Chapter 10: Bonding Part2

133 7 0
                                    

Fiora's POV

Pag gising ko inaasahan kong sa sahig na naman ako pupulutin kasi may pandidiri sakin si Rinoah. Ewan ko ba naman wala naman akong galis o ketong.

But I was wrong with that, dahil pag dilat ng aking mga mata ay mukha niya agad ang tumambad sa aking mukha. Tulog parin siya, sa sobrang pagka-crush ko sa kanya diko mapigilang nakawan siya ng halik.

Habang papalapit ang aking mukha sa kanya ay napalunok na lang ako ng laway sa sobrang kaba. Dahan-dahan ko inilapit sa kanyang mga labi ang akin. Kaso nung malapit na yung lips ko bigla siyang tumalikod.

Ayon na yon e. Makaka isa na ako e. Hays! Kainis.

Bumangon na lang ako at nag punta isang sulok ng kwarto. Habang nandoon ako at umaarte na parang unggoy bigla siyang bumangon.

"Wooooooooah!!!"-- pag hihikab niya.

Umupo siya sa kama niya mula sa pagkakahiga at grabe ang gulo ng buhok niya ang gwapo niya lalong tignan, ang fresh ganon. Hays yung puso ko ang lakas ng kabog.

"Good morning my Lady Tarzan!"-- nakangiting sabi niya.

"Oooh ooh, aah aah!"-- sagot ko.

"Hays dapat ang isasagot mo good morning too! Wag kang mag-alala tuturuan kita mamaya mag salita!"-- medyo naiinis niyang sabi sabay bangon.

Pag bangon niya dali-dali siyang lumabas ng kwarto para gumawa ng almusal. Dinala niya ito sakin at kinain ko nanaman agad na parang tigreng gutom. Pero at this time hindi niya ako pinandidirian nakangiti lang siya habang pinapanood ako.

"Mamaya uutusan ko na si Yaya na bumili ng shawarma."-- sabi niya sabay himas sa buhok ko.

By the way ang pangalan nga pala ng Yaya nila ay si yaya Eugene na napaka bait at maunawain.

Natapos na akong kumain at nilabas na niya yung pinagkainan ko.

Ilang minuto rin siya siyang di umaakyat siguro kina-kausap na niya si yaya na bumili ng shawarma.

Pag pasok niya sa kwarto ay di nga ako nagkamali.

"Tara na umalis na sila!"-- pag aaya niya sakin na lumabas ng kwarto habang naka ngiti.

Sumunod naman ako agad. Pag baba namin ay dinala niya ako sa sala.

"Oh diyan ka muna ha? May kukunin lang ako!"-- sabi niya at sabay tumakbo papunta sa kwarto niya.

Habang hinihintay ko siya nilibot ko ulit ang aking mga mata sa buong bahay nila at purong pagkamangha ang aking naramdaman.

Pag baba niya may dala siyang kung ano-anong papel at mga pang sulat. I guess tuturuan niya talaga akong mag salita.

"Eto hawakan mo!"-- iniabot niya sakin ang lapis.

Umupo siya sa harap ko at nag susulat siya ng english alphabet sa isang kartolina.

"Siguro mas maganda rin na matutunan mo muna magsalita at mag basa bago mo makita yung totoo mong pamilya para masabi mo rin yung totoo mong nararamdaman at siyempre yung kanila rin!"-- sabi niya habang busy sa pag susulat.

Grabe kinikilig ako, bakit ba ganyan siya, sobrang concern siya sakin. Inlove na kaya siya sakin? Yeeeee! Enebe. Hahahaha assuming ko naman e pano naman siya magkakagusto sa katulad ko? Tsaka pano pag nalaman niya na nag papanggap lang ako siguro baka kakamuhian niya ko. Basta bahala na susugal na ako.

After niyang mag sulat dinikit niya yung kartolina sa pader sa bandang harapan ko. Tumayo siya sa tabi nito at nag umpisa nang magturo.

"Kapag sinabi ko uulitin mo lang ha? Okay sabihin mo ey!"-- he said

Pero siyempre nag kunwari akong diko masabi yon. Reactionless lang yung mukha ko para di halata.

"Ano ka ba sabihin mo lang ey!"-- medyo naiinis na.

Pero hindi ko parin talaga sinasabi.

"GRRRRRRR! unahin muna nga natin ang pag susulat."-- sabi niya sabay lapit sakin.

Tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko habang hawak ko rin yung lapis. Sa bawat pag guhit ng lapis sa papel ay siya ring pag guhit niya sa puso ko. Ano daw? Corny.

Habang nag susulat kami ay sa mukha niya ako naka tingin instead na sa papel.

"Hoy dito ka tumingin wag sakin"-- sabi niya sabay tinuro yung papel gamit nguso niya.

Nagulat ako after non kaya humarap agad ako sa papel.

Sa tagal naming nag aaral-aralan ay wala diko parin pinahalata na maruning na ako para mas effective ang acting.

"AYOKO NA NGA! HAYAAN MO NA NGA NA DIKA MARUNONG MAG SALITA AT UMINTINDI. HIRAP MONG TURUAN!" -- sabi niya sabay walk out.

Sa sobrang inis niya pumunta na lang siya sa kusina. At ang kuya niyo ang ikli ng pasensiya kasing ikli ng boxer shorts na suot niya ngayon. Hahahahaha pero ewan ko ba natutuwa ako sa nangyayari.

Akala ko nagalit na talaga siya nang tuluyan sakin kaso wala pang isang minuto ay sumilip sa sakin habang nasa kusina siya at sinitsitan ako na senyales na lumapit ako sa kanya. At agad din naman akong lumapit baka lalo pa 'tong magalit pag nag pabebe pa ako.

"Umupo ka diyan ipag luluto kita!"-- sabi niya.

Umupo ako sa dinning table habang siya ay busy sa pag luluto. Grabe ang gwapo niya lalong tignan parang gusto ko siyang yakapin habang nag luluto kaso bawal.

After 10 minutes nag serve siya ng pagkain sakin. Diko ko alam kung ano bang klaseng pagkain to pero merong pasta at kung ano-ano pang sahog.

"Ang tawag diyan ay creepy pasta, ako nag pangalan diyan kasi imbento ko lang yan. Hahahahaha basta masarap yan!"-- natatawang sabi niya.

Tunikman ko kahit ang weird ng pangalan at grabe ang sarap. Lalo tuloy akong na t-turn on sa kanya.

"Kahit hindi mo sabihin alam kong nasasarapan ka kasi halata sa mukha mo. Buti ka pa kahit simpleng bagay napapasaya ko samantalang siya ginawa ko na lahat iniwan parin ako."-- sabi niya tapos biglang nag bago yung mood niya.

Matapos kong marinig yon ay mas lalo kong ginanahang kainin yung niluto niya. At mukhang napa ngiti ko naman siya sa ginawa ko.

"Tara akyat na tayo?"-- malungkot na sabi niya.

Sa sobrang lungkot niya ay di manlang niya ako hinintay nauna na siyang umakyat kaya sumunod na lang ako.

Grabe broken hearted talaga siya. Kung ako ex neto di ko yon gagawin sa kanya. He is worth to be love. Sayang lang kasi diko maipakita sa kanya na gusto ko siya kasi ganito kalagayan ko. At kapag nasa point na kailangan ko ng umamin sigurado ikaka-galit niya yon. Alam kong masama na itong ginagawa ko pero wala e tinamaan na ako. Aamin din naman ako gusto ko lang mas makasama siya. Gustong-gusto.

Vote and comment.

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon