Rinoah's POVSinadya ko talagang iwan siya doon, hindi ko alam kung para saan pero ginawa ko na lang. Balance lang ang ginagawa kong revenge sa kanya. Minsan harsh minsan naman sweet para kahit papaano may reason parin siya para hindi muna mag out.
Umuwi na agad kami at malayang nakapasok sa loob ng bahay ng hindi dumadaan sa fire exit dahil alam kong tulog na si mom sa ganitong oras. 8:39 pm na kasi. Si yaya Eugene naman ewan ko ba pero parang lagi siyang on timing, parang kahit anong gawin naming paglabas pasok ay never niya kaming nakita. Para bang nakiki-cooperate siya sa pagtatagong ginagawa namin.
Pag pasok namin sa kwarto ay pumuwesto na siya sa sulok. Agad kong kinuha ang mga pinamili kong pagkain sa mall para anytime na makaramdam ako ng gutom hindi na ako lalabas ng kwarto. Sa mall lang ako na stay the whole time na iniwan ko siya.
Hindi ko alam pero nung nakita ko siyang natutulog sa isang karton ay may something na kumurot sa puso ko and I hate this feeling dahil hindi dapat ako makaramdam ng kahit anong awa sa kanya dahil hindi rin naman siya naawa sa akin. Alam niyang may problema ako non at imbes na umamin siya nga mas maaga hindi niya ginawa, lalo lang niyang dinagdagan yung sakit. Maybe if other people will know this they'll find me gay but for me it is not that. Tinuturuan ko lang siya magpakatao at huwag manggamit ng kung sino for their personal issues.
Iniabot ko sa kanya ang sandwich and fruit juice as our dinner. Kinain naman niya ito na parang gutom na gutom. I guess gutom talaga siya dahil maghapon siyang walang pagkain. Wala rin naman siyang pera pambili.
After kumain naligo ako bago matulog. Pinaligo ko na rin siya dahil alam kong matinding ang naabsorb niya sa tabi ng basurahan na halata naman sa maduming tsinelas na suot niya.
Nag demo ako sa kanya na maligo dahil kung hindi ako magde-demo at salita lang hindi niya gagawin 'yon dahil sobrang galing um-acting ng isang to.
Habang naliligo siya pinilit kong matulog para hindi ko makita ang mukha niya after niyang maligo dahil paniguradong matatameme na naman ako. Dati naman kahit hindi madungis ang mukha niya ay kaya ko parin siyang tignan. Siguro dahil magulo at nakakapangit ang buhok niya noon. Straight na kasi ito ngayon at sobrang bumagay sa kanya ang hanggang hips niyang buhok.
Kaya lang kahit anong gawin ko hindi parin ako makatulog. Madami na akong pusisyong nagawa. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita kapag tapos niyang maligo at malinis na ang mukha. Ang gulo diba? Gusto ko na ayaw.
Sa sobrang inis ko sa nararamdaman ko ay tumiya ako at itinkip ang unan sa mukha ko sabay sumigaw ng malakas para mai-release yung inis ko. Para akong sira ulo na nag lilikot sa higaan at sumisigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko.
Sa hindi inaasahan, pag tanggal ko ng unan sa mukha ko siya agad ang bumungad. Nakita ko siya na nakasuot ng mahabang damit ni papa na hanggang tuhod niya. Malinis ang kanyang mukha habang pinupunasan ng towel ang buhok. Kahit naka tayo siya na parang unggoy ang tindig ay hindi ito nakasira sa kanyang ganda.
Napa-upo ako sa kama at tinitigan siya. Kaya lang bigla siyang tumingin sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Sorry na lang babaeng Tarzan pero kailangan kong gawin ito.
Kinuha ko ang isang garapong durog na uling na itinago ko sa ilalim ng kama ko para madali ko itong makuha kung sakaling luminis ang mukha niya.
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang malinis niyang mukha.
"Hindi ka talaga cute kapag malinis ang mukha mo."-- sabi ko habang naka ngiti siyang pinapahiran.
Nag pagpag na ako ng kamay dahil mauling ito.
Natulog na ako at ganon din siya.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...