#INSFamilyBonding
--Papasok na sana ako ng kwarto ng biglang nagvibrate ang phone ko. Nagtext si Vince.
Hindi ko na sana papansinin pero nagtext uli sya.
I sighed.
Vince knows me too well. Inaamin ko naman na I'm stubborn that's why he keeps on insisting that I'm a brat. But one thing's for sure, he loves me that much. Naiintindihan ko naman sya. When it comes to serious matters, Vince is always putting his authority as a brother to me kaya hindi pwedeng hindi sya susundin gaya ngayon.
Nang makapasok ako sa kwarto ay sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Inihanda ko na rin ang bag ni dinala ni Ed para sya na mag-ayos sa gamit nya.
Hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin ang nangyari kanina. Paano kaya kung may mangyaring masama talaga sa akin? Paano na kaya si Edison? Paano kaya kung natuloy ang balak ng lalake? Takot ang bumalot sa akin, hindi dahil takot akong may mangyaring masama sa akin ngunit takot ako na baka mawala si Edison sa akin.
Pumasok si Edison sa kwarto at naiintindihan ko kung bakit medyo nagulat sya na nag-aayos ako ng gamit. Plano kasi ng mga kaibigan nya na mag-extend ng stay sa resort.
"We'll be back to Cebu. Vince is there. I can't say no to him", I said while packing up my things.
I heard him sighed saka ako niyakap mula sa likod.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Halu-halo na ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari. Panatag naman ako na sa safe ako at tiwala ako sa mga salita ni Edison na hinding-hindi nya ako iiwan.
"I don't know what to do if something's bad happened to you", bulong ni Edison habang naksubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. Amoy na amoy ko pa ang alak na ininom nya kanina.
Tinapik ko ang kanyang pisngi at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Nanatili pa rin syang nakayakap sa aking likod ngunit mas mahigpit na ito ngayon. Naramdaman ko na lang na basa na aking pisngi, tumulo na pala ang luha ko.
"Hey? What's wrong?", si Edison at pinaharap nya ako sa kanya saka pinunasan ang aking mga luha, "Why are you crying? Is there something wrong?"
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomanceLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?