Chapter 26: Final

157 6 3
                                    

Fhiora's POV

"Joke lang baliw."-- pahabol niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kasi naman para na akong sinapak sa dibdib e. Pero buti na lang talaga joke lang iyon.

"Nakaka inis ka talaga!"-- sabi ko at hinampas yung matigas niyang dib-dib.

Beep!  Beep!  (Busina ng sasakyan)

Kainis naman kung kelan moment na namin biglang mag dadatingan 'tong mga sasakyan. Grrrr.

Umalis kami sa gitna ng kalsada. Pumunta kami sa tapat fountain at dito umupo.

Napaka ganda ng view dahil kitang-kita ang sunset.

Habang pinag mamasdan namin ang kapaligiran ay sumadal ako sa balikat niya.

"Palagi akong bumabalik dito sa lugar na ito. Umaasang one day bigla kitang makikita."-- sabi niya.

"Sobrang tagal kitang hinintay. Mula pa man noon ikaw na ang mahal ko kaya lang mas nangingibabaw noon ang galit ko eh."-- mahinahon kong sabi.

Hindi kami nakatingin sa mukha ng isa't isa.

"Nag kwento sa akin si yaya tungkol sa buhay mo and why did you have to pretend that you're a feral child. Sobrang na guilty ako noon. Akala ko naikasal ka na sa anak ng kumpare ng dad mo. Hinanap kita noon. Nahirapan lang talaga ako dahil hindi ko naman alam ang buong pangalan mo. Never akong naghanap ng ibang babae. Sayo lang naman kasi talaga ako nagkaganito. That's why I kept going back here. Hoping na makita ka at heto nandito kana."-- malambing na sabi niya.

"Ako nga pala si Fiora Dalde. Dalde parin ako kasi hindi pa ako naikakasal. Kung gusto mo akong mas makilala. Bakit hindi mo ako ligawan?"-- pabiro kong sabi pero seryoso ako don. (Ang gulo no?)

"Bakit pa kita liligawan eh kung mahal mo rin naman na ako?"-- sabi niya at hinawakan ang mukha ko.

Dahan-dahan niyang inilalapit sa mukha sa mukha niya hawak ang magkabilang pisngi ko. Konting-konti na lang mag lalapit na ang lips namin kaso.

"Bahala ka dyan!"-- pumiglas ako para hindi matuloy yung kiss.

Tumayo ako at tumakbo. Wala lang nag papa bebe lang.

"Hoy, eto naman hindi mabiro!"-- sabi niya habang tumatakbo ako.

Tumayo siya at hinabol ako.

"Oo na liligawan na kita. Kahit alam kong patay na patay ka naman sakin dati pa!"-- pasigaw niyang sabi kasi medyo malayo na ako sa kanya.

And yes naligaw nga siya. Araw-araw siyang pumupunta sa bahay. Noong una ay ayaw sa kanya nila mom at dad kasi nga dahil siya yung lalaking nagpahirap sa akin habang nagpapanggap ako. Pero dahil narin sa sincerity niya sa panliligaw ay nakuha niya na rin ang boto ni mom at dad. Nakilala narin ako ni tita Minerva (mommy ni Rinoah). Sabi niya hindi daw siya nagalit sakin nung kwinento yon ni yaya Eugene, mas nagalit pa nga daw siya kay Rinoah lalo't umamin ito na matagal na niyang alam yung secret ko at pinagtripan niya lang ako. Close na kami ngayon ng mom niya at obviously boto rin siya sa akin.

Sinagot ko siya sa halos 3 weeks niyang panililigaw. Kaso ilang araw na lang aalis na ulit ako kasi resume na namin sa trabaho.

We are in a long distance relationship. Kahit na kung saan-saang bansa ako nakakapunta ay kampante ako na may babalikan ako sa Pinas. Allergic ata sa babae yon e. Hehe.

Kina-kaya naman namin at actually pauwi ako ngayon dahil off namin.

Habang bumabiyahe ako pauwi may napansin akong kakaiba sa driver na naghahatid sa akin. Parang hindi manlang siya nag tatanong kung saan ako pupunta. Basta sobrang weird nung driver. Mabuti na lang ay hapon pa lang. Si Rinoah kasi hindi manlang ako sinundo. Hays siguro busy yon sa pag ma-manage ng sarili niyang restaurant.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon