Chapter 2

10.1K 154 4
                                    


CHEN

Naging matagumpay ang isinagawa naming operasyon sa pasyente. Tumagal ito ng halos limang oras dahil nahirapan kami sa pagtanggal ng tumor. The patient was in his late 50's kaya kailangan naming mag-ingat.

Sa ganito kasing sitwasyon ay kailangan naming piliin ang pinaka-safe na option upang isalba ang buhay ng pasyente. We performed the Skull Base Surgery to remove the remaining tumor na hindi natanggal nung huling beses siyang magpa-opera.

Lumabas na ako ng operating room upang kausapin ang kamag-anak ng pasyente.

"Doc kamusta po ang tatay ko?" a middle age woman asked me with a worried face.

"Wala kayong dapat ipag-alala. You're father is safe. The operation went well and we successfully removed the remaining tumor in his brain." I answered her with assurance.

"Maraming salamat po sa inyo Doc. Hulog po kayo ng langit!" naiiyak na sabi niya habang dinaluhan naman siya ng kasama niya upang patahanin.

"You're welcome. Your father is a strong man. He is a fighter. Gusto niya kayong makasama ng mas matagal pa kaya naka-survive siya sa operation." I tapped her shoulders with sympathy at nagpaalam na sa kanila.

---

"Congratulations Dra. Ayala akala ko hindi natin kakayanin yung operasyon kanina. Pero iba ka talaga Doc! Kaya idol na idol kita eh."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Zelle. She was fond of praising me everytime we conduct an operation.

"Alam mo you can be better than me. Bakit ba di ka ulit mag-aral? You have a great potential to become a neurosurgeon or a neurologist." I honestly told her.

Totoong matalino si Zelle. That's why everytime na may isasagawa akong operation ay siya ang isinasama ko. Kahit baguhan pa lang siya dito sa ospital ay marami na siyang naitutulong sa amin.

"Haha si Doc binobola pa ako. Di ko naman kayang pantayan yung narating mo. Para kang human apparatus na may unlimited information tungkol sa neurology. Grabe naloloka ako sayo Doc minsan. Swerte ng magiging asawa mo." she said while putting her make-up.

"Wala akong balak mag-asawa. Saan ka na naman pupunta at todo make-up ka na naman?" tanong ko naman sa kaniya.

"Wala talaga? Nako naman wag mong sayangin ang ganda mo Doc! Kung ako ang may mukha at ganyang katawan ay mag-aartista ako o kaya ay beauty queen. Pak na pak eh. Parang nung nagpaulan si Lord ng kagandahan ay naggagala ka kaya napunta sayo lahat." natatawa niyang sabi sa akin kaya naisipan ko na ring mag-joke.

"Actually ako talaga yung nagpapaulan ng kagandahan kasi nahihirapan na ako. Hindi naman ako selfish kaya pinamigay ko na lang." natatawa na rin ako sa sinabi ko. I'm corny right?

"Wow si Doc nagjo-joke na rin. Improving! Sama ka po samin ngayong gabi? Magba-bar hopping at hahanap ng mga Greek God na pwedeng maka-date. Hahaha!"

"No thanks Zelle. I'd rather went home and take a good sleep. Napakahaba ng araw na ito at kailangan ko na ring magpahinga. Ingat na lang kayo sa lakad niyo and don't drink too much okay?" I remind her while I'm putting my things inside my bag. Gusto ko ng umuwi.

"Of-course naman po. Sige Doc I've gotta go. Ciaoooo!" she waved her hand at me and hurriedly run towards the door. Excited talaga siyang maglakwatsa eh.

Nakaramdam ako ng hilo kaya bigla akong napaupo sa aking swivel chair. I massage my temple and took a deep breath.

This is really a tiring day. Pinilit kong panatilihing nakamulat ang aking mga mata ngunit nilamon na ako ng aking pagod at antok.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon