Chapter 9

355 6 0
                                    

You'll like Kevin here. >:) Happy reading!

KEVIN >>>>>>

<tagline>Give comments and suggestions, okay?</tagline> :D

-Mo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Chapter 9

Charlotte's POV

"I heard na you and kevin are going out. Is that true? Kung oo, kelan pa?!" Kung makatanong naman tong baklang to, parang pang-essay lang. Kulang nalang, explain your answer briefly and legibly.

Nasa isang party kasi kami ng isang kapwa artista. Pero tanyag na at matagal na sa larangan na to. Held ang party sa pinakaengrandeng hotel dito sa Manila. Maraming press. Allowed daw kasi sila. Minsan lang magpaparty ang said artista kaya sugod agad sila nung malaman nilang pwede sila.

And currently, sa mga bagets sila bumubuntot. By sikat na bagets, ibigsabihin, kaming tatlo ni Kev at Tyler.

Tumawa si Kevin. Pilit lang pero wala lang yan sa press. "Are we?" Tapos tumingin siya sakin. Tapos ngumiti. Pang-asar. Parang sinasabing Your turn.

"We're n--"

"They're not dating." Singit agad ni Ty. Tense siya.

"Protective ang bestfrieeend! So Tyler, how are you and Diane Garcia?"

Di ko na narinig ang sagot niya. Inintriga kasi kami ulit ni Kev ng isa pang reporter.

"Naging kayo ba?"

"No." Timing, pagsagot ko, sumagot din si Kev. Pero ang sabi niya, "No. Not yet, anyway."

"Ms. Diaz!" Lumingon ako. "Anong masasabi mo sa sagot ni Ms. Garcia sa isang interview na hindi siya naniniwalang magbestfriend lang kayo ni Tyler at may something na nangyayari sa likod ng camera?"

Eh kung sabunutan ko kayong dalawa? "It's not my fault that they broke up. I was only there to comfort my bestie."

As usual, di nila kami inintriga ni Ty. Tsk.

"If ever ba na may chance kayong tatlong magwork together, papayag kayo?"

Hindi sumagot ang dalawa. Alam naman naming tatlo na No ang sagot nila. Pero sesermonan kami ng managers namin pag nag-No kami. Dagdag intriga. Nagsmile ako. "Of course."

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon