Chapter 21: Palusot Pa!

118 4 0
                                    

Fiora's POV

Sibrang nag enjoy ako kanina. Doon din kasi kami pumupunta ni mom kapag nagkayayaan. Medyo nakalimutan ko ang nangyari kagabi dahil sa sobrang saya ko. Nakaka tawa rin kasi halatang hindi sanay si Rinoah sa mga rides.

Sa fire exit niya ako pinadaan siya naman sa main door.

Pag pasok ko sa kwarto pumunta agad ako sa isang sulok. Nauna akong nakarating sa kanya sa kwarto kaya heto ako ngayon nag iisa sa nakaka binging katahimikan.

Nag flashback na naman tuloy sakin yung yung nangyari kagabi. Siya ang naka una sakin. Kahit na crush ko siya ay naiinis parin ako sa nangyari dahil ibibigay ko lang ang bataan ko kapag nakasal na ako. Sa magiging asawa ko.

Habang nag e-emote ako ay biglang may pumasok sa pinto. Kampante naman ako na it's either si Rinoah or si yaya Eugene lang yon but I was wrong.

"Who you?"-- nagulat na sabi ng mom ni Rinoah.

Hindi ako masagot dahil bawal pa kaya umiling na lang ako at halata sa aking mukha ang kaba.

"I said who you?"-- medyo mataas na ang boses niya.

"Mom!"-- sabi ni Rinoah na mabuti nalang agad na nakarating.

"Sino siya?"-- pagalit na tanong ng mom niya at tinuro ako.

"K-kaibigan ko po mom."-- sabi ni Rinoah tsaka humarang sa harap ng mom niya para hindi na ako makita.

Nasa bandang pinto sila.

"Pero bakit hindi siya sumasagot?"

"Pipi po siya mom."

"Bakit ganyan siya kadungis?"

"Mom nanggaling po kasi kami sa isang birthday party at isa sa mga pa- games nila ay may kinalaman sa uling."

"Eh bakit hindi mo siya pinakilala sakin at nasa kwarto mo siya?"

"A-e pinag palit ko siya ng damit puro uling din kasi lahat ng suot niya kanina. Nakita ko mga damit ni dad pero since hindi namn niya ito ginagamit pinahiram ko na kay Althea."

"So Althea pala panglan niya, beautiful name."-- nag bago yung mood ng mom niya at halatang napaniwala ito ni Rinoah.

"Hinahanap po kasi kita kanina sa ibaba ipapakilala ko sana siya sayo kaso hindi kita makita."

"Ay sorry, kinina pa kasi ako paikot-ikot dito sa buong bahay para hanapin yung favorite kong dress. Napasilip lang ko dito sa room mo baka nailigaw ni yaya."

"Ah ganon po ba?"

"Sorry hija medyo napag taasan kita ng boses. Tara miryenda tayo sa baba?"-- nakangiti niyang sabi

"Nako mom wag na po kakatapos lang namin kumain sa party."

"Sure kayo? Osige maiwan ko na kayo at hahanapin ko pa yung dress."-- naka smile na umalis ang mom niya.

Mabuti na lang talaga at agad na dumating si Rinoah. Akala ko time na para umamim. Kung sakali man na magka alaman na ay ayoko sa harap ng mom or mas better na wag na lang niya malaman. Natatakot kasi ako sa kung ano ang pwede niyang gawin sa akin eh.

Bakit ba kasi ang aga naming bumalik dito? Nahuli tuloy kami. Panibagong problema na naman.

Umalis na ang mom niya at isinarado ang pinto.

"Hays mabuti na lang nalusutan ko siya!"-- umupo siya sa isang couch at nakahinga ng malalim.

"Lalong dapat tayong mag ingat dahil baka magtaka si mom pag nakita ka pa niya rito sa ibang araw. Pareho tayong malalagot."

Yumuko lang ako at huminga nang malalim.

"Nakita ko kasi si yaya na nahihirapang buhatin yung tangke ng gasul. Wala daw kasi siyang makita na pwedeng maka tulong sa kanya. Ako na lang ang tumulong sayang naman muscles ko. Hindi ko pala nai-lock ang pinto ng kwarto"-- nakuha niya pang ngumiti sa ganitong sitwasyon.

Matapos ang nakakalokang eksenang iyon mas lalo na kaming dapat na mag ingat sa pagtatago.

Fast forward...

Dumaan ang ilan pang mga araw na paulit-ulit lang ang routine namin. Aalis sa bahay kapag non working days ng mom niya at mag i-stay naman kapag working days. Mas gusto ko kapag working days ng mom niya dahil nasa loob lang kami ng kwarto buong mag hapon. Kain, tulog, at nood lang ng TV. Boring pero mag prefer ko 'to dahil hindi ko masyadong nagagamit yung acting skills ko.

May mga times lang talaga na ang weird ng kilos niya. Every time na kakatapos ko lang maligo ay automatic na papahiran niya ako ng uling sa mukha. Hindi ko masyadong maalala pero nung time na may nangyari sa amin ay ang sabi niya hindi raw ako cute kapag malinis ang mukha ko kundi maganda. So kung maganda pala ako kapag malinis bakit niya palaging dinu-dungisan yung mukha ko? Baliw lang diba?

Minsan naman kapag nabubura yung uling sa mukha ko ay bigla na lang siyang natutulala na para bang nakakita ng multo. Minsan naman para siyang natataranta. May sapak ata talaga sa ulo 'tong lalaki na 'to e?

Minsan sweet siya, nandiyan yung kapag aakyat na ako sa hagdan sa fire exit pabalik sa kwarto ay inaalalayan niya ako. Samantalang dati hindi naman. Minsan sinusubuan niya ako ng pagkain. Nahuhuli ko rin siyang madalas na nakatingin sa akin tapos nakangiti. Di ko na lang pinapansin baka nag aasal hayop na rin dahil ako laging kasama niya. Pero kung magiging hayop siya for me isa siyang werewolf kasi ang gwapo niya sobra at gwapo talaga ang tingin ko sa mga werewolf. Hahahaha ewan ko ba. Pero kasi iba talaga mga inaasal niya e.

Palagi lang kaming nasa mall at sa kahit anong lugar na hindi expose sa araw. Kapag kasi pinagpa-pawisan ako at nabubura yung dumi ko sa mukha bigla siyang nag iiba e. Ibang-iba.

Medyo bumabalik na rin yung mestiza kong balat. Lumalabas na yung totoo kong hitsura. Kaya ayos lang din na may uling ako lagi sa mukha para walang makakilala.

Napansin ko lang na kapag may ginagawa siyang alam niyang nahirapan at nasaktan ako ay bigla niyang sinasabihin sa akin na wag ko daw siyang iiwan, hindi niya daw kayang wala ako sa tabi niya. Kapag gusto ko nang umamin palaging nauudlot dahil sa mga salita niyang ganyan. May nase-sense akong something.

At sana lang mali ang hinala ko na matagal na niyang alam yung secret ko.

Vote and comment.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon