Episode 20

2.4K 124 82
                                    

#INSTheTruth
--

Nanatili lang ako sa hotel room pagkatapos kong ayusan. Konting make-up lang ang nilagay sa aking mukha because I don't usually wear those.

Mag-isa lang ako ngayon dito sa loob. Medyo kinakabahan ako sa posibleng mangyari ngayong gabi. Napabuntong hininga na lang ako.

Nakaupo lang ako habang nilalaro ang aking mga daliri. Ganito ako kapag kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin lalo pa't sinabihan ako ni Papa na maghanda raw ako ng speech mamaya para sa lahat. It's my first time to face the crowd sa ganitong event.

Habang malalim ang aking pag-iisip ay biglang may kumatok. Si Vince.

"May? Kira wants to talk to you", sabi nito saka inabot ang phone sa akin. Nagvideo call pala ito.

Nakabalik na kasi si Kira sa trabaho nya at kasalukuyan syang nasa Dubai ngayon dahil nag stop over daw sila. Sandali lang din kaming nag-usap dahil limited lang naman ang oras nya.

"Basta kwento nyo sa akin kung anong nangyari ha? Sayang naman at hindi ko naabutan ang event na yan, excited pa naman ako sa kung anong reaksyon ng Labanos at mga magulang ng pinakamamahal mo kapag nalaman nila ang totoo", sabi nito na may mapang-asar na ngiti.

"Kinakabahan nga ako eh", sabi ko sabay buntong hininga.

Ngumiti naman ito, "Wag kang kabahan. Alam kong kaya mo yan. At saka, hindi naman ikaw ang may atraso sa kanila at kakabahan kang ganyan na parang may ginawa kang masama. Basta May, just be yourself ha? Always remember that", sabi nito. Tumango na lang ako saka ngumiti

"I love you Kira, thank you so much"

"I love you too May", sabi nito, "Oh sya, I will end this call na. Wag kang kabahan, okay? Bye!", sabi nito saka inend ang call.

Bumuntong hininga ako para maibsan naman 'tong kabang nararamdaman ko.

"Kinakabahan ka?", tanong ni Vince habang nakatayo sa likod ko. Nakatingin sya ngayon sa akin sa harap ng salamin at ako naman ay nakaupo lang.

Ngumiti ako ng bahagya, "Medyo", tipid kong sagot saka nilalaro ko na naman ang mga daliri ko.

"Don't be nervous May. You're so gorgeous tonight. Our parents, BeeJay and I will always here at your side. Don't worry", sabi nito.

Napalingon naman ako sa kanya agad.

"Is that really you Vince? I supposed it wasn't", sabi ko. Ngumiti lang naman ito saka hinalikan ako sa ulo.

Bigla namang dumating si BeeJay.

"It's time to shine! Kayo na susunod na tatawagin -- Ay! Pak na pak ang awrahan natin ngayon girl! Sobrang ganda mo!", sabi ni BeeJay. Natawa na lang kami.

In the end ay bumaba na kami at pumunta sa hall kung saan ginaganap ang event.

"Ay picture muna May! Dali! Sayang ang ganda mo tonight", si BeeJay at agad kinuha ang kanyang camera.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon