Chapter 8

7.6K 126 15
                                    

CHEN

Nagmamadali akong maglakad sa hallway ng aming building patungo sa kasunod kong klase. Mahigit sampung minuto na lang at magsisimula na ang aming next subject.

Ilang hakbang na lang sana bago ko marating ang pintuan ng classroom ng biglang may humatak sa braso ko.

Bakas ang pagkainis sa aking mukha dahil nagmamadali akong makarating sa kasunod kong klase. Mahirap na dahil medyo may pagka-strikto ang aming professor sa subject na 'yon. Tinignan ko kung sino ang humatak sa aking braso. Bahagya akong nagulat ng makita ko siya. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?

"Clara, may kailangan ka ba? Pasensya na pero malapit na kasing magsimula ang kasunod kong klase kaya nagmamadali ako." binawi ko sa kaniya ang braso kong kanina pa niya hawak.

"Itatanong ko lang sana sayo kung alam mo ba kung nasaan ngayon si Yosef. Almost 1 month na kasi siyang absent sa klase namin." hindi ko inaasahan na ganon ang itatanong niya sa akin. Ni minsan ay di ko naman naisip na may interes pala siya sa best friend ko.

"He's on his uncle's place. Ang sabi niya sa akin ay may kailangan lang daw siyang ayusin na problema sa pamilya nila kaya doon daw muna siya."

Mukhang hindi na-satisfy ang babae sa naging sagot ko sapagkat muli na naman siyang nagtanong.

"Kailan daw siya babalik? Tsaka totoo ba na ganon ang dahilan niya kung bakit siya umalis? Best friend ka niya di ba dapat alam mo kung totoo ang sinasabi niya o hindi." doon na ako nagsimulang mainis. Ano ba ang punto nitong si Clara?

"Oo best friend ko siya Clara at alam kong nagsasabi siya ng totoo. Tsaka bakit naman siya magsisinungaling sa akin eh matagal na kaming magkakilala." iritado kong saad.

"Hindi porke't matagal na kayong magkakilala at lagi kayong magkasama ay kilala mo na talaga ng lubos ang isang tao. You wouldn't know him deeply just because you're his friend. Buksan mo ang mga mata mo Chen. Hindi yung lagi na lang si Charles ang iniintindi mo. Baka di mo namamalayan ay unti-unti na palang nawawala ang kaibigan mo sayo." makahulugan niyang sabi.

Gusto ko siyang sagutin at mangatwiran dahil wala namang punto ang mga sinasabi niya. Alam kong hindi gagawa ng masama si Yosef na makakasira sa pagkakaibigan namin. Nasasabi lang siguro niya ito dahil may gusto siya kay Yosef.

"Wala kang alam sa pagkakaibigan naming dalawa Clara. Wala ka sa posisyon para sabihin sa'kin ang mga iyan. Sa inyong dalawa ay mas paniniwalaan ko pa rin si Yosef dahil siya ang kaibigan ko at hindi ikaw. Ano ba ang problema ha?"

Kung gusto niya ang best friend ko ay wala namang problema 'yon sa akin. Hindi naman niya kailangang siraan yung tao para lang makuha niya.

"Wala. Sige na mauna na ako sa'yo. Pasensya na sa abala." nagmamadali siyang umalis habang ako'y naiwan pa rin na malalim ang iniisip.

Hindi naman ako kayang saktan ng kaibigan ko di ba? Hindi niya iyon magagawa.

"CHEN it's been a long time. How are you doing? I'm surprised dahil after how many years ay nagkita muli tayo. And you're with your boyfriend." nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kurt.

"He's not my boyfriend. He's my friend Clara." giit ko. Nagtataka siyang tumango sa akin bago muling nagsalita.

"I'm sorry I thought you were a couple. Bagay kasi kayo 'di ba Hon?" he smiled at Yosef na ngayon ay nakikipagsukatan ng tingin sa akin.

He cleared his throat. "You know her Hon? How did that happened? Ms. Ayala is the daughter of our new business partner." he asked.

Napabaling ako ng tingin kay Clara. Isang makahulugang titig ang ibinigay niya sa akin at nakuha ko naman ang ibig sabihin non. Alam niya na alam kong walang maalala si Yosef sa ngayon kaya ganon na lang ang pagkabigla niya ng magtanong ito.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon