Episode 13

2.2K 120 22
                                    

#INSSpecialGirl
--

Ang napag-usapang maaga kaming aalis sa Zambales ay hindi nangyari dahil hatinggabi kami umalis sa rest house.

Tumawag kasi ang Daddy nina Edison dahil kailangan na daw ito sa kompanya nila. Medyo hesitant pa nga syang sagutin yun dahil parang alam nya na daw kung para saan ang pagtawag nito.

"I'm sorry, I ruined the outing", pabulong na sabi nya.

Kasalukuyan kami ngayong nasa sasakyan. As usual, katabi ko sya. Nasa unahan naman namin sina Felisse at BeeJay habang kasalukuyan namang nagdadrive si Vince para palitan muna ang driver na ngayo'y natutulog sa passenger's seat.

"Okay lang. Uuwi rin naman tayo. Napaaga nga lang", sabi ko, "Matulog na tayo" he then nodded.

Madaling araw na ng dumating kami sa Manila. Hinatid naman namin sila sa mini stop kung saan nya pinark ang kanyang sasakyan. 24hours open naman ito at napagpaalam naman na ni Vince na iiwan ni Edison ang kanyang sasakyan dito kaya sigurado kaming safe ito.

"Thank you sa pagsama sa amin Ate Maymay! Pakisabi na lang kay Kuya Vince ha?", si Felisse. Hinatid ko na sila sa labas. Tumango ako.

"Oo naman. Sabihan ko", sagot ko. Agad naman itong pumasok sa sasakyan ng Kuya nya pagkatapos nyang humalik sa aking pisngi.

"I'm really sorry May", sabi ni Edison and he sighed.

I smiled, "Okay lang naman. May trabaho rin ako mamaya, maging si Vince rin siguro"

"So? We will be back on our normal days, I guess", si Edison at ngayo'y nakangiti na. Hay!

"Syempre, balik trabaho. Para masaya", sabi ko. Natawa naman sya.

"Let's have lunch mamaya?"

"Magpahinga ka na, bukas na lang"

"You sure? Aasahan ko yan", sabi nya. I chuckled.

"Oo na, sge na. Alis na kayo para makapagpahinga ka naman sandali", I grinned.

"Okay. You also. Text me if you get home, mamahalin mo pa ako", sabi nya. Pwede na ba akong sumuka ng water color? Haha!

Umirap ako. Eh sa kinikilig ako! Uminit ata mukha ko. Di ko nga maramdaman ang malamig na hangin! Haha

"Ba't di ka nauubusan ng pahaging? Ha?", sabi ko. Natawa lang naman sya.

Humakbang sya palapit sa akin at isa isang inipit ang aking mga buhok sa likod ng aking tenga. Napatingala ako sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Sobrang gwapo nga nya sa malapitan. Ang mahahaba nyang pilikmata, ang mata nyang may pagkabrown, ang matatangos nyang ilong, ang makinis nyang mukha at ang mapupula nyang labi.

Nah uy! Pinagnanasaan ko na yata sya. Hahaha!

He smiled, "I don't know. All I know is I'm happy when I'm with you. I didn't know that I have this cheesy side anyway"

Natawa naman ako.

"Sige na. Balik na ako sa van"

"Okay. Take care. I love you", sabi nya sabay halik sa aking noo. Napapikit na lang ako.

Bumalik ako sa van na may ngiti sa labi. Bago ako pumasok ay nilingon ko muna sya at lumingon din sya sa akin sa ako nginitian at sumaludo pa. Napangiti na lang ako.

Aaminin ko, gusto ko na syang sagutin. Gusto ko na syang sagutin dahil alam kong mahal ko na sya. Sa tuwing kasama ko sya ay naghuhurumentado ang puso ko.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon