Chapter 21
Charlotte’s POV
“Damon, you have to let me go. Minahal kita. Hinayaan kitang isantabi ako. Hinayaan kitang insultuhin ako sa harap ng mga kaibigan mo para di mawala yang walang kwentang ‘status’ mo sa school na ito. Pero Damon…may hangganan din naman ako. May hangganan din ang pagtitiis ko.”
“Wha—what do you mean? Are you…are you breaking up with me? Wag! Wag mong sagutin yan! malamang hindi. Kasi Sophie baby diba mahal mo ako? Diba baby? Di mo ako iiwan diba? Mali ung akala ko…sabihin mong mali ang akala kong iiwanan mo na ako. Baby…please…”
“Damon…”
“I’m sorry…I’m sorry…promise ipagyayabang na kita. Promise di ko na sila hahayaang awayin ka. Promise di ko na iisipin ung kung ano man ako sa school natin. Please lang baby wag mo akong hiwalayan. Please…”
“Diba dapat nga matuwa ka?”
“No! How can you say that?! Alam ko mali ang mga nagawa ko sayo…alam ko—“
“Hoy babae!” Hinayaan ko lang si Shane. Manggugulo lang to eh. Binalik ko nalang ulit ung atensyon ko sa minememorize kong lines sa hiwalayan scene namin ni Kevin.
“Ayoko na. Please…you have to understand—“
“May iba ka bang gusto? Ba’t padalosdalos tong desisyon mong makipaghiwalay sakin? Don’t tell me…Sophie baby…please don’t tell me meron ka nang ibang gusto….ibang mahal…”
“I—no…wala…”
“Sino?”
“A—anong ibig mong sabihin?”
“Sino siya? Sino ung lalaking dahilan kung bakit atat na atat kang makipaghiwalay sakin. Sabihin mo sakin!”
“Sagutin mo pa yang si Damon ipapalamon ko yang mga papel sayo.” Inagaw ni Shane ung folder ng script. “Ano bang nangyayari sayo ha babae?”
Hinilothilot ko ang temples ko. Ang sakit na nga ng ulo ko dadagdagan pa nitong si Shane. “Nagmememorize. What do you think?”
“Hoy bruha. Monday na Monday, nagmememorize ka? Losen up!”
Di ako sumagot.
“Alam mo, mas gusto ko pa ata ung halos mamataymatay na Charlotte eh. Di katulad nito!” Tinuro niya ako mula ulo hanggang paa. Parang tanga lang. “Nag total shut down ka na! Nung binisita kita nung Thursday, halos sambahin mo na at lagyan ng altar yung bundok ng scripts at ung mga school books sa kwarto mo. Nung Friday, tinawagan kita pero wala pang limang minuto binabaan mo ako. BINABAAN MO AKO!”
Nagulat ako. Actually, lahat sa canteen nagulat. Napatingin sila saming dalawa.
Pero di parin ako nagsalita. Tinitingnan ko nalang ung schedule ko sa iphone.
“As what I was saying, binabaan mo ako. At ni minsan, di mo ako binabaan!” Pabulong na pasigaw na sabi niya sakin. Nahiya siya. Buti naman. “Nung Saturday, di mo na sinasagot mga tawag ko kaya si Nanay She na tinawagan ko. Ayun! Nandun ka daw sa Music Room doing God-knows-what. Buong araw. Buong araw! Anong ginawa mo dun? Nakipagtitigan sa gitara? Binilang ung piyesa sa loob ng piano? Binutasan ung drums tapos inayos ulit? Kahapon naman, Sunday, tinanggap mo lahat ng guestings, interviews, umattend ng shooting, photoshoots at kung ano pa yang mga anek-anek niyong mga artista. Anong sunod? Baka gusto mong sa network building ka na matulog.”
Free day today. Magmememorize lang ng lines.
Photoshoot tomorrow.
Meeting with ate Sandra and some people on Wednesday.
Shooting on Thursday and Friday…
“…sarili mo! Hoy! Hooooy! Nakikinig ka ba?!” Inagaw niya ung cellphone ko tapos tiningnan ung kung ano mang pinagkakaabalahan ko. “Schedule? Schedule? Are you kidding me? Nanenermon ako tungkol sayo at sa trabaho mo tapos trabaho mo ung tinitingnan mo?”
Tiningnan ko ung relo ko. Holy sh— 12:10 palang. 1 ang end ng lunch ha? 10 minutes palang ang lumipas pero bakit ang dami nang nasabi nitong babaeng to?
Pagtingin ko kay Shane napashake nalang ako ng ulo. Nagsasalita parin siya. Lumingon ako sa right.
Kevin.
Nakatingin siya sakin. Sa dating table namin siya nakaupo kasama ung friends niya. Dun kami dapat uupo ni Shane pero lumayo ako at umupo sa isa pang bakanteng table. Parang di ko kasi feel na makipagdeal sa kanya personally. Hanggang text text lang muna kami.
Nginitian ko siya tapos sinenyas si Shane. Natawa nalang siya at gumalaw ung labi niya, “Ok lang yan.”
Lingon sa left.
Tyler.
Nakatingin din siya. Di katulad sa nakangiting mukha ni Kevin, blanko ang expression niya. Actually, ewan ko. Iniisip ko nalang na blanko. Ayaw ko nang bigyan pa ng meaning. Nakapag-isip-isip ako nung nakalipas na apat na araw na si Diane ung pinili niya.
Why can’t he tell her to get out of our house? Alam kong ako ung papaalisin niya nung araw na un.
Why can’t he break up with her? Kahit para sakin man lang?
Naalala ko ung mga salitang nabitawan niya sakin two years ago, nung araw na inannounce niya samin lahat na sila na ni Diane.
“Magdidivorce rin naman tayo. Alam naman nating lahat anong kinalalabasan ng mga arranged marriage diba? So…ok lang na magkagirlfriend ako. Dapat mabait ka sa kanya ha? Wag kang magseselos kasi wala kang karapatang magselos. Part of the family na siya. Saka ok lang naman diba sayo Char diba?”
At the time…oo. Ok lang. Nginitian ko pa nga siya nun eh tapos sa isip ko ‘YES!’
Halos iwelcome ko pa nga si Diane sa pamilya nung unang magpakita samin un eh.
Pero anong nangyari?
Iniwas ko nalang ung tingin ko sa kanya at yumuko. Ano na nga bang nangyayari?
“…sa inyo? Anak ng tokwa girl ha napapaos na ako.” Di pa natapos tong isang to? Unbelievable! “Char…”
Di parin ako sumagot.
“Oh my God…”
Tumingin ako kanya. Nakatingin din siya sakin. No. Sa dibdib ko pala. “Hoy anong tinitingnan mo. Lalaki trip ko hindi kapwa babae.” Ngumiti ako para malaman niyang joke un. Pero naiyak siya. “Hala. Huy Shane. Gaga ka ba’t ka umiiyak? Joke lang!”
“S—suot mo…bakit…yan ung..yan ung…” Hinatak niya ung kamay ko. Grabe makaiyak tong isang to ha. “Bakit suot mo ung singsing?” Bulong niya.
Oh. Yumuko ako. Nakatago ang singsing sa luob ng blouse ko pero kita ung chain. Alam ni Shane ung chain. Pinakita ko kasi sa kanya un two years ago din. Sabi ko dati, nung nilagay ko ung singsing sa chain, susuotin ko un pag dumating na ung araw na maghihiwalay na kami. Ung araw na, noon, matagal na naming hinihintay.
“Char…” Tinitingnan na siya ng mga tao, jusko po. “Ba’t mo suot yan?”
“Shane? Ikaw ba ung makikipaghiwalay? Ba’t ang drama mo?”
“Impakta ka seryoso ako. Sabi mo…sabi mo…Wait. ‘Makikipaghiwalay’? Don’t tell me…oh my god.”
Kinapa ko ung singsing through the blouse. Ewan. Pero suot ko siya since Thursday. Di ko siya tinanggal ever since. Subconsciously ko lang siya kinuha sa drawer at sinuot. Siguro…siguro sign siya. Na kailangan kong tanggapin na un nga kahihinatnan namin. Na tama nga ung sinabi ni Tyler two years ago na matutulad lang din ung ending namin sa iba pang na arranged marriage.
“What are you thinking?”
Divorce.
“Let’s just say…there are things, people, that I want to keep in my life. But there are also things, people, that I have to let go because they’re not meant to stay in it.”
--
Sorry maikli lang. (A/N)
BINABASA MO ANG
Buhay Artista
Teen FictionDalawang batang napaglaruan ng tadhana. Mga batang...hindi nakapagdedesisyon para sa kanilang mga sarili. Aanhin ang kasikatan, kayamanan at ang buhay na puno ng karangyaan kung bawat kilos mo'y binabantayan ng sambayanan at pilit na tinatago ang tu...