Buhay Artista: Prologue

1.9K 18 1
                                    

Prologue

Fame or Obscurity? Anong pipiliin mo? Ang buhay na kung saan halos lahat ng kilos mo'y binabantayan ng lahat ngunit nakukuha mo halos lahat ng naisin mo? O ang buhay na isa ka lang simpleng tao na magagawa lahat ng gustuhin mo na walang nakabantay sayo?

Eh in terms of marriage naman. Nanaisin mo bang ma-arranged marriage? O gusto mong mabigyan ka ng pagkakataon na makapaghanap ng isang lalaking magpapatibok ng puso mo sa paraang hindi kayang gawin ng iba?

Ako? Wala akong choice. Artista nga ako, na-arranged marriage naman. Anyareh.

Baby pa daw kasi ako, ipinangalandakan na daw ng parents ko ang mukha ko sa mga producers and sikat na managers. At nung medyo lumaki-laki na, ako, may pagkabibo rin talaga. Kulang nalang gawan na ako ng biography ng lahat ng fans ko. Pano ba naman, eh halos buong buhay ko, alam nila. From neneng to dalagita. Hahaii..

Ok na sana ung pag-aartista. Eh ung ipakasal ba naman ako sa kapwa ko ring artista? Parehas lang ang pinagdaanan namin. Baby din siya nang malagay na sa showbiz. May mga topak ata mga parents namin eh.

Magbest friends kasi ang parents ko at parents niya since nung pagkabata rin nila. Nung nagkaanak pa ng lalaki at babae, nangako sila sa isa't isa na ipakakasal ang dalawa. Ni hindi man lang pinostpone ang kasal hanggang sa tamang edad dito sa Pinas. Talagang pumunta pa sa ibang bansa at doon kami pinakasal. Eh ang bata pa namin. Artista pa. Walang pakealam kung matsismis. Lakas ng tama no?

Nuong una, wala akong pakialam. Inisip ko na pagsapat na ang pera ko at nasa tamang edad na ako, magfafile ako ng divorce. Sa ayaw nila't sa gusto. Pero...paano kung...

Minahal ko na siya?

Ngunit...

May mahal siyang iba.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon