Chapter 23

141 7 1
                                    

Chapter 23

Charlotte’s POV

Alam niyo hindi maalis sa isip niyo yung sweet na sinabi ng crush niyo? Ganito yun eh. Mapa-cr, mapa-kusina, mapa-kwarto, kahit wala si Tyler sa paningin ko (which is kind of hard since nasa iisang bahay lang kami), HINDI. MAALIS. SA. ISIP. KO. YUNG. SINABI. NIYA.

Gusto ko din maging tayo.

Gusto ko din maging tayo.

Gusto ko din maging tayo.

ANO NA, CHARLOTTE? ULIT-ULIT?

Hindi ko to kaya! Sinara ko yung math book ko, pumunta sa dining hall at umupo na.

Ano ba to. Para kaming high school students.

Gaga. High school students nga kasi kayo!

Hindi ko na alam ano mararamdaman ko. Ano ba kasi pumasok sa isip ko at ginamit ko yung Last Words? Nalaman niya tuloy! UGH!

“Charlotte, nasa harap ka ng grasya. Ba’t ganyan mukha mo?” Tiningnan ko si mama.

“Tyler, anong nakain mo at ang haba ng ngiti mo dyan?” Tiningnan ko si mom. Then si Tyler. Tada! Namula ulit ako.

“Wala po. Masaya lang po mom.” Tumingin din siya sakin at natawa. “Tanong niyo po dyan kay Char.”

“Aba aba mukhang nagkakasundo na ulit mga anak natin!” Naghigh five si papa at si dad. Hay nako.

Pumunta kasi parents namin ngayong gabi. Sakto namang hindi sila busy sa mga kanya kanyang business. Kaya eto…really awkward family dinner. Talk about awkward!

Sa tuwa naman ng mga to, tawa na ng tawa. Si Tyler nakikisalo. Ako tuloy parang gusto ko nang malusaw. Hindi ko alam bat ako ganito…Well, siguro sa hiya…sa kilig…at sa hiya ulit.

“Ay nako jusko po.” Sabay bagsak ng something.

Napalingon kami lahat kay nanay She. Pinulot niya yung nahulog (ahhh remote naman pala) tapos kuntodo harang sa tv. May tv kasi sa dining hall. Yes, hall.

“Bakit po?”

“Ah wala anak! Ano ka ba. Kumain ka na.” Sabay talikod.

“Nay.” Nagwarning tone si mom. Nagtataka kasi kami sa kinikilos ni nanay. “On mo yang tv, nay.”

“Wag na po, ma’am! Kumain nalang po kayo. Nasa harap po kayo ng grasya…”

“Nanay She.”

Nginitian ko si nanay. “Sige na po nay. On mo na. Kaw po kasi ano ano pa kinikilos mo. Haha.”

Binigyan niya ako ng warning na look (I guess warning look siya kasi ang creepy ng pagtirik ng mata ni nanay). Tapos binuksan niya yung tv ulit.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon