Chapter 4: Pretending

166 9 2
                                    

Paglapag niya sakin tinitignan ko lang siya.

"Di ka ba nakakapag salita? Tsk. Kung di ka lang taong gubat di kita dadalhin dito. Gosh! Bakit kaba kasi biglang sumusulpot nabunggo tuloy kita!"--sermon niya sakin habang naka upo siya sa kama niya.

So pag nalaman niya na nakakapag salita ako I mean na normal na tao lang ako at not totally taong gubat ay papaalisin niya ako dito? No way, I think this is the best place to hide at wala din akong friends na matataguan. Ibig sabihin lang nito ay kailangan kong mag panggap na taong gubat. Yeeee! I'm so smart. Buahahahahahaha!

"Amin na nga yang sugat mo!"-- sabi niya sabay pahid ng alcohol na kinuha niya sa drawer niya.

Nasugatan ako ng very light dahil sa pag arte ko na nabundol niya ako ng malakas.

"Hays, sige dito ka muna sa kwarto ko.  Siguro naman dika nangangagat? At diyan ka lang sa sahig matutulog babae ka pala bawal tayo mag tabi."

Talaga bang mukha na akong lalaki? Imbyerna ako nito ha. Hinagisan niya ako ng kumot.

"Mukhang sanay ka naman matulog sa sahig kaya mo na sarili mo"- sabi niya sabay higa sa kama niya at nag talukbong ng unan.

For your information kahit papano nagsasapin din ako ng dahon sa gubat no. Never mind ang mahalaga ay safe ako dito. Maya-maya pa ay narinig ko na humihilik siya. Kaya tumayo ako at pumunta sa cr na kitang-kita ko mula dito sa kinalalagyan ko para maligo. Bali sa loob mismo ng kwarto niya may cr.

"Ngayon lang ulit ako makakaligo ng may shampoo at sabon"- bulong ko sa sarili ko.

Bubuksan ko sana yung shower kaso.

"Hoy babaeng Tarzan!"- sigaw niya na nasa pinto ng cr.

Nagising pala siya at sinunadan ako papunta sa cr samantalang kakahilik niya palang ha?

"Anong ginagawa mo rito?"-- sabi niya na naka pamewang at naka sungit ang mukha.

Bawal akong mag salita kaya tinuro ko na lang yung switch ng shower na naudlot kong buksan. Lumapit siya at siya ang nag bukas ng shower.

"Marunong ka palang maligo? Nakakapag taka na alam mo rin ang shower? Siguro naka tsamba ka lang. Oh heto yung sabon ginagamit sa katawan at heto yung shampoo para sa ulo."- sabi niya habang dini-demo sakin kung paano yon gagamitin. Gusto ko sanang sabihin na alam ko yon kaso mabubuko ako kaya hinayaan ko na lang siyang mag mukhang tanga.

Iniwan na niya ako mag isa sa cr at grabe ang bango ng amoy ng sabon at ang sarap sa ulo ng shampoo. Habang naka harap ako sa salamin sa loob ng cr nakita ko ang kili-kili ko.

"Oo nga, ang kapal na nga ng buhok ko dito. Tsk tsk!"--bulong ko.

May nakita akong blade at inahit ko ito. Hahahahaha siguro naman di niya mapapansin na inahit ko na'to. Pagkatapos kong maligo ay nag hanap ako ng towel. Bess naka hubad lang ako buhok ko lang nakatakip sa katawan ko. Kaya nang may nakita akong towel agad kong kinuha at binalot sa katawan ko. Sobrang lamig kasi naka bukas ang aircon. Pag punta ko sa malapit sa kama ay nakita ko siyang nakahiga at humuhilik. Kaya naman nag ikot-ikot muna ako sa loob ng kwarto niya. Nakita ko na may picture siya na may kasamang babae at maganda ito. Nilibot ko pa ang kwarto at maya-maya pa.

"Hoy babaeng Tarzan!"-- sabi niya na mula sa likod ko ang boses.

"Arf!"-sa sobrang gulat ko huni ng aso ang nasabi ko na sana di niya napansin.

"Anong ginagawa mo ha?"

Humarap ako sa kanya at di ako sumagot. Tinuro ko ang damit niya at akmang hahawakan kaso bigla siya umiwas na para bang nandidiri.

"Ah wala kang damit? Sandali ihahanap kita."

Dali-dali siyang nag halungkat sa cabinet niya at may nakitang malaking damit.

"Oh ayan damit ng papa ko yan!"-- hinagis niya sakin ang malaking t-shirt at sabay bumalik sa pagkaka higa.

Kala ko ang bait na niya kaso damit ng tatay niya yung binigay sakin ang akala ko dress. Sinukat ko ito at ang laki sakin malapit ng umabot sa tuhod ko,  yung totoo kapre ba tatay nito?. Pero pwede narin to kesa naman walang saplot. Napansin ko na may kulang dahil giniginaw ako ng husto at naalala ko na wala pala akong pambaba. Kaya naman lumapit ako sa kanya at kinalabit siya bandang hita.

"AY BABAENG ULIKBA!"-- sa gulat niya sa pagkakakalabit ko ay iyan ang nasabi niya.

Umusad siya palayo sakin at umupo mula sa pagkaka higa.

"Anong kailangan mo?" tanong niya na tila gulat na gulat.

Tinuro ko yung short niya pero mukhang na missed interpret niya ito at akala niya yung birdy niya yung tinuturo ko.

"Manyak ka babaeng Tarzan! Layuan mo'ko!" -- pasigaw niyang sabi at niyakap ang isang unan.

Diko alam ang gagawin ko, gusto ko nang magsalita pero di pwede. Natataranta na ako dahil baka isipin niya minamanyak ko siya at baka ibalik ako sa gubat. Bigla akong pumunta sa cabinet niya at tinuro ang isang short. By the way kasama sa pag acting ko ng taong gubat ay ang paglalakad ko. Yung way ko ng paglakad ay parang isang gorilla, naka piki yung paa ko tapos parang pilay na ewan basta yung lakad ng gorilla.

"Ah short pala ang ibig mong sabihin kala ko kung ano na, wala akong balak makipag talik sa taong unggoy iwwww!"--sabi niya na may kasamang paghinga ng malalim.

Pag suot ko ng jersey short ay natulog na kami. Sa sahig ako natulog at siya ay nasa kama. O diba ang gentleman ng kuya niyo? Hahahaha. Sobrang sarap ng tulog ko dahil di na malamok katulad sa gubat na iyon.

Vote and comment

Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon