Episode 15

2.1K 118 30
                                    

#INSPartner
--

Nakaupo na kaming lahat sa dining. Nasa kabisera ng mesa ang Daddy ni Edison, sa gilid nito ay ang kanyang Mommy na kaharap sya. Katabi ko naman si Edison at kaharap ko si Felisse.

Tahimik lang kaming kumakain. Pero parang hindi ko yata malunok 'tong kinakain ko sa sobrang kaba. Maya't maya din ang sulyap sa akin ng Mommy ni Edison na para bang sinusuri ang paraan ng pagkain ko. Hay. Mayayaman nga naman. Tss

"So ija, what's your name again?", tanong ng Daddy ni Ed. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ah.. M-madeline po, but my friends used to call me Maymay", sagot ko naman. Tumango tango naman ito habang ang tatlo ay nakikinig lang.

"Tell me about you and your family iha", sabi nito. Gabundol na ang kaba sa dibdib. Jusko! Paano ba 'to?

Huminga muna ako saglit. Napatingin ako kay Edison. Ngumiti lang naman ito at tumango, para siguro sagutin ang mga magulang niya.

"I'm Madeline Yvonne, graduate po ng BS HRM sa Ateneo. Actually, scholar po ako sa school na yun mula nursery hanggang college. Nagtatrabaho po ako bilang bartender sa isang bar sa Taguig, at the same time singer rin po ako sa isang resto bar jan lang po sa labas ng subdivision na 'to ..", sabi ko. Tumango-tango naman ang Daddy ni Ed while Felisse is smiling at me from ear to ear and their Mom is silently eating.

"..  Tungkol naman po sa pamilya ko, masaya po kaming namumuhay ng simple. May kanya-kanya rin po kaming trabaho kaya't hindi na kami masyadong naghihirap"

Medyo totoo naman lahat ng sinabi ko. Kahit na may kaya kami ay dumaan rin kami sa hirap lalo na nung panahong may crisis ang Pilipinas. Sobrang naapektuhan ang kompanya nina Mama at Papa noon kaya't maya't maya ay umaalis sila sa bahay. Pinaintindi naman sa amin nina Papa kung ano ang nangyayari kaya't pinilit rin namin silang tulungan sa pamamagitan ng pagtitipid. Salamat sa Diyos ay nakaraos naman kami.

"I'm impressed ija", sabi ng Mommy nya pero seryoso lang itong nakatuon sa kanyang pagkain. Napatingin kaming lahat sa kanya pero mas lalo lang ata akong nawindang sa sunod nyang sinabi.

".. but don't you think a woman like you is worth it to be my son's girl?", sabi nito at seryosong nakatingin sa akin.

"Mom!", sabay na sabi nila Felisse at Edison pero natahimik naman ang mga ito lalo na nung tiningnan sila ng seryoso ng kanilang ama.

Napatingin ako kay Edison at gayun din ito sa akin. I smiled. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa dahil napakuyom na sya sa kanyang kamao. Agad kong binaling ang atensyon sa kanyang mga magulang, "Hindi ko po masasabing oo at hindi. Hindi rin po akong mangangakong maging perpektong babae para sa kanya ngunit ipapadama ko sa kanya kung gaano sya kahalaga sa akin", sabi ko.

"You're really a hardworking woman, isn't it?", seryosong sabi ng kanyang ama, "But I don't think you're the right girl for my son iha. I know my son is head over heels for you, but you're just a bartender. For now, I'll let you enjoy the moment together but don't expect too much from my son", sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.

Kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Maski si Edison ay hindi alam ang gagawin at hinigpitan lang ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napayuko ako. Bakit parang ang sakit lang ng mga sinabi nya? Kahit hindi man totoo pero mababa pa rin talaga ang tingin nila sa katulad ko. Oo, nagpapanggap lang ako pero hindi ko pa rin lubos maisip kung may mga taong ganito mag-isip. Na porket bartender sa isang bar ay marumi na. Paano kaya kung makilala nila ako bilang isang anak ng mayaman? 

Napaangat ako ng tingin at ngumiti ng mapakla, "Don't worry Sir, Madam. I don't expect too much from your son. We're just enjoying every little moment we had and we will be having together. You might as well think that I'm being rude as of now, and I'm sorry for that but who cares? Hindi rin nyo naman ako tanggap, and hindi nyo rin siguro ako tatanggapin. But of course, Sir and Madam, this will be the first and last time na mapapahiya ako because the moment we will see each other again, I'll make sure I'm more than worth it. I'll go ahead po. I'm really sorry. Nice meeting you po Sir, Madam", sabi ko sabay tayo. Alam kong nagulat silang lahat sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Gusto ko lang sabihin kung ano ang gusto ko.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon