitang magagandang babae pero iba talaga yung sa kanya. Sa pagkaka alala ko never pa akong na attract sa isang babae dahil wala lang naman sila sakin para lang silang halaman na hindi ko pinapansin (except kay Fey). Paano ko pa kaya siya papahirapan kung tignan siya hindi ko magawa dahil sa ganda niya. No way, hindi pwede to. Kailangan kong makaisip ng paraan para maiwasan ko tong nararamdaman ko.Mahaba-haba din ang biyahe. Hindi ko siya tinitignan na d-distract talaga ako e. Hindi ko nga alam kung paano ko nasabi ang mga salitang binitiwan ko kanina.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi napapansin ng peripheral vision ko na naka yuko lang siya mula pa kanina. Siguro ngayon naisip na niya na wag na lang umamin.
Pag dating namin sa bahay binuksan ng security guard yung gate. Nag park ako sa likod ng bahay namin para hindi kami makita ni yaya Eugene na bumababa sa sasakyan.
Kung saan kami lumabas doon din kami pumasok, sa fire exit. Pinauna kong umakyat si babaeng Tarzan at ako ang kasunod. Mahirap din sa part ko dahil sobrang dami naming dala na mga pinamili at ako lang ang nagbubuhat.
Pag pasok namin ay agad siyang pumunta sa sulok at nakasimangot.
Ako naman dumiretso higa sa kama dahil sa pagod. Nababalot ang paligid ng katahimikan. Hindi ko talaga kayang magsalita o kausapin pa siya.Nag pahinga lang ako saglit at pumunta na ako sa cr para maligo. Naghubad na ako at naligo. Habang nag s-shower nag isip ako ng paraan para maiwasan ko yung ganitong pakiramdam. Naisip ko na hindi ko na dapat siya maging maganda. Kaya kailangan gumawa ulit ako ng paraan para pumangit siya. Kailangan mawala ang distraction ko sa kanya dahil mahihirapan lang ako gumanti. Bukas na bukas uumpisahan ko na.
After taken a bath lumabas na ako para magbihis. Nakita ko na lang siya na natutulog sa kama ko. Nag bihis na ako at nagpatuyo ng buhok. Humiga narin ako sa kama katabi niya. Akala ko normal lang akong nakahiga while she's beside me. Pero hindi, kakaiba ang nararamdaman ko, hindi ako kumportable.
"Sh*t anong gagawin ko?"-- mahina kong bulong.
Pinilit kong matulog kahit ganito ang sitwasiyon pero hindi ko talaga kaya. Nag decide akong sa sahig na lang matulog. Naglatag ako ng makapal na kumot at ibinaba ang unan. Ngayon lang ako makakatulog sa sahig sa buong buhay ko. Kaso ginusto ko rin to eh, hindi pa siya pwedeng umamin dahil hindi pa ako nakakaganti.
Naisip ko na kung hindi siya maganda sa paningin ko ay magagawa ko ng gawin sa kanya lahat ng plano ko. Bad idea talaga yung ginawa kong pa-make over sa kanya e.
Kahit mahirap ay nakatulog na rin ako sa sahig, paminsan-minsan nagigising ako pero nakaka balik din naman agad sa pagkakatulog.
Kinabukasan pagdilat ng mata ko mukha niya agad ang bumungad. Tinitignan niya ako at napaka inosente ng mukha. Ang galing niya talagang um-acting dahil para siyang isang unggoy na kinikilatis ako. Siguro ay nagtataka siya kung bakit sa sahig ako natulog. Maganda parin siya kahit bagong gising kaya naman dali-dali akong bumangon para makaiwas sa sitwasiyon. Titig na titig kasi siya sa akin. Lumabas ako sa kwarto para gumawa ng almusal.
"Hindi ka raw nakita ni yaya na pumasok sa main door?"-- tanong sakin ni mom pagbaba ko pa lang ng hagdan.
"Siguro hindi niya lang ako napansin. "-- sagot ko at mabilis na pumunta sa kusina.
Halatang may gusto pang itanong si mom kaso pinakita ko na ayoko muna ng kausap at mukhang na gets naman niya iyon base sa gesture ko.
Nagluto ako ng pancake. This time sinarapan ko na ang pagkakaluto dahil naisip ko na hindi dapat idamay ang pagkain sa ano mang masamang bagay katulad ng ginagawa kong paghihiganti dahil biyaya ito ng Diyos at naisip kong marami ang nagugutom tapos ako mag aaksaya lang. Alam kong masama ang ginagawa kong paghihiganti pero inumpisahan niya e, self defense lang 'tong ginagawa ko kung tawagin. Habang nagluluto ako may nakita akong mga charcoal malapit sa mga gamit pang ihaw. Nakaisip na tuloy ako ng paraan para hindi ako ma-distract sa kanya.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...