#INSPastAndPresent
--Matapos ang party ay hindi muna kami umuwi ng bahay nina Vince at BeeJay bagkos ay dumiretso kami sa Rave para kumain at mag-inuman. Nawalan kasi talaga ako ng gana kanina kaya medyo hindi na ako nakakain.
"Ay grabe girl! Ang maldita mo kanina ha?", si BeeJay habang tinunga ang alak.
Actually, wine lang naman ang ininom namin at may cheese kaming pinapapak. Ayaw kasi naming magpakalasing masyado dahil may trabaho pa kami bukas.
I just shrugged my shoulders saka ngumisi sabay inom ng wine.
"Handa na nga sa sabong eh, grabe ka May!", si Vince at nakipag-apir pa kay BeeJay. Napairap na lang ako.
Wala naman kaming ginawa bukod sa nagkwentuhan lang kaming tatlo. Wala ring gig na naganap dahil wala din kami sa mood para kumanta.
Morning came ay ramdam kong masakit ang ulo. Ewan ko, isang bote lang naman ng wine yung naubos namin pero mukhang ako ata yung tinamaan ng todo.
Bumaba ako sa kusina para kumuha ng mainit na kape. Naabutan ko pa sila Mama at Papa na kumakain. Tulog pa yata si Vince.
"Good morning Pa, Ma", bati ko sa kanilang sabay sabay halik sa pisngi.
"Kumain ka na muna anak", si Mama.
"Mamaya na po Ma, hindi pa naman po ako gutom", sabi ko at umupo sa harap ng mesa. Pinagtimpla naman ako ng kape ni Nanay.
"Inaral mo ba lahat ng documents na binigay ko sayo sweetie?", si Papa.
"Opo Pa", sabi ko sa kanya habang uminom ng kape.
"Ano ang natuklasan mo?", sabi nito. Napatingin tuloy ako sa kanya at kay Mama pero patuloy lang sila sa pagkain.
Hindi ko alam kung bakit pinapaaral sa akin yun. Financial reports yun ng kompanya mula pa noon until the present. May nakita kasi akong problema at hindi ko alam kung bakit pinapaalam nila sa amin? Gusto kasi nila na ma-solve ang problema agad agad bago nila sabihin sa aming nagkaproblema ang kompanya kaya ako nagtataka.
"Ahh .. Nagdecrease po ang sales 3years ago hanggang ngayon at kung hindi po maiiwasan ay tuluyan pong bababa ito dahilan para mabankrupt ang company", sabi ko sa kanya. Kinabakahan ako, "May problema po ba?"
He sighed at tumingin sa amin, "Wala naman anak, hindi sa atin ang reports na yan"
Napakunot ang noo ko hanggang sa nagsalita si Mama.
"Sa Advertisement Agency yan ng mga Peroza anak. We have 20 percent shares from their company at nababahala ang Papa mo baka mawala lang isang iglap ang investment nya roon. At kung sakaling matuloy ang kasal nina Edison at yung anak ng mga Peroza ..", natigil si Mama sa sinabi nya.
Napayuko ako sa sinabi nya. Marinig ko palang na ikakasal si Edison sa iba ay para may mga karayom na unti unting tumutusok sa puso. Hay.
Huminga muna ng malalim si Mama, "Kung matutuloy man ang merging ng Peroza at Beckham, we will be having our 50 percent shares since we have also shares from BGC at yun ang hindi nila naisip", sabi nila.
Napaangat naman ang tingin ko sa kanila. Naguguluhan ako.
"So meaning? Magpapakasal lang dahil nga nagkaproblema? Alam ba 'to ng lahat ng Board of Directors ng company?", sabi ko sa kanila na may pagtataka.
"Yes. But unfornately, hindi nila alam na kapag ginawa nila yun ay hindi Beckham's ang mamahala ng kanilang kompanya", sabi ni Papa. Lalo pang kumunot ang noo ko. Napahigop tuloy ako ng kape.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomantizmLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?