Fiora's POV
Maaga akong gumising para mag hanap ng trabaho. Graduated ako sa kursong Hotel and Restaurant Management.
Paglabas ko sa pinto naamoy ko ang mabangong fried rice at dried fish.
"Oh anak saluhan mo na kami ng dad mo."-- nakita ko si dad na nakaupo sa table at si mom naman nasa kitchen nagluluto.
Sa sobrang liit ng bahay halos iisa lang ang sala at kitchen.
Umupo ako sa harap ni dad para kumain.
"Good morning sa napaka ganda naming anak."-- masayang bati ni dad pagka upo ko.
"Good morning po daddy at mommy."-- masaya ko ding sabi.
"Good morning din anak. Oh heto na luto na ito. Tara at kumain."--nagmamadaling inihain ni mom yung ulam na pritong tuyo at itlog na maalat.
Actually hindi talaga ako kumakain before ng itlog na maalat pero nung naranasan ko ang hirap sa gubat ay nalaman kong hindi mahala ang lasa, ang importante ay makakain ka para mabuhay.
"Hmm mom, dad mag hahanap po ako ng trabaho para makatulong sa mga gastusin."-- singit ko habang kumakain.
"Sigurado ka ba anak? Kaya ko pa naman mag maheho?"-- sabi ni dad.
"Opo, sayang naman ang pinag aralan ko kung hindi ko magagamit."-- sabi ko habang ngumo-nguya ng pagkain.
"Tama naman ang anak mo."-- sabat ni mom.
"Oh sige. Basta nandito lang kami susuporta sa iyo."
Pagkatapos ay umalis na ako ng bahay.
Habang naglalakad ako sa daan napansin kong tingin ng tingin sakin ang mga kapit bahay naming lalaki. Hindi naman sa pagmamayabang dahil alam kong maganda talaga ako. Tsaka napansin ko rin na halos bumalik na ang dati kong maputing balat.
Sorry na lang boys, may hinihintay akong tao na para sa akin. Kahit na sobrang galit ako kay Rinoah, hindi ko madadaya ang puso ko na siya parin ang gusto ko, siya ang hinihintay ko.
Fast forward...
Dumaan ang maraming taon at nag t-trabaho na rin ako sa isang barko. Kung saan-saan na akong bansa naka punta. Nagkaroon kami ng 1 month na off kasi nagkaroon ng problema ang pinag t-trabahuhan naming barko. Ngayon nandito ako sa Philippines pauwi sa bahay. Limang beses lang kung makauwi ako sa Pilipinas every year. Ngayong mahaba ang off namin kaya ganito na lang ako ka excited.
Pag baba ko sa tapat ng bahay ay masaya ko muna itong pinag masdan. Naka alis na kami sa inuupahan naming bahay noon at ngayon dito na kami nakatira sa isang village. Dalawang palapag ang bahay magada ang kulay. Tahimik ang paligid hindi katulad noon ay magulo't maingay. Si dad namamasada parin ng jeep. Si mom naman may pinagkaka abalahang online business habang nasa bahay. Nakaka ahon na ulit kami dahil na rin sa pag tutulungan ng bawat isa.
Ding-dong! (Sound ng doorbell)
Sinalubong agad ako ni mom.
"Hindi ka manlang nag sabi na uuwi ka ngayon. Edi sana nasundo ka namin ng dad mo."-- sabi niya habang binubuksan ang gate.
Pag pasok ko ang saya lang kasi ang dami na ulit naming mga gamit.
Ibinaba ko ang maleta ko sa aking kwarto at bumaba narin agad dahil naghanda si mom ng miryenda.
"Tinawagan ko ang dad mo at papunta na daw siya. Sobrang miss kana non."-- sabi ni mom habang nagluluto ng pancake.
Maya-maya lang ay dumating na si dad.
"Hello anak!"-- pasigaw niyang sabi at agad na lumapit sa akin para yumakap.
"I miss you dad."-- sabi ko.
"I miss you too my beautiful daughter!"-- sabi niya habang nakayakap sa akin at hinhimas ang buhok ko.
Habang kumakain kami ay biglang nagtanong si dad.
"Anak hindi na kami bumabata. Pero sana naman bago kami mawala sa mundo ay maranasan manlang naming magka apo."-- sabi niya at umakbay kay mom.
Naubo na lang ako sa sinabi niya.
"Grabe ka naman dad, boyfriend nga wala ako kaya paano ka magkaka apo."-- sabi ko at kumain na lang ng mabilis para mailayo sa akin ang usapan.
Pero sadyang mapilit sila.
"Wala ka pa bang natitipuhan?"-- tanong ni mom at hanggan ngayon magka akbay arin sila.
"Wala po mom. Ang mahalaga sa akin ay kayo."--sagot ko.
Nagbitaw na sila sa pagkaka akbay at nakita kong sumimangot sila. Haha. Ang kukulit kasi eh. Pero siguro kaya hindi narin ako nagkaroon ng ibang gusto ay hinihintay ko si Rinoah. At kung hindi man siya babalik, hindi na lang siguro ako mag aawasa. Okay na siguro na sila mom at dad lang ang inaatupag ko.
"Mom aalis lang po ako ha?"-- nagmamadali kong sabi.
"Pero hindi ka pa tapos kumain?"-- sagot niya.
"Itabi niyo na lang po."-- sabi ko at tumayo na ako sa upuan at umalis.
"Magiingat ka."-- pahabol ni dad.
Pumunta ako sa park kung saan kami madalas pumunta ni Rinoah. Grabe walang pinag bago ang lugar na ito. Hays. Pinuntahan ko ang bawat part ng park na napuntahan namin dati. Yung seasaw, yung upuan malapit sa fountain, yung duyan, at ang huli kong pinunthan ay yung kalsada kung saan siya umamin.
"Hays siguro dapat na akong mag move on sayo. Salamat na lang sa panandaliang kilig."-- sabi ko habang nakatingin sa kabilang tawiran.
Yung pwesto kung saan ko siya nakita noon. Naalala ko pa non. Takot na takot ako dahil akala ko iniwan na naman niya ako sa park. Pilit ko siyang hinanap kaya nung makita ko siya sa tawid ay gustong-gusto ko siyang yakapin.
Habang nakatayo ako at pinagmamasdan ang dating puwesto niya sa kabilang tawiran ay may napansin ako na biglang nagpabilis ng tibok ng dibdib ko.
Tama ba itong nakikita ko? Si Rinoah ang nandoon sa kabilang tawiran? Nakayuko siya at nag c-cellphone. Nakatayo siya at halatang tatawid siya.
Namamalik-mata lang ba ako o nananaginip ng gising?
Maya-maya lang ay bigla niyang inangat ang kanyang ulo para tumawid. Nagkatamaan ang aming paningin.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba pero dahan-dahan ko siyang nilapitan at ganon din siya.
Habang papalapit ako ay unti-unting bumagsak ang luha sa mata ko katulad nung araw na akala ko maiwan na naman niya ako.
Masyadong mabait ang universe dahil walang dumadaan na sasakyan ngayon.
Pagkalapit namin sa isa't-isa ay agad ko siyang niyakap at ganon din siya. Hindi nga ako nananaginip. Totoo lahat ng mga nangyayari ngayon.
"Antagal kitang hinintay."--bulong ko sa kanya habang magkayakap kami.
"Napatawad mo na ba ako?"-- sagot niya.
"Oo sobrang tagal na."-- sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap.
"Mahal kita, noon pa at hanggang ngayon."-- pahabol ko.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"Sorry hindi na ako pwede. May mahal na akong iba."-- nakayuko niyang sabi sa akin.
Nung marinig ko iyon sobrang nadurog ang puso ko. Nabingi nga rin ata ako. Sobrang naiyak ako. Ang sakit-sakit grabe.
Ang taong matagal kong hinintay ay hindi na pala ako ang mahal.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm His Lady Tarzan (COMPLETED)
Teen Fiction[Completed] There was a beautiful girl namely "Fiora Dalde" na tumakas sa kanyang kasal. Rich and powerful ang lalaki kaya pinahanap nito si Fiora sa kanyang mga alagad. At para di siya makita ay mas pinili na lamang niyang manirahan sa isang jungle...