Episode 3

3.3K 155 21
                                    

#INSEncounter

--

"Hey! Wake up sleepy head!", sobrang pagod pa ng katawan ko at kailangan ko pa ng sapat na tulog. Bwisit din 'to si Vince minsan at lagi na lang nambubulabog. Nandito sya ngayon sa bahay dahil nga weekend at rest day niya. Pwede namang magpahinga kahit anong araw, siya naman ang boss. Hay.

"5 minutes", sabi ko. Talagang inaantok pa ako. Eh kasi naman ang tagal kong nakatulog kagabi.

Alam naman nitong late akong natulog eh kasi gusto niyang makipagkwentuhan. Nagmovie marathon pa naman kami magdamag at nakailang movies pa kami bago naisipang matulog tapos ngayon? Hay naku.

Naalala ko na naman yung nangyari sa bar kagabi. Alam ko namang ako yung hinahanap ng mga kasamahan ni espasol, buti na lang at tumawag si Vince na umuwi na ako at gusto nya raw kaming magbonding.

Hindi naman sa natakot ako. Kayang kaya ko kaya sila noh? It's just that ang cheap lang talaga ng espasol na yun dahil susugud-sugod ni hindi naman niya kilala kung sino kinakalaban niya.

Ewan ko kung alam ba niyang nanliligaw si Martin sa akin, wala rin naman akong pake kung sabihin niya sa kasamahan niya kagabe. Actually, kilala ko naman talaga yung mga yun, sadyang si espasol at ang boyfriend nyang hipon lang talaga ang medyo hindi pamilyar sa akin. Natawa na lang ako.

Text lang ng text sa akin si BeeJay kagabi na hinahanap nga ako ng mga taong yun. Edi hanapin nila, may sarili naman silang mga mata. Mga leche. Hindi na rin kasi ako nagpaalam sa kanila kaya naisipan siguro nilang natakot ako which hindi no! Umiwas lang ako dahil ayoko ng gulo at baka mapasama pa ng tuluyan yung business ko.

"Ayaw mo talagang magising?", si Vince habang hinahatak nya ako sa higaan. Bwisit! Ang sakit na nga ng katawan ko, hahatakin pa ako. Eh kung balian ko 'to ng buto.

"Oo na! Bwisit ka sa umaga!", sabi ko. Nakaupo na ako ngayon sa kama pero nakapikit pa rin ang mga mata ko. Maya-maya pa'y naramdaman kong parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Aaaaaaaahhh!", napasigaw ako sa gulat! Whaaa! Bwisit ka Vince! Bwisit! Huhu.

"What happened?", narinig kong tanong ni Mama, nakauwi na pala sila, "Ano bang ginawa mo Vince?"

"Eh ayaw magising Ma, kaya binuhusan ko na. Effective naman, di ba?", at natawa pa ang loko. Huhu. Naiyak ako sa nangyari. Bwisit! Nagising naman na ako eh!

Naramdaman kong lumapit sa akin si Mama at niyakap ako, "It's okay sweetie, okay na. Tahan na ha?", sabi niya habang hinahaplos pa ang buhok ko. Ganito lang talaga ka sweet ang pamilya ko. Napatahan naman ako ni Mama.

"She's not a child anymore Ma, stop being a brat Madeline!", si Kuya kaya napaangat ako ng tingin at nakangisi pa ang loko. Tiningnan ko siya ng nakakamatay. Leche talaga!

"Stop it Vince, ang sabi ko lang naman ay gisingin mo, hindi ko sinabing buhusan mo ng tubig", si Mama. Nakayakap pa rin ako sa kanya. Eh namiss ko eh? Hindi naman ako spoiled brat. Si Vince lang nag-iisip nyan! Ganyan din kaya sya kay Papa! Parang bakla lang!

"Parang ganun na rin yun Ma"

"Tse! Kahit kailan ka talaga! Nagising naman na ako eh! Eh kung tadyakan kita jan?!", sabi ko. Naiyak lang kasi ako kanina sa sobrang inis.

Natawa lang sya sa sinabi ko at agad lumabas ng kwarto ko.

Nag-usap lang kami sandali ni Mama at pagkatapos nun ay agad rin syang lumabas ng kwarto ko. It's already lunch pero inaantok pa rin ako. Pupuntahan ko pa ang Reverie mamaya. Kainis talaga 'tong si Vince eh!

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon