Chapter 23

6.3K 76 7
                                    

CHEN

Nakatanggap ako ng text mula kay Harold. Sinabi niya na ngayong gabi na magaganap ang lahat. Hindi ko maalis sa isip ko ang pangamba at mga katanungan tungkol sa pagkatao niya ngunit mas pinili ko pa rin ang magtiwala.

Kasalukuyan kong hinihintay ang susundong sasakyan sa akin sapagkat hindi ko alam kung saan ang lugar na sinasabi niya. Maya-maya pa ay may tumigil na itim na SUV sa aking harapan. Bumaba ang driver nito at pinagbuksan ako ng pinto. Hudyat na ito na nga ang hinihintay ko.

Agad akong sumakay at nagsimula na siyang magmaneho. Tumitig ako sa labas ng bintana at tinanaw ang mga bahayan na aming nadadaanan. Taimtim akong nagdasal na sana ay maging maayos na ang lahat.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang tumigil ang sasakyan.

"Kuya may problema ba sa makina?" tanong ko.

Ngunit hindi siya sumagot sa akin. Rumagasa ang takot sa akin ng makita ko ang nakakatakot niyang titig. Nagtangka akong bumaba ng sasakyan subalit huli na sapagkat nakaramdam ako ng hilo at ilang sandali pa ay tuluyan ng pumanaw ang aking ulirat.

NANGHIHINA kong iminulat ang aking mga mata. Nangingimi ang aking katawan at wala akong magawa kundi ang manatili sa aking kinatatayuan. Nanlalabo man ang aking paningin ay pilit ko pa ring inalam kung saan ang lugar na aking kinaroroonan.

Isang bodega. Nakatali ang aking kamay at paa. Maging ang bibig ko ay nakabusal.

"Gising ka na pala." saad ng isang malamig at walang emosyong tinig.

Hinanap ko ang pinagmulan ng tinig na iyon at isang pigura ng lalaki sa kadiliman ang pilit kong hinanap. Narinig ko ang papalapit niyang yabag. Lumapit siya hanggang sa tuluyan ko ng makita ang kaniyang mukha.

Harold?

Nagpumiglas ako sa aking kinatatayuan ngunit patuloy lamang akong nanghina. Nagkamali na naman ako.

"Don't make it hard for yourself. Wala naman akong balak na saktan ka eh. May gusto lang akong ipakita sayo."

Biglang nabuhay ang mga ilaw sa silid na aking kinaroroonan.

"I just want you to witness something. Ipasok niyo na ang mga 'yan."

Pumasok sa silid ang mga lalaking nakaitim at armado. Hila nila ang isang lalaking duguan, puno ng galos at mga pasa. Hindi ko ito nakilala noong una ngunit laking gulat ko ng makita ko ang mukha nito.

Yosef!

Ngunit hindi pa dito natapos. Sumunod naman sa likuran nito ang isang babeng nakagapos.

Si Clara!

Patuloy akong nagpumiglas hanggang sa tanggalin na niya ng tuluyan ang busal sa aking bibig.

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, Harold?!" nanghihina man ngunit nagawa ko pa ring sumigaw gamit ang lakas na natitira sa akin.

"I told you I just want to show you something. A sick and damn fool love story."

"Nasisiraan ka na ng bait Harold pakawalan mo na kami! Ibalik mo na sa akin ang anak ko!" sigaw ni Clara.

"Wow. May pakialam ka na pala sa anak 'natin' Clara."

Napasinghap ako dahil sa aking narinig. "Anak mo ang bata?"

"Yes. Ako ang ama ng bata at ako lamang ang dapat na kilalalaning magulang niya at hindi ang babaeng 'yan!" tumigas ang kaniyang ekspresyon. Ramdam ko ang galit at poot na nararamdaman ni Harold.

"Napakatarantado talaga ng mundo eh. Habang kayong dalawa ay hibang na hibang dahil sa lalaking 'yan, ako at ang anak ko ang nagdurusa. Ikaw Clara, you even tried to get rid of my child dahil sa kabaliwan mo kay Yosef. Alam mong minahal kita kahit gaano pa karumi ang pagkatao mo. Kahit alam ko na kung sino-sinong lalaki na ang umabuso sayo dahil sa drug lord mong tatay. Tinanggap kita. Nagpagamit pa nga ako sa kaniya para lamang mailigtas ka pero mas pinili mo pa ring manatili dahil sa lalaking 'yan."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Harold. Walang nagmamahal sa akin kaya pabayaan mo na lang ako!"

"Minahal kita Clara! Hindi ako mananatili sa tabi mo sa loob ng napakatagal na panahon kung hindi kita minahal. Minahal kita pero naubos na ako dahil sa pagmamahal na ibinigay ko sayo. Akala ko dati kaya kong tiisin ang lahat pero sobrang napagod na ako. I was madly in love with you to the point that I destroyed myself and my future for you kasi akala ko matutuhan mo rin akong mahalin."

We chose those people who will never choose us. We fell in love with someone who will never return even a single drop of love that we gave to them. And it makes the world unfair. It made our life miserable.

"I'm sorry Harold. You've gone through all this pain because of me. Wala akong kwentang ina kay Yana. I was used to entertain those drug lords na kasosyo ng ama ko. Nagpagamit ako sa kanila kasi akala ko mamahalin na ako ng tatay ko kapag sinunod ko siya. Sinira ko ang buhay ni Chen kasi akala ko mamahalin na ako ni Yosef kapag nawala na ito sa buhay niya. Can't you see? I'm a miserable person. I don't deserve your love Harold. Patayin mo na lang ako. Sawang-sawa na ako sa buhay ko!"

"Yes, we'll die later Clara pero uunahin ko muna ang lalaking kinahihibangan niyong dalawa." isang nakakalokong ngiti ang kaniyang pinakalawan bago ikasa ang baril na kanyang hawak.

"No Harold! Huwag mong gawin ito. We can fix this!" pagmamakaawa ko sa kaniya.

"I just want to give you a good show Chen bago ko tapusin ang paghihirap nating lahat. Ayaw mo ba nun?" inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at mariing pinisil ang aking pisngi gamit ang kaniyang kamay.

"You don't want me to kill him?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot kahit sobrang sakit na ng ginagawa niya sa akin.

"Then should I kill your father instead?" nagpakawala siya ng nakakatakot na halakhak at muli kong narinig ang pagbukas ng pinto.

"Daddy!" naluha ako ng makita ko ang aking ama na puno rin ng galos ang katawan.

"Harold tama na! Itigil mo na ang kahibangan na 'to!" pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Sa mundong ito kailangan mo talagang pumili, Chen. Hindi ko sila kayang palayain pareho eh. I'm not that generous. Ngayon mamili ka, ang lalaking minamahal mo o ang ama mo?"

---------------------

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon