Chapter 1

782 12 2
                                    

Hello. Baguhan po ako dito. Please pakibasa po and magbigay po ng comments and suggestions. :) Meet the characters pa dito. No kilig muna. Save that sa gitna. :D Sorry po kung medyo mahaba ako magsulat. Di mapigilan eh. Gusto ko talagang detalyado. Haha. Pasensya.

-Mo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 1

Charlotte's POV

"CHAAAAR! NASAAN KA NA BANG BATA KA? NAWAWALA KA NANAMAN!"

"MA'AM CHARLOTTE! MAGSTASTART NA PO ANG TAPING! YOHOO!"

"MS. DIAAAAZ!!"

"Ay ano ba yan. Tinatawag na nila ako. Sige, sige. Bye na." At binabaan ko na si Shane. Bale si Shane ay ang kaisa-isa kong best friend outside the business. Siya ang una kong nakilala nuong pinasok ako nila mama't papa sa isang Acting Workshop. Ung pambata lang. 8 pa ako nun eh. Siya lang ung hindi ako sinunggaban so nagustuhan ko agad siya. Ang kulit. Kung makatawag, wagas. Pero mahal ko yun.

Kaya lagi nalang ako napapagalitan eh. Kung hindi ko naman sasagutin, sa whole duration ng shoot, magriring ang phone ko. Nakakahiya naman. Hindi ko naman pwede i-silent. Baka tumawag sila mama, papa, mama niya at papa niya. At siya.

Ay. Ansama ko naman. Hindi ko pa napapakilala sarili ko. Ako nga pala si Charlotte Louise Diaz. Call me Char. At ung tinutukoy ko? Siya ung asawa ko. Si Tyler Sebastian. Na-shock kayo? ASAWA? Geh lang. Makikilala niyo rin siya. Pansinin ko muna ung tumatawag sakin.

"OPO! NANJAN NA PO!"

Pinuntahan ko na sila. Ready na pala ang lahat. Ako nalang wala. Nakakahiya. Lintek ka Shane. Pahamak ka talagang babae ka. Haha.

"Mabuti't may plano kang magpakita. Dali na. Remember, you're finally meeting the guy of your dreams. Varsity player ng basketball. Heartthrob. Crush ng bayan. And you're only a simple girl. Nerd. Tipong walang magkakaideya na magkakagusto ka sa ganyang klaseng lalaki. Ok?" - Direk.

"Ok, direk."

At pumwesto na ako sa may upuan sa 'gym'. Grabe talaga tong tagaayos namin. Mukha talagang nasa gym ako ng school. Sinuot ko na ang eyeglass ko at nagtali ng buhok. Ung tipong messy look. Oo. Ako lang. Walang make-up artists. O kahit ano pa man jan. Ayokong minemake-upan ako. Kahit light lang. Sa big events lang ako nagpapalagay. Kahit shoot pa to eh magwawala ako pag may lumapit saking make up artist. Bale, concealer lang and powder nilalagay ko. Minsan kasi, pangzombie na talaga dating ng eye bags ko.

Bagay rin naman sa role ko. Choks na.

Nagready na si Stefan Lee. Siya ang co-leading star ko sa movie na to. Gwapo. Pero ang hangin. Shet lang.

"OK. READY! LIGHTS, CAMERA, ACTION!"

------

At yan ang buhay ko. Kala ng iba, masaya. Magara. Sawa na ako. Pero kahit papaano, minahal ko na rin tong trabaho ko.

Pauwi na nga pala ako ng bahay namin ni Tyler. Oo. May sarili na kaming bahay. May kanya-kanya rin naman kaming bahay kasama ang mga pamilya namin. Sadyang dito lang muna kami umuuwi these days. Sabi kasi ng parents namin, halos wala na daw kaming time sa isa't isa. Sus. Anong pake ko.

 Ang alam ng lahat, friends lang talaga kami. Dala ng pagiging close ng parents namin na magkasosyo sa lahat ng bagay. Kung mag-iisip ka ng mabuti, talagang papasok sa isip mo na grabe naman ang pagkaclose na yan. Kung pag-isahin ng parents, parang mag-asawa na. Eh wala. Sadyang malakas ang words namin kaya paniwalang paniwala ang fans na best friends lang kami.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon