Chapter 18

302 5 1
                                    

Ung feeling na sabi ko eh ON HOLD to tapos di ko natiis. HAHA. May naihugot kasi ulit ako. Sayang naman. So ilalagay ko na. Free na kasi ako. Free na ung utak ko makapag-isip at makapag-imagine guys. Haha. Summer na! Kakatapos lang ng Finals namin nung Friday. Akalain niyo.

Wish niyo na sana makapasa ako. :(

Sige. Eto na. Basahin niyo na.

Maybe you could check out my other stories: "A Game with Death" and "Kung Ako Ba Siya"

-Mo

_________________________________________________________

Chapter 18

Charlotte’s POV

“Ano nga bang meron sa inyo ni Kevin Fuentebella, Charlotte?” Tanong ng host ng programang pinayagan kong mag-interview sakin.

“Sa maniwala po kayo o sa hindi, wala pong namamagitan saming dalawa. Friends po.”

“But he made it clear that he would be courting you.”

“He did?” Nagbigay ako ng isang fake smile. Publicity. Ugh.

Natuwa naman ang gago. “So there is really a possibility that the couple of the year Sebastian-Garcia will have its rival in this industry? Fuentebella-Diaz?”

Naghiyawan ang audiences. Kinikilig ang iba.

“I don’t know. Maybe yes, maybe no. Di naman kasi talaga tayo sure sa future natin.”

“What do you mean, Char?”

“Di naman talaga natin malalaman kung ang isang tao ay laan talaga para satin diba? I mean…maraming dadating…maraming hahadlang. To the point na kwekwestyunin mo na ang relasyon niyo…kung ano mang meron kayo…”

“May pinanghuhugutan ka ba sa mga sinasabi mong yan?”

Binigyan ko nalang ulit siya ng smile.

Naiinis na ata to. Nagtwitwitch na ang mata. Haha.

Eh ako rin naman. Naiinis na ako. Sa lahat ng taong nanggugulo ng buhay ko.

“Ok…so…uhm…what can you say about the issue…the rumors…that you are the reason behind the first break-up of Tyler Sebastian and Diane Garcia?”

“What can I say? What should I say? I don’t really think I can give a statement since I’m not the reason nor a part of it.”

Binibigyan niya na ako ng ‘Answer, you bitch’ look. Di ko alam kung matutuwa ako o mahahampas ko na to.

“Nakikita na ang chemistry niyo…”

“That’s not a question.”

“I—“

I sighed. Lumalabas ung mataray na Charlotte. Masagot na nga lang.

“Bestfriends. That’s all there is between us.”

“Are you sure about that?”

Napatigil ako sa pag-iisip pa ng reasons, ng mga sagot. Sure? Sure nga ba ako? Un lang ba talaga ang meron kaming dalawa?

Di pa pala niya naaalala ung code code namin nung maliliit pa kami. Nung kung gusto naming tumakas at nagpaplano kaming tumakas. Marami kasi kaming guards. Kailangan namin ng way na makapag-usap na di nila naiintindihan.

FLASHBACK

“Psst.”

Nilingon ko si Ty. “Bakit?” Pabulong kasi ung sitsit eh. May sasabihin nanaman to.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon