Chapter 7: The Kiss

155 8 3
                                    

Fioras's POV

Buti na lang talaga ay di nalaman ni Rinoah na ako yung kumakanta ng Roar at buti na lang kumanta rin yung maid ng Roar kung hindi nako maki-kick out ako dito. Di rin naman ako mag tatagal dito, humahanap lang ako ng tyempo. Haharapin ko na ang pamilya ko at si Tyron, bahala na kung ano mangyari. Pero sa ngayon ay diko pa kaya.

Habang naka upo ako sa ibaba ng kama ni Rinoah ay biglang bumukas ang pinto.

"Hoy babaeng Tarzan!"-- sabi niya na iika-ika pumasok.

Halatang lasing siya at mukhang napaaway dahil puro pasa ang mukha. Lumapit siya sakin at napapansin ko na parang matutumba siya.

"BOOOOOOGSH!!!" -- kalampag ng sahig.

Lumagapak siya sa harap ko at feeling ko ang sakit non. Awts!

"Grabe ka di mo manlang ako sinalo!"-- sabi niya habang naka subsub ang mukha sa sahig.

Makalipasang ilang minuto ay di ako umaalis sa pwesto ko at siya ay naka subsob parin at parang naka tulog na. Kaya binuhat ko siya para dalhin sa kama.

"Grrr! Ang bigat mo!"-- sabi ko nang mahina sabay baba sa kanya sa kama.

Sa di inaasahang pagkakataon at kamalas-malasan ay napailalim ako sa kanya pag lapag ko bali naka dagan siya sakin. Naka tihaya ako tapos siya nakataob at naka patong sakin.

"Nag sasalita ka pala?"-- tanong niya sakin ng mahina habang naka pikit.

Diko alam ang gagawin ko dahil narinig niya pala ang sinabi ko akala ko kasi tulog siya.

"Eto ba ang dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan?"-- sabi niya sabay kiss sa lips ko.

Bes hinalikan niya ako habang naka dagan siya sakin. Gusto ko siyang itulak kaso hindi na ako naka galaw sa sobrang pagka gulat.

Isang minuto din siguro yon after non tumihaya na siya. Bali di na siya naka dagan sakin at ako naman naka tulala lang at naka tingin sa kisame.

"Tama sila di dahil sa halik kaya niya ako hiniwalayan dahil yon sa di niya talaga ako mahal. S*x lang talaga habol niya sakin!"-- sabi niya sabay himagulgol ng malakas.

Bes gusto ko siyang i-comfort at yakapin kaso di ko magawa kasi hanggang ngayon tulala parin ako mula sa pagkaka halik niya.

Habang naka higa kami pareho ay ikinuwento niya lahat-lahat sa kanila ng ex-girlfriend niya. Grabe ang hirap pala nang pinag daanan niya don. Sa gwapo kasi netong katabi ko dimo iisipin na virgin pa pala to. Kala ko kasi nag papa-abs lang ang mga lalaki para lumakas ang sex appeal. So ano yung kanya para healthy lang at physically fit? Well matino rin pala 'tong hinayupak na to.

Naka tulog na siya kaka kwento at kaka iyak. Ako din naka tulog na rin ako sa kama niya ng diko namamalayan.

Kinabukasan...

"BUUUUGSH!"-- kalampag ng sahig.


Tinulak niya ako at nahilog sa kama. Nagising ako dahil ako naman ang pumalakda sa sahig.

"Anong ginagawa mo dito sa kama ko! Don't tell me totoo ang mga nangyari kagabi? Nag sasalita ka ba at mygad hinalikan kita? "- pasigaw niyang tanong na tila gulat-na gulat.

Dahan-dahan akong tumihaya dahil naka dapa nga ako. Pag tihaya ko humini ako ng huni ng unggoy.

"Hays! Tama panaginip lang lahat iyon dahil lasing ako at imposible yon dahil isa kang feral child!"-- sabi niya sabay buntong hininga.

At again naka lusot na naman ako. Di na talaga ako magsasalita kahit na mahirap.

Bumangon na siya sa kama niya at lumabas sa kawarto. Umupo ako sa isang sulok ng kwarto niya at natulala na naman ako dahil naalala ko yung nangyari kagabi.

Habang nag ini-isip ko 'yon ay  biglang bumukas ang pinto at biglang nag slow motion ang lahat. Habang pumapasok siya ay nakita ko siyang naka ngiti sakin at grabe ang gwapo niya. Dahan-dahan siyang lumapit sakin at sinabi niyang "baby kain na!" baby ang sabi niya. Naka ngiti lang ako sa kanya at di makapaniwala.

"Hoy babaeng Tarzan eto na pagkain mo!"-- sabi niya na diko marinig.

"Hoy kumain kana babaeng Tarzan!"-- pangalawang sabi niya.

Haha akala ko totoo, ilusyon lang pala. May pa slow motion pang effect. Kabaligtaran pala ang lahat. Kala ko baby na talaga ang tawag niya sakin babaeng Tarzan parin pala tyaka akala ko naka-ngiti siya sakin yon pala parang galit na tigre ang mukha. Ewan ko ba kung bakit ko na-imagine 'yon.

Kinuha ko na lang yung pagkain na inabot niya sakin at mabilis ko itong kinain dahil grabe ngayon lang ulit ako makakain ng sisig. Ummmm! Sarap. At again diring-diri na naman yung mukha niya habang pinapanood ako.

After kong kumain at inilabas niya narin yung pinagkainan ko ay kinuha niya yung cellphone niya.

"Hoy umayos ka ng upo!"-- sabi niya sabay tinapat sakin yung cp niya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit kaso di ko magawa.

"Pi-picturan kita at ipo-post ko sa social media yung picture mo para makabalik ka na sa pamilya mo. Sabi ko naman sayo tutulungan kita e!"-- masayang sabi niya.

Whaaaaat! Ipo-post niya sa social media mukha ko? No way baka malaman ng papa ko at ni Tyron na nandito ako. Langyang to gusto na ata akong paalisin dito e.

Bigla kong iniyuko yung mukha ko para di ako makuhan pero hinahawakan niya ulo ko at inaayos.

"Umayos ka nga para makabalik kana sa pamilya mo!"-- he said

Di talaga ako umayos. Nag lililikot ako para di ako makuhaan ng picture. Habang pinipilit niya akong kuhaan ng picture ay biglang nag ring yung phone niya. Tumayo siya mula sa pagkaka upo at sinagot yung tawag.

"Hello? Yes i'll be there!"-- sabi niya sabay pinatay na yung tawag.

"May pupuntahan lang ako ha? Mag isa ka na naman dito kaya umayos ka! "-- sabi niya habang naka tapat sakin yung hintuturo niya.

Umalis na naman siya at ako na naman ang naiwan. Nag tatalon ako sa kama dahil malaya na naman akong makapag salita.

Habang nag sasaya ako biglang bumukas ang pinto. Mygad hindi pala nai-lock ni Rinoah ang pinto.

"Hoy sino ka?"-- sabi ng maid pag pasok niya.

"Ooh ooh,  aah aah?!"-- sagot ko sabay umakting na parang gorilla.

"Anong ooh ooh, aah aah? Unggoy ka ba?"-- tanong niya sabay lapit sakin.

Di ako sumagot at tinignan ko lang siya ng inosenteng tingin.

"Alam mo diko alam kung anong ginagawa mo at bakit ka umaarte ng ganyan. Narinig kita kahapon na kumakanta ng Roar at dahil paborito ko iyon ay sinabayan kita."-- sabi niya at tumabi sakin sa kama.

Sa tanda niyang iyan alam niya yung kantang Roar? Ang lupet. By the way diko na alam ang gagawin ko dahil gosh narinig niya pala ako kahapon.

"Ooh ooh, aah aah! "-- ayan na lang ang sinagot ko at nanginginig na ako.

"Ah gets ko na,  sa kilos mo at sa pag sasalita mo ay nag papanggap ka na isang hayop? Ganyan ka rin ba pag kausap mo si sir Rinoah? O may dapat siyang malaman?"-- sabi niya at akmang tatayo pero pinigilan ko.

Diko na alam ang gagawin ko at confirm, alam na niya ang sikreto ko.

"Wag po!"- pag mamaka-awa ko.

Hinala ko siya para mapaupo. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa buhay ko at inabot kami ng mahabang oras dahil don. Naawa naman siya sakin at sabi niya kung siya rin daw ang nasa kalagayan ko ay baka ganon din ang ginawa niya.

"Kawawa ka talagang bata ka, wag kang mag alala di kita isusumbong!"

"Salamat po!"

"Sige lalabas na ako baka mahuli pa tayo ni sir na nag uusap." sabi niya sabay labas ng pinto.


Vote and comment.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon