#INSFriends
--"Anyare sayo?", si BeeJay.
"Nothing", tipid kong sagot tsaka ininom ang inorder kong kape.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa Taguig. Nagpapawala kasi talaga ako ng antok. Kasi naman itong si BeeJay, ang agang nambulabog sa kwarto. Akala ko naman kung anong kailangan niya, eh nagpapasama lang pala magkape para naman daw mawala yung hangover nya. Hayok kasi sa alak ang bakla. Tsk.
"Ay girl, kumusta naman yung pag-uusap nyo ni Ed kagabi? Hmm", sabi ni BeeJay na may tonong pang-aasar. Inirapan ko nga.
"Wala. Chismosa mo noh?", sabi ko.
"Hindi naman. Curious lang. Ano na? Hindi ka magkukwento? Aba ganyan ka na kaselfish ngayon ha? Kinausap ka lang ng Tisoy na yun, feeling mo maganda ka agad. Well, maganda ka naman talaga, pero -- Aray!", sunud-sunod nyang sabi pero binatukan ko. Daming sinasabi eh!
"Kung di ka titigil kasasalita jan, hindi lang batok ang aabutin mo sa akin", sabi ko tsaka sumandal sa upuan.
"Why so brutal, Maymay? You just make kwento lang naman", pabebeng sabi nito. Ba't ba ang arte arte ng baklang 'to! Napailing na lang ako.
I sighed. Kahit kailan talaga, wala akong laban sa baklang ito sa daldalan. Haynaku!
"Well .."
Kinwento ko nga sa kanya lahat. Wala rin naman dapat itago sa baklang 'to dahil marami raw syang connections. Sinabi ko sa kanya kung bakit kami nag-usap ni Edison at kung para saan. Sinabi ko rin kung anong gagawin ko sa kanya. Haha!
"Eto lang girl ha? Hindi kaya may gusto si Papa Fafa Ed sayo? You know", si BeeJay. Kanina pa ako inaasar nito habang nagkukwento ako. Nakakaimbyerna!
"Anong may gusto? Duh. Pake ko sa kanya", sabi ko sabay irap ko sa kanya.
"Aha!", sabi nito, "Hindi kaya? Ikaw ang may gusto sa kanya. Kung sabagay, hindi naman sya mahirap magustuhan. He's gwapo, he's handsome, and he's a pretty man! Ay pak! Bongga!"
"Do you hear yourself? Ako? Magkakagusto sa kanya? No way!"
"Huh. Wag magsalita ng patapos girl. Hindi natin alam ang future. Hmm", sabi nito.
"Alam mo ikaw? Sarap nyong pag'untugin ni Vince!", sabi ko. Kakaimbyerna 'tong baklang 'to!
"Luh? Ba't ang defensive? Ang point ko lang naman kasi, ang dami mong manliligaw, ni hindi mo nga magawang samahan nor pansinin, tapos ngayon? Sa isang Edison Jack Beckham? Oo agad agad? Aba! Iba na yan!", sabi niya sabay inom ng kape.
Natahimik ako. Napaisip. Bakit ko nga ba inaaksayahanng panahon si Edison? Mula nung araw na nasaktan ako sa lalakeng minahal ko ay tinuon ko na ang aking sarili sa pag-aaral at pagtatayo ng business. Ni minsan hindi ko magawang makipag-usap sa mga lalakeng gusto akong makilala ng lubusan. Pero ewan ko ba? May something rin kasi sa kanya na gusto kong malaman? Hindi ako sigurado. Bahala na.
"Uwi na ako", sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Hindi ko na siya hinintay dahil may dala rin naman siyang sasakyan.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama at napaisip ng mabuti.
Sa gitna ng pagkatulala ko ay bigla ko na lang nasagi sa isipan ko na kailangan kong itext si Edison para ipaalam kung saan kami magkikita. Alam ko namang nasa iisang subdivision lang kami, pero hindi niya ako pwedeng sunduin noh!
Kinuha ko ang phone ko sa side table tsaka sya tinext.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Sana (COMPLETED)
RomansaLoving the most unexpected person in the most unexpected time at the most unexpected place. Ikaw na kaya?