Chapter 17

301 6 2
                                    

Warning: Maikli lang to. HAHA. Akalain niyo un.

Maybe you could check out my other stories: "A Game with Death" and "The Brothers"

-Mo

_________________________________________________________

Chapter 17

Charlotte’s POV

“Tinanong ni Diane kung mahal ko daw ba si Louise. Oo ang sinagot ko. Anong magagawa mo?”

Napabitaw ako.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko.

Napako ang tingin ko kay Kevin.

Ang tahimik. Ang tahimik ng paligid. Walang nagsasalita.

Naramdaman kong umaatras ako sa kinatatayuan ko.

Si Kevin….

Si Damon

…siya ang lalaki sa tent nung Fair.

“Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo? At hindi na siya? Ako naman ang nauna diba?”

Nung party…

“Mataba, payat, maganda, pangit, may make-up o wala, mahirap man o mayaman...wala akong pakialam. Basta mahal niya ako at mahal ko rin siya. Siya na.”

"...I guess kung mahal mo ang isang tao, wala ka nang pakialam kung ano pa mang gawin niya na makakasakit sayo. Lahat gagawin mo para sa taong ito. Lahat maisasakripisyo mo, kahit sariling kaligayahan mo.”

Napapikit ako. Naiiyak nanaman ako.

Naalala ko ang tinanong ko sa kanya nung gabing yun.

Nahanap mo na ba siya?”

Mukhang ganun na nga.”

Mga matang may sinasabi. Mga hawak na mahigpit. Mga regalo. Ang halik sa noo.

Kevin…ba’t ako pa?

------------

Flash

Flash

Flash

Ang daming paparazzi sa labas.

“MS. DIAZ! MS. DIAZ!”

“TYLER!”

“BIGYAN NIYO PO KAMI NG PAHAYAG MS. DIAZ!”

“LUMABAS PO KAYO PLEASE!”

“MR. SEBASTIAN!”

“MS. DIAZ!”

“DIAZ AT SEBASTIAN! ANO PONG MASASABI NIYO SA DEKLARASYON NI MR. FUENTEBELLA?!”

Oh God.

Stop.

Binitawan ko ang kurtina. Kanina pa ako nakasilip sa bintana. Naghihintay na mawala sila. Di nila ako Makita kasi nasa 2nd floor ang kwarto ko’t tinted ang sliding window.

Kahapon lang nangyari, pero dagsa na ang mga reporters.

Ang mga haters.

Lumabas ako ng kwarto ko’t bumaba sa living room.

Nandun silang lahat.

Mom, dad.

Mama, papa.

Ate Sandra.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon