Episode 14

2.2K 120 11
                                    

#INSIGotYou
--

"Ano ba kasing pumasok sa mataba mong utak at hindi mo pa masagot si Fafa Ed?", tanong ni BeeJay.

Nasa mini library kami ng bahay ngayon at kasalukuyang nagbabasa ng mga documents na pinapaaralan ng mga magulang namin.

"Wala ka na dun", sabi ko sabay ngiti. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga papeles na nasa harapan ko.

"Anong wala?", sabi nito at nilapag ang mga papeles sa mesa sabay tayo sa harap ko. Nakapameywang pa ang loka, "Hoy Madeline Yvonne! Wag mong sabihing pinapaasa mo si Edison? Naku! Kukutusan talaga kita sa kilay!"

Tumigil ako sa pagbabasa at sumandal sa swivel chair. Umupo naman si BeeJay sa mesang katapat ko.

"Hindi naman sa ganun. Look, we only knew each other for almost months pa tapos nanligaw naman agad. I just want to assure myself na kaya ko nang magtake ng risk. As isa pa, tama na muna yung kilig lang sa ngayon, tsaka na yung sobrang kilig pag kami na", I said and giggled.

Tuwing naalala ko kasi mga pahaging nya ay hindi ko maiwasang kiligin at mamula. Leche. Haha!

Tumango tango-tango naman ito, "Tama ka naman. Pero andaming ahas na nakapaligid sa boylet mo ha? Isa na yang si Labanos. Naku! Mag-ingat ka sa kanya"

"Sya kamo ang mag-ingat sa akin. At tsaka alam ko namang hindi yun gusto ni Edison", I smirked

"At ikaw naman ang mahal nya? Ay iba ang confidence mo!", I chuckled, "Kain na tayo girl! For sure, nagluto na si Nanay Patching ng tanghalian"

Lumabas na kami ng library at tumungo sa kusina. Nakahanda na nga ng pananghalian si Nanay.

Kasalukuyan kaming kumukain ngayon pero si BeeJay ay walang tigil sa pagdaldal.

"Paano kung matagal ka na nyang kilala girl? Diba friends sila ni Vince? How come hindi nya alam ang tungkol sayo?"

"Kasi hindi sinabi ni Vince. Eh ba't ba tinanong mo pa eh alam mo naman na? Baliw!", sabi ko sabay irap sa kanya, "At saka, hindi naman yun dito nagcollege. Sa Germany naman yun nag-aral. Sa Rave nga lang sila nagkita ulit, remember naikwento kong nasigawan ko?"

"Okay. Pero sagutin mo talaga si Fafa Ed girl. Sayang naman ang binhi nya. Magaganda kinalabasan ng lahi nyong dalawa!", sabi nya habang kumakain. Binatukan ko nga, "Aray naman! Kumakain ako eh!"

"Yung bunganga mo brad! Kahit kailan ka talaga eh no? Mahalay!", sabi ko. Natawa lang naman sya kaya natawa na rin ako.

Minsan talaga, hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis ako sa pang-aasar nya. Naloka ako sandali! Haha

Kinagabihan ay pumunta si BeeJay sa Reverie. Nagpaiwan naman ako sa bahay pero tumawag naman si Edison na magkita raw kami sa usual spot namin kaya pumunta na ako.

Nauna syang dumating. Nakaupo lang sya sa hood ng kotse nya at malalim ang iniisip.

"Nakakalunod naman. Lalim ng iniisip mo", sabi ko ng nakalapit na ako sa kanya. Lumingon naman ito sa akin saka ako nginitian.

Ayan na naman ang ngiti nyang nakakapanghina ng tuhod. Tss.

"Glad you came", sabi nya sabay halik sa pisngi ko. Sumandal naman ako sa kotse nya katabi nya.

"Malakas ka kasi sa akin eh", sabi ko. Natawa lang naman sya.

Saglit kaming natahimik habang nakatanaw sa buong syudad hanggang sa binasag nya ito ..

"I love you", sabi nito sabay tingin sa akin at hinawakan ang aking kamay. Napatingin na rin ako sa kanya saka ngumiti.

Pero yung puso ko naman, parang may fun run sa loob. Nah! Palagi nyang sinasabi 'to pero hindi pa rin ako sanay. Hay. Buti na lang ay medyo madilim kaya hindi masyadong nakikita ang mukha ko.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon