Episode 12

2.5K 132 13
                                    

#INSHowWouldYouFeel
--

Morning came at sobrang ganda naman talaga ng gising ko. Lumabas agad ako sa balcony para masaksihan ang pagsikat ng araw.

I really love sunrise. It means new beginning for me. Nakakagaan kasi talaga sa feeling eh.

Naglakad ako papunta sa may dalampasigan pero nagulat na lang ako na may taong nakaupo sa buhangin habang nakatanaw sa malawak na dagat.

"Ed?", I said. Lumingon naman ito sa akin at tsaka ako ningitian.

"Hi. Good morning May",he said. Tumayo naman ito para alalayan akong maupo sa tabi nya.

"Ang aga mo naman yata nagising?", sabi ko at tiningnan sya. Nakaupo na kami ngayong dalawa habang nilalanghap ang sariwang hangin.

He smiled. Yung ngiti nyang nakakapanghina ng tuhod? Oo yun. Kahit nakaupo ako ngayon ay feeling ko mawawalan ako ng ulirat. Haha!

"I want to see the sunrise. Ikaw? Ang aga mo ring nagising ah?", sabi niya. Nakatingin na sya ngayon sa malawak na dagat pero nakangiti pa rin sya na abot hanggang tenga.

"Hinihintay ko rin ang pagsikat ng araw. Gusto kong mapanood yun"

"Yeah. And it's more beautiful to watch it with you", sabi nya. Napatingin ako sa kanya na may mga ngiti sa labi. Pero hindi ko naman inasahan na nakatingin rin pala sya sa akin. Jusko! Ang init tuloy ng mukha ko. Haha!

"Sus! Mambola ka pa Ed! Kotang kota ka na", biro ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso. Natawa lang naman sya.

Nanatili lang kami sa dalampasigan at hinihintay ang pagsikat ng araw. Walang nagsasalita at tanging ang hampas ng alon at hangin lang ang aming naririnig.

Hanggang sa unti-unting nagpakita ang araw. Unti-unti rin naming nakikita ang malawak na dagat at ang asul na kalangitaan.

"Ang ganda!", sabi ko. Nakakamangha naman kasi ang sunrise sabayan pa ng malamig na hangin.

"Amazing!", sabi nya. Maya-maya pa ay inihilig nito ang aking ulo sa kanyang balikat sabay halik dito.

Nakakagaan lang sa feeling na makita mo ang sunrise habang nasa bisig ka ng lalakeng gusto mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakagaan lang sa feeling na makita mo ang sunrise habang nasa bisig ka ng lalakeng gusto mo. I feel secured everytime he's holding me or I'm just right next to him.

Ilang oras din kaming nanatili. Nagkwentuhan na lang muna kami at syempre, asaran na rin. Hindi naman yata mawawala sa sistema nya ang pang-aasar.

Maya-maya pa ay tinawag na rin kami para mag-almusal.

"Ay chaka! Nandito lang pala kayong dalawa! Kumusta naman ang moment nyo? Tapos na?", si BeeJay. Dahil sa pagtatalak nya ay napalingon kami sa kanya. Natawa na lang kami.

"Actually, we're not yet done until you came", si Edison kaya napatingin ako sa kanya. Whaaaa! Yung ngiti nyang abot tenga. Jusko! Nahilamos ko tuloy yung kamay ko sa mukha nya.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon