Chapter 4

9.5K 145 7
                                    


CHEN

"Dahan-dahan lang naman sa paglamon, kaya ang taba ng pisngi mo eh."

Pinanlakihan ko ng mata ang best friend kong wala ng ibang ginawa kundi asarin ang mataba kong pisngi.

"What the hell Yosef! kasalanan ko ba kung masarap itong niluto mong adobo." inirapan ko siya tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Yosef suppressed a small laugh.

"Don't worry. Lagi kitang ipagluluto para lalo pang maging chubby itong cuuuute mong pisngi."

Bago pa man niya makurot ang pisngi ko ay pinigil ko na agad ang kamay niya. Ang kulit!

"Argh! Don't pinch my cheeks nakain ako." nakasimangot kong sabi sa kaniya.

"Oo na. By the way, malapit na ang date of application natin para sa college, ano ang kukunin mong course?" tanong niya sa akin.

"I'll take a medical course. Nakalimutan mo na ba? I wanted to become a neurosurgeon someday para maipakita ko na nagkamali si daddy sa pag-aabandona niya sa amin ng nanay ko."

"Alam ko naman yun. Baka lang kasi biglang nagbago na ang isip mo kaya tinatanong ulit kita." paliwanag niya.

"Aysus. Sabihin mo limot ka lang talaga, lolo. Ikaw ba anong kukunin mong course? I bet tourism ang kukunin mo kasi maraming chikababes dun."

"Nope. I'll take a medical course also."

"What?! Bakit? Wala ka talagang originality." asik ko sa kaniya matapos kong maubos ang lahat ng inihain niya sakin. Feel ko di na ako makakapaghapunan nito.

"Wala. Gusto ko lang. Isa pa naaawa ako sayo kasi baka malungkot ka kapag di na tayo magkasama. Iyakin ka pa naman, tsaka uhugin pa." nakangising sabi niya sa akin.

Inabot ng kamay ko ang braso niya at kinurot iyon. Napa-aray naman siya sa sakit. Mabuti nga sa kaniya.

"Alam mo epal ka talaga eh! Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko ang katulad mo. Umayos ka nga Yosef, di na tayo bata para mag-asaran."

"Ang sabihin mo talo ka lang sakin. At tsaka ang swerte mo dahil ako ang best friend mo. Ako lang naman ang tumagal sa brutal mong pag-uugali. Para akong diamonds. Rare and expensive." sagot niya naman sabay kindat.

Tama siya. He's the only person who comforts me whenever I'm sad. Siya ang nag-iisang taong nakakaintindi sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay. At kung wala siya noong araw na 'yon, hindi ko alam kung buhay pa ba ako o hindi na. Kaya kahit medyo may sayad siya minsan, mahal ko pa rin siya bilang kaibigan ko.

"Whatever Yosef. Will you please stop your boastfulness. Ipag-bake mo na lang ako ng yema cake para may kainin tayo mamaya sa movie marathon natin." utos ko sa kaniya.

Pasalamat siya, napakatalented niya sa kusina. Unlike me na hotdog na sunog lang ang kayang lutuin.

"Got it! Malapit na talagang magtagumpay ang plano ko sayo."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hoy tukmol ka, anong plano 'yon ha?" habol na tanong ko sa kaniya.

"My plan?"

"Oo! Ano pa ba ang itatanong ko?"

"Oh, it's just that my plan is to make you a pig someday para maibenta kita. If that happens, mababayaran mo na ang lahat ng kinain mo dito sa bahay ko. Malulugi na ako sa katakawan mo eh."

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon