#INSDinner
--"Miss Dale?", si Luis. Kapapasok lang niya sa opisina ng Reverie. Nandito ako ngayon dahil nagbubusisi ako ng mga documents and inventories na ginawa ni Luis.
"Yes?", tipid na sagot ko. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga papeles na nasa mesa ko.
"May naghahanap po sa inyo", sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Who?"
"Si Sir Edison po", sabi niya, "At tsaka naipagpaalam nya po na magdidinner daw po kayo pero syempre, nasa inyo ang desisyon". Napairap ako. Ano na naman kaya ang ginagawa dito ng mokong na yun?
I stood up from my swivel chair at agad lumabas sa opisina. Nadatnan ko siyang naghihintay at nakaupo sa may counter ng bar. Nang napansin nya ako ay agad naman syang lumapit sa akin.
"Hi", bati nya and he kissed me on the cheeks. Ganito na siya simula nung naging magkaibigan kami. Ang sabi nya, being clingy is nature na raw sa kanya kaya pinabayaan ko na lang.
"Hello", I said, "Why are you here?", Napataas ang kilay ko and even crossed my arms sa harapan niya. Natawa lang naman siya.
"I just want to have a dinner with you, can we?", he said.
I don't know what he's up to. Simula kasi nung sinama ko siya kina Alden at naging mga magkaibigan kami ay pumupunta siya rito sa Reverie hindi para uminom kundi mag-aya sa akin magdinner.
Nung una ay medyo alinlangan pa ako sa gusto niya pero I'm just returning his favor. Gusto lang naman nya akong makilala ng lubusan, no more no less. I don't know what is with me rin na sumasama rin sa kanya. This thing is just new to me kaya minsan ay naiinis ako sa presensya nya. Ewan. Ba't ba ako sumasama sa mokong na 'to?
"San ba kasi tayo pupunta?", inis kong sabi sa kanya. Nandito kami ngayon sa kotse nya at ewan ko sa lalakeng 'to kung san' ako dadalhin.
"Sa restaurant", he said, "We'll having a dinner. Wait. Why are acting like that? I mean, bakit masungit ka naman"
"May trabaho pa po kasi ako", sabi ko sabay irap sa kanya. Imbyerna!
"Okay. I'm sorry. I just want to be with you lang naman", sabi niya habang nakatuon ang tingin niya sa daan.
Napatingin ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin?", sabay kunot sa noo.
"Wala. It's just that you're my happy pill. Whenever I'm with you, I'm happy", sabi niya sabay tingin sa akin saglit at ngumiti.
Feeling ko lahat ng dugo ko umabot ata sa mukha ko. Jusko! Ang init naman dito sa loob! Whoo. Okay Maymay. Kalma! Ba't ba kasi nagpaliwanag pa? Hay.
Hindi na ako sumagot pa. Tahimik lang kami sa sasakyan. Pagod kasi ako tapos yung trabaho ko ay hindi pa natatapos.
Nakasandal lang ako sa upuan ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Someone texted me. Si BeeJay.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomanceLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?