Rinoah's POVNandito kami ngayon sa isang park. Hapon narin naman kaya okay lang na sa open field kami pumunta kasi hindi narin siya pag pa-pawisan dahil sa araw. Sobrang ganda niya kasi talaga.
Sa mga araw na nag daan hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag e. Kapag masyado ko siyang napapahirapan nagi-guilty ako nang sobra. Kaya sinasabi ko agad yung mga sweet words ko sa kanya para hindi siya umamin sa akin. Kung dati kaya ayaw ko pa siyang umalis dahil gusto ko pa siyang gantihan pero ngayon sigurado akong hindi na iyon ang dahilan. Hindi ko alam kung ano pero ito'y something na espesiyal.
Pumunta kami sa may tindahan ng ice cream. Ibinili ko siya at sinubuan.
"Heto ang tawag dito ay ice cream. Favorite ko ito when I was a kid."-- sinubuan ko siya ng isang scoop.
Halata naman na nagustuhan niya.
Hindi ko na siya masyadong pinapahirapan. Pwera na lang sa bawat pag punta namin sa mga public places. Kayang-kaya niya namang umacting e. Alam kong kaya niya at alam kong sa tagal na niyang uma-acting basic na lang sa kanya iyon. Alam kong hindi siya nahihirapan pa at ayon na ang gusto kong mangyari. Ang hindi siya mahirapan.
Sunod pumunta naman kami sa duyan sa may part na playground ng people's park. Inalalayan ko pa siya sa pag upo at idinuyan siya.
"Swing ang tawag dito at katulad ng ice cream favorite ko naman itong sakyan nung bata palang ako."-- sabi ko habang mahina siyang dinuduyan.
Sobrang saya niya. Kitang-kita ko ang matatamis niyang ngiti na sa tuwing ito'y lumalabas ay may kung anong saya ang nararamdaman ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko dapat ito nararamdaman. Dapat ay galit ako sa kanya, dapat hindi ko siya pinapangiti, at dapat nahihirapan siya. Gusto ko na ba siya? Pero paano nangyari iyon eh hindi ko pa naman siya kilalang lubos? Kung gusto ko nga siya, dahil lang ba ito sa nakaka bighani niyang ganda? Hindi ko na alam siguro nga ay baliw na ako.
Umupo kami sa isang mahabang upuan at ang nasa harap namin ay isang fountain. Ang perfect ng pwesto namin para makapag kwentuhan, este makapag kwento ako dahil hindi naman siya nag k-kwento.
"Alam mo ba mula noong pagka-bata ko ay never pa talaga akong nagka crush? Hays hindi ko maintindihan sarili ko. Si Fey pinilit lang ako non, marami siyang ginawang paraan para mapasagot ako. Minahal ko na rin siya kaso heto iniwan niya ako. Alam mo bang never kong ikinahiya kapag kasama kita dahil wala naman talaga akong pake-elam sa mga tao sa paligid ko. I only care to family and ofcourse to you. Mahalaga kana sa akin kahit sandaling panahon palang tayong nagkakasama."-- sincere kong sabi.
Nakita kong napangiti siya. Alam kong gusto niya pa rin ako dahil hindi pa niya ako iniiwan. Pero magugustuhan parin kaya niya ako kapag nalaman niyang matagal ko ng alam yung secret niya? O kapag umamin na siya magkunwari na lang ako na hindi ko alam? Ang unfair non sa kanya. Ah basta bahala na.
Masaya niyang pinag mamasdan ang paligid. Ang mga taong dumadaan, mga batang nag hahabulan, mga ibong lumilipad, at mga masasayang tao na nag k-kwentuhan.
Umalis ako para bumili lang ng pagkain sa isang fastfood chain sa tapat nitong park. Hindi na ako nag paalam sa kanya dahil ayokong maabala yung masaya niyang pag mamasid.
Nakaalis ako ng hindi niya namamalayan. Nilakad ko lang dahil malapit lang naman para gamitin pa ang sasakyan. Isang tawid lang naman mula sa park. Pag dating ko doon sa favorite kong fastfood chain ay medyo mahaba ang pila pero dahil favorite ko ito hindi alintana sa akin.
"Ang gwapo nung nasa likod mo!"-- pabulong ng isang babae na nasa harap ko.
Naiinis talaga ako kapag may mga ganyang babae. Na t-turn off ako.
Malapit na ako sa counter at 30 minutes na rin akong nakapila.
"Urrrrgh bilissss!"-- malahangin kong bulong.
Naisip ko kasi na baka hanapin ako ni babaeng Tarzan. Baka kung saan siya mapunta.
Kaya nung nakuha ko na yung order ko dali dali akong umalis.
Tatawid na sana ako kaso mabilis ang mga sasakyan. Nagmamadali na ako at bigla kong nakita si babaeng Tarzan na sa kabilang tawiran na halatang hinahanap ako. Malungkot ang mukha niya na para bang naliligaw na bata. Pinagmamasdan ko lang siya at bigla niya akong nakita.
Nanlaki ang mata niya nung nakita niya ako mula sa kabilang tawiran. Halatang gusto na niya akong lapitan at mukhang natatakot siya. Kaso sobrang daming sasakyan e. Hindi rin ako makatawin palapit sa kanya.
Maya-maya lang biglang nawala ang mga sasakyan. Dahan-dahan naming inihakbang ang aming mga paa papalapit sa isa't-isa. Mula sa magkabilang tawiran ay unti-unti na kaming naglalapit. Ngunit sa aming paglalapit ay hindi inaasahang bumuhos ang malakas na ulan. Dahan-dahang nabubura sa kanyang mukha ang mga pinahid kong dumi. Habang kami ay naglalapi, unti-unting lumilitaw ang kanyang ganda.
Pag lapit namin ay pareho kaming napayakap sa isa't-isa. Nabitawan ko rin ang hawak kong pagkain. Nasa gitna kami ng kalsada pero masyadong mabait ang universe dahil walang dumadaan na sasakyan sa mga oras na ito.
"Nahihirapan ka na ba? Umamin ka na."-- bulong ko sa kanya habang magkayakap kami.
Agad siyang bumitaw dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro dahil kitang-kita ko na nahihirapan na siya at ayoko non.
"Sabi ko nahihirapan ka na ba? umamin ka na para hindi kana mahirapan."-- malungkot kong sabi habang nakatitig siya sa akin.
Kahit malakas ang buhos ng ulan ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag bagsak ng kanyang mga luha.
"Oo matagal ko ng alam yung pag papanggap mo!"-- mmalungkot kong sabi.
"T-talaga?"-- nanginginig niyang tugon.
"Wag kang mag alala hindi ako galit sayo. Noong una oo pero unti-unti unti itong nag bago. Dati hindi pa ako sigurado pero ngayon alam kong gusto na kita kahit hindi pa kita kilala. Hindi ko alam kung paano at bakit pero ayon ang nararamdaman ko sayo."-- pag papaliwanag ko.
Habang nagsasalita ako nakatitig lang siya sa akin at sumasabay parin sa pa g buhos ng ulan ang pag agos ng kanyang luha.
"Noong una sinasabi ko sayo na wag mo akong iwan dahil gusto kong gumanti sa panloloko mo. Pero nitong mga nakaraang linggo sinasabi ko iyon sayo dahil gusto pa kitang makasama. Dahil kapag umamin ka na maraming pwedeng mag bago."-- dagdag ko.
"Sino ba naman ako para magalit?"-- matipid niyang tugon habang naka ngiti.
Tumalikod siya at aalis na sana sa harap ko kaso bigla siyang humarap ulit.
"By the way matagal ko narin ginagamit yung tooth brush mo."-- sabi niya tuluyang umalis.
Sinubukan ko siyang habulin kaso ang bilis niya nawala at bigla pang dumami yung sasakyan kaya hindi agad ako naka alis sa gitna ng kalsada.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...