#INSKiss
--"Hi babe", si Edison na nakasilip sa office ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil hindi ko naman inasahan na pupunta sya dito, although pumupunta naman sya dito during lunch pero nagtitext naman sya.
"Hello. Pasok ka", sabi ko.
Tumayo ako para salubungin sya. Hinalikan naman ako nito sa aking noo saka binigay sa akin ang isang bouquet ng flowers.
"Thank you"
"Respeto naman sa single dito", si Marl na kalalabas lang ng rest room. Napairap ako.
"Pake mo. Humanap ka ng sayo", sabi ko, saka ako bumaling kay Edison, "Ba't di mo sinabi na pupunta ka?"
"I just want to surprise you, and besides, I already miss you", sabi nya. Napangiti naman ako.
Magkatabi kami ngayon sa couch. Si Marl naman ay nagpaalam dahil may lunch meeting daw sya with a client. Buti naman.
"Para namang hindi tayo nagkita kagabi", sabi ko. Natawa lang naman ito.
"Because I want to be with you", sabi nito. Kinilig naman ako. Pwede na akong sumuka ng water color?
Kwentuhan lang kami sandali sa loob at nagpagdesisyunan naming maglunch. Sa office na kami ni Papa kumain dahil tinamad akong lumabas ng building. Nagpadeliver naman sina Mama, buti nga at naparami.
"Thank you pala sa flowers mo Edison, I appreciate it", sabi ni Mama habang kumakain kami. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti lang ito.
"Your welcome po Mam", sagot ni Edison.
"You're too formal. Tita will do or even Mama either, di ba hon?", si Mama. Natawa lang naman si Papa.
"Akala mo ba anak ikaw lang binigyan ni Edison ng bulaklak, hindi naman pwedeng hindi sya manligaw sa amin kahit kayo na", paliwanag ni Papa. Napalaki ang mata ko. Kaloka naman!
Napatingin ako kay Edison ng may pagtatanong.
He smiled, "I went here first before I'd gone to your office. Nakakahiya naman kasi kung dadaanan ko lang sila and I also bought flowers for Tita for a greeting", he said. Tumango na lang ako.
It very overwhelming knowing na ang lalakeng minahal mo ngayon ay tanggap agad ng pamilya mo. Hindi pa man nila ganun kakilala si Edison pero ramdam kong masaya sila kapag kasama nila ito and who would have thought na minsan lang naman silang magkita dito sa office at ngayon lang kami kumain ng magkasama ay masasabi kong my parents are very fond of him. Hay.
Nandito na kami ngayon sa office matapos naming kumain. Nagpaalam naman na sya kina Mama at Papa na babalik na sya sa company nila.
"I'll go now", sabi nito, "Take care of yourself babe. Aalis ka ba mamaya?"
"Punta akong Reverie mamaya", sabi ko sa kanya. I smiled.
"Then I'll go with you. I'll fetch you later?"
"Hindi na, baka mapagod ka pa, hindi rin naman ako magtatagal dun", sabi ko sabay haplos sa kanyang pisngi. Hinapit naman nito ang aking bewang.
"No, I insist. Can I?", sabi nito ng nakanguso. Hay ang cute. Kung di ko lang 'to mahal eh.
I sighed, "Sige na nga! Wag mo kong paandaran ng panguso mo ha?"
He chuckled, "Nah! I know you can't resist my cuteness babe. Aalis na ako, balik agad ako mamaya, okay? I love you so much", sabi nito.
"I love you too. Ingat ka, send my regards sa parents mo"
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomanceLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?