#INSHappy
--"Nahanap ko na sya. Ano pa bang kailangan mo sa kanya, May?", tanong ni Marl sa akin.
Kararating lang nya sa office at ewan ko ba't late na late 'to.
"Eh ikaw? Ba't late ka?", tanong ko sa kanya.
"Ginawa ko nga yung pinapagawa mo sa akin", sabi nya, "Ba't pinapahanap mo ba 'tong kumag na 'to?"
"Wala ka na dun. Dami mong tanong", sabi ko at inirapan sya.
May pinagawa ako sa kanya at mabuti naman at nagawa nya. Hindi naman 'to para sa akin. Gusto ko lang talaga sya makausap.
"Alam mo, hindi mo naman na responsibilidad 'to eh"
"Alam ko. Itext mo yan, sabihin mo magkita kami ngayong lunch sa Martin's", sabi ko sa kanya. Tumango na lang sya.
Buti na lang talaga at mapagkakatiwalaan 'tong si Marl. Bukod sa Abugado na, pwede na ring maging imbestigador. Hindi rin naman sya nagrereklamo, bayad na lang daw 'tong lahat ng ginawa nya sa pang-iwan sa akin. Natawa na lang.
By lunch ay umalis si Marl, may lunch date daw sila ni Janell. Seryoso na nga sya dun. Buti naman.
"Hi Babe", si Edison na kararating lang. Humalik ito sa aking pisngi.
"Hello Babe, daan muna tayo kina Papa, magpapaalam lang ako", sabi ko sa kanya. Tumango naman ito saka ngumiti.
Bago kami umalis ay dumaan nga kami sa office ni Papa. Naabutan namin silang nag-uusap ni Mama.
"Ma, Pa?"
"Hello po Tito, Tita", sabi sabay beso kay Mama at nakipagkamay naman kay Papa.
Nagpaalam kami kina Mama at Papa na aalis na muna at may kikitain lang kami.
Bumaba na kami ni Ed sa parking lot at pumunta naman agad kami sa Martin's para nga kay Hillary.
Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ko nga ba ginagawa ito? Bakit may pakialam pa rin ako sa kanya sa kabila ng ginawa nya sa amin ni Ed? Ewan. Natural na siguro sa akin ang magpakumbaba dahil hindi naman kami tinuruan ng mga magulang namin na magtanim ng galit.
"You okay babe?", si Edison, "If you're not comfortable in this meet up, we can cancel it habang hindi pa tayo dumating doon", hinawakan nito ang aking kamay habang nagdadrive sa hinalikan ang likod nito. Napangiti naman ako.
"Okay lang naman. Papunta na rin naman tayo eh", sabi ko, "Baka ikaw? What holds you back ba?"
Sumeryoso ang kanyang mukha habang nagdadrive.
He sighed, "Nothing babe, I'm just concern about you. I mean, hindi pa rin ako panatag sa kanya"
"Sinabi ko naman na sayo di ba na wag ka nang mag-alala? Ed, napag-usapan na natin 'to", sabi ko, "Not unless natatakot ka sa kanya? You do?"
"No, of course not!", he sighed and shook his head in disbelief. Pati ako ay hindi rin makapaniwala sa nasabi ko. Ako itong nag-iinsist na kailangan naming magtiwala sa isa't isa pero parang ako itong nagdududa. Hay.
Tahimik naming tinahak ang daan hanggang sa nakarating kami sa resto. Nang maipark nya ang sasakyan ay wala pa rin kaming imikan hanggang sa bumuntong hininga sya bago magsalita.
"I'm sorry babe, I just want to protect you. Protect us", he said, "It's not being coward protecting the one you love"
"Sorry din. Hindi ko naman din intensyon na pasamain ang loob mo. Kailangan ko lang din gawin 'to para mapanatag naman tayo", sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomansaLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?