Episode 16

2.1K 107 35
                                    

#INSKaba
--

Ilang araw ang lumipas, madalang na lang kaming magkita ni Edison. Kung magkikita man kami ay minsan hindi pa natutuloy dahil may gagawin pa raw sya. Naunawaan ko naman. Dahil rin siguro sa pasya ng kanyang mga magulang. Pero sa kabila nun ay hindi naman kami nawawalan ng komunikasyon, minsan nga madaling araw na kaming makakatulog dahil palagi syang tumatawag tuwing hindi kami magkikita.

Kasalukuyan ako ngayong nasa Reverie. Maraming tao. Hindi na sana ako pupunta dahil pagod ako sa kaaaral ng mga papers nina Papa sa kompanya pero kailangan. On leave si Luis ng isang araw at hindi ko naman pwedeng pabaayan na lang si BeeJay dito. Kung pagod ako, pagod rin sya.

"Alam mo Miss Dale, nakita ko si Sir Edison kahapon sa mall kasama yung labanos na ahas", pasigaw na bulong ni Viv sa sa akin. Nasa counter kami ngayon. Buti na lang at marami kami dito.

"Nakita mo? With labanos? Alam mo ba yan May?", biglang singit ni BeeJay.

Actually, alam ko naman. Nagtext naman si Edison sa akin na pupunta sya sa mall pero hindi naman nya sinabing kasama nya si Hillary. 

I sighed and nodded. Ayokong pag-usapan ang mga bagay na yan dahil pagod din talaga ako. Sobrang occupied na ng utak ko, isama mo pa si Aly na manager ng Rave na maglileave for a month dahil magpapakasal na sa kasintahang si William. 

"Naku! Kung hindi lang talaga ako nakapagtimpi kahapon Benj ay talagang masasabunutan ko na yung malanding yun. Kung makalingkis kay Sir Ed, kala mo boyfriend nya. Ahas talaga", sabi ni Viv. Hindi ko na lang pinansin ang pag-uusap nila. Wala rin namang patutunguhan.

"Buti naman ang nakapagtimpi ka at nang matauhang hindi ikaw sa Maymay? Sya lang ang may karapatang manabunot sa babaeng ahas na yun", si BeeJay, napakamot na lang ng ulo si Viv, "Alam mo Viv, ligawan mo na lang kaya si Martin nang magkalovelife ka naman!", I chuckled.

Nagpatuloy sila sa kanilang asaran habang ako naman ay busy sa pagbibigay ng alak sa mga customers. Sinita ko na nga dahil baka kung ano pa ang sabihin ng mga customers dito. Buti na lang ay natatawa lang ang mga ito habang pinagmamasdan silang nag-aasaran. Hay.

"And speaking of the devil, ayan na, papunta na naman dito with her friend Espasol", sabi ni BeeJay. Alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.

Hindi ko na lang sila pinansin at naging busy naman ako sa mga customers na naghihingi ng alak. Alam kong sa akin sana sila lalapit pero dahil nga sa marami ang nasa side ko ay kay Viv na lang sila nanghingi ng alak. Ayoko kasi talaga ng gulo, pero wag lang nilang mabanggit yung pangalan ko at baka sa kanila ko pa mabuntong ang pagod ko.

"So how are you pala and Edison friend?", maarteng tanong ni Espasol kay Labanos. Alangan namang sa akin? Hindi nga kami friends. Over my slim and sexy body.

"Actually, we're good. We hang out everytime I want to. Buti na lang at hindi naman sya humihindi", sagot naman ni Labanos. Alam kong pinariringgan nila ako pero hindi ko na lang sila pinansin.

Nagpatuloy lang sila sa pagpaparinig pero wala akong pakialam hangga't hindi ko naririnig ang aking pangalan. Bahala sila sa buhay nila.

Dala na rin siguro ng pagod ay napagdesisyunan kong umuwi na. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Isasabay ko nga sana si BeeJay pero ang sabi nya ay may aasikasuhin pa raw sya para sa isang event. Nag-oofer kasi kami ng outdoor bar counter pero exclusive lang sa event na gaganapin sa Easton Hotels. Trabaho naman nilang dalawa ni Luis 'to pero mas hands on nga lang sya.

It's almost lunch ng nagising ako the next day. Dumiretso ako sa kusina at naghahanda na ng pananghalian si Nanay Patching.

"Anak, kain ka na", sabi nya, "Ba't parang namumutla ka? May masakit ka ba?"

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon