Episode 39

2.5K 115 71
                                    

#INSSoBeIt
--

WARNING: This may contain scenes that are not suitable for very young readers. Parental guidance is advised. Cheret! Haha

--

"It's already late, Maymay. Matulog na tayo", si Edison. Nandito sya sa bahay ngayon at dito rin sya matutulog. Ayaw pa nga sana nya pero nag-insist ako at nandito na kami sa kwarto ko ngayon, nakahiga. Eh sa namiss ko sya.

"Dalawang rounds lang naman, babe. Sige na please", malambing na sabi ko saka sya niyakap.

"Such a brat. It's not good for you and I'm tired, babe. Let's just sleep okay? Bukas na lang", sabi nya at niyakap ako pabalik saka nya hinalikan ang aking ulo.

"Gusto ko ngayon babe, sige na please --"

"No"

"One round will do"

"No"

"Minsan na nga lang naglalambing eh", sabi ko sabay talikod sa kanya. Bahala sya jan.

Naiiyak ako. Hindi ko na nga namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ganito talaga siguro kapag buntis noh? Sabi ni Mama, emosyonal daw talaga lalo na 'pag first time.

Halos gabi-gabi rin akong umiiyak dahil gusto ko lang magdrama. Pero minsan ay dahil rin kay Papa. Bago lang ako nakalabas ng hospital at napapansin kong aloof si Papa sa akin. Kinakamusta naman nya ako pero hanggang dun lang. Nagkausap naman na sila ni Edison pero hindi naman nila pinaalam kung ano ang napag-usapan nila. I know he's a bit disappointed as to what happened pero sabi ni Mama ay okay lang naman daw, wag ko na raw masyadong isipin at baka mastress pa ako. Nagtatampo lang daw talaga si Papa. Hay.

"Babe, I'm sorry. Stop crying please. Sorry for being insensitive but it's not good for you", si Edison sabay yakap sa akin patalikod.

Mas lalo tuloy akong naiyak.

"Hindi ka naman doctor, ba't ang dami mong alam?", sabi ko at bumangon sa kama.

"Hey, where are you going?", tanong ni Ed at napaupo ito sa kama.

"Sa kusina! Wag kang sumunod kundi uupakan kita", pagbabanta ko, "Matulog ka na at maaga ka pa bukas"

Bago pa ako lumabas ay tiningnan ko muna sya at napakamot na lang ito sa ulo.

Minsan ay nakokonsensya na talaga ako sa pagsusungit ko kay Edison. Good thing ay palagi na lang nya akong naiintindihan pero sobrang srtikto naman sa pagkain. Halos araw-araw ay bininbisita nya ako dito tuwing tanghalian at gabi at kung trip ko naman ay dito ko sya patutulugin.

Pumunta ako sa dining. It's already late at alam kong wala tulog na silang lahat. Pero pagdating ko ay nakabukas pa ang ilaw.

"It's late. Bakit hindi ka pa natutulog?", si Papa na kasalukuyang umiinom ng kape. Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko naman sya napansin.

"Ha? Ah eh.. Sorry po Pa, nagugutom po kasi ako", sabi ko sa kanya.

He sighed, "I know you're a bit worried about me being aloof with you, Maymay"

I nodded, "I'm so sorry Pa. It's my fault. I should have told Edison that it's not right what we did --"

"No. Don't be sweetie. I do understand you", he said, "It's just that, I can't help to think that my baby will have her own baby", he chuckled.

"I'm so sorry Pa, I'm sorry", hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko. Naiiyak ako.

"Come here sweetie", sabi nya at lumapit naman ako sa kanya saka nya ako niyakap, "Everything happens for a reason. It's a new gift for us and we should thank Him for this another blessing that he gave us a little angel in our family. Don't stress yourself, okay?", I just nodded at kumalas sa pagkakayakap nya, "Sabi mo nagugutom ka. What do my sweetie and her baby wants?", he then smiled.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon