Chapter 6

441 8 1
  • Dedicated kay Mia Dela Fuente
                                    

Natutuwa naman ako sa pagsusulat nito. Wala lang. Haha. Dedicated to kay Meng kasi naappreciate ko ung post niya sa timeline ko sa fb. Nakakatuwa. Mas masaya pa ata siya sakin. hahaha.

KEVIN AND CHAR TOGETHER  :"> >>>>

<tagline>Give comments and suggestions, okay?</tagline> :D

-Mo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 6

Tyler's POV

"Papasok lang ako sa kwarto ko."

Tiningnan ko lang siyang umakyat ng hagdan.

"Hindi mo pa palang ginagawang guest room ang kwar--Ano un? Bra? Tyler naman!" Tumakbo si Shane at kinuha ang naiwang bra ni Clarisse. Ba't naman kasi iniwan.

"Bakit? Hindi ko naman sinabing iwan niya yan ha."

"Oh ano? Hindi mo man lang ba susundan ang asawa mo?!"

"At bakit ko naman susundan un?"

*pak!*

Tinapon niya sa mukha ko ung bra. Pwedeng pitcher tong babaeng to. Ang sakit.

"Susundan mo o ipapalamon ko yan sayo?"

Tinanggal ko ang bra sa mukha ko. Magmamarka ata un eh. Susundan ko na ngalang at baka ano pang matapon sakin ni Shane.

Umalis na ako at iniwan ko ung sadistang babae sa sala. Itatapon ko na sana sa basura ang bra pero may naramdaman akong basang parte nito. Pagkatingin ko, mga 3 tatlong makakahiwalay na patak ng tubig. Teka, hawak to kanina ni Char...Char. Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo pero ginawa ko.

Katok ako ng katok sa pintuan pero di naman siya sumasagot.

"Pag ito hindi mo pa binuksan, sisirain ko to!"

Pagkatapos ng ilang katok, hindi niya binuksan. Inayos ko na ang sarili ko para banggain ito ng malakas. Ba't ba ako nagpapanic? Wala naman dapat ako pakialam sa babaeng to ha.

Bigla nalang bumukas ang pinto.

"Ever heard of keys?" Sumandal siya sa pintuan at pinagtaasan ako ng kilay.

"Umiiyak ka ba?"

"Mukha ba akong umiiyak?"

Hindi ko nalang siya pinilit na amining umiyak siya. Away man kami ng away, at halos hindi nagpapansinan, kahit papaano, naging pamilyar narin ako sa bawat kilos niya. Sa ugali niya. Ang pinagtataka ko, bakit siya umiiyak?

"Mag-ayos ka nga. Nakakadiri ang itsura mo. And..." Lumabas na siya't sinara ang pinto. "Tawagan mo ang iyong pinakamamahal na girlfriend. Nakita mo bang nagwawala un na lumabas ng isang studio? That was funny."

"Nasaktan ata un sa sinabi ko. Pero nakakainis talaga eh. Naistorbo pa kami ni Clarisse sa...uh..." Minention mo pa Sebastian eh. Katangahan. Di ako makatingin sa kanya ng maayos. "...kanina."

"You mean, sa kung ano mang milagrong ginagawa niyong dalawa? It's okay. You can mention it. But prepare to face the consequences, Ty. I will not be there all the time to back you up in front of the reporters, self-centered parents and girls with raging hormonal issues." Nagulat ako. Ngayon niya lang ako sinabihan ng ganyan. Dati rati, tinatawanan or nginingitian niya lang ako. "Plus a cracked, irrational, egoistic, bitchy girlfriend."

Iniwan na ako ni Char. Biglang nagsisink-in ang mga sinabi niya. Sinundan ko siya sa sala at nakitang kausap na si Shane na parang walang nangyari.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon