Chapter 7

383 7 1
                                    

Ok. Here goes nothing. I hope magustuhan niyo ang last part ng chapter na to. Kahit ako nagustuhan ko eh. :"> hahaha.

Talagang di ako nagpost ng one day kasi pinag-isipan ko talaga kung ilalagay ko na ung part na un. Pero...go lang. Nilagay ko talaga. haha.

<tagline>Give comments and suggestions, okay?</tagline> :D

-Mo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 7

Charlotte's POV

*bang!*

May sapi nanaman ata tong si Tyler. Kani-kanina lang, matino ko naman siyang kausap. Himala nga eh. Hindi kami nag-aaway. Mukha siyang...relieved nung kinausap ko siya. Wala na rin namang epekto sakin ung nangyari nung last Sunday sa bahay niya. Nagsasawa narin ako eh. Away ng away. Wala namang bati.

Ok na sana tapos mag-wawalk out siya ng ganyan?

Hahai, bestfriend, sabi ko sa sarili ko, cover up. Again.

"Sorry po Sir Alvarez. Pagod lang po talaga siguro si Tyler. I'm very sorry. Susundan ko lang po."

"Ok. Ang mga nakaperform na, sit down! Next is..." Nagroll lang ako ng eyes kay Kevin at nagsabi ng sorry. Tapos tumakbo na ako at sinundan si Ty.

--------------

Napagod na ako kakahanap. Kahit boys shower room, boys locker room, and --damn it-- pati boys cr napasok ko na. Buti nalang ang schedule ng PE namin during tuesday is before lunch. So may time pa akong hanapin ang kumag na un. Naligo nalang ako sa girls shower room at nagpalit ng school uniform.

Sa gutom ko, sumama nalang ako kanila Kevin and Shane sa canteen. Di ata nag-uusap tong dalawa. Pati ba naman sila? Pambansang Peace-maker nalang ba talaga ako?

"San si Sebastian?" - Kevin.

"E--Shit. Ba't ngayon lang sumagi sa isip ko?! Wait, bibili lang ako ng pagkain namin. Baka nagugutom na un." Pumila na ako. Buti nalang mabilis ang pagserve. 2 sandwiches and 2 bottles of water lang naman din ang binili ko. Bago ako tumakbo papunta sa kung saan sa tingin ko naruruon na ang aking asawa, huminto ako sa table nila Shane at Kev. "Mag-usap kayo."

Ang hirap tumakbo na puno ang kamay mo. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nag-offer ring tumulong ang iba pero ok pa naman ako.

Tama ako. Finally. Nakarating narin ako. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya sa may parking lot ng school.

"Bwisit ka talaga Tyler. Napagod ako ha." Nilapitan ko siya. "Nagugutom ka na ba? Kumain ka na?"

Tiningnan niya lang ako.

"Wow ha. Ni thank you sa paghahanap sakin Char wala? O hindi pa Char, may pagkain ka ba jan?"

Di parin siya sumasagot. K fine. Sumandal nalang din ako sa sarili kong sasakyan. Magkatabi lang din kasi ang mga sasakyan namin. Huminga muna ako ng malalim. Napagod narin talaga ako kakatakbo.

Binigay ko sa kanya ang sandwich at isang bottle ng water. Buti tinanggap niya.

"Ewan ko ba kung bakit ako nagtatatakbo kakahanap sayo. Nagwalk out lang, nakasunod na agad ako. Hahai. Instinct siguro. Sabi ko nalang kay Sir na napagod ka na at gusto nang magpahinga. Ano ba kasi nangyari?"

Nakatingin lang siya sakin habang kumakain.

Awkward.

"Uh...anyway...Ok ka pa naman nung nag-uusap tayo. Tapos magwawalk out ka ng ganun?" Wala parin.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon