Chapter 9

7.6K 124 11
                                    

CHEN

"Anak are you alright? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo. May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa akin anak. Nandito lang si Daddy." aniya tsaka inabot ang aking kamay na kanina ko pa hindi maigalaw.

Pakiramdam ko'y lutang na lutang ngayon ang aking utak. Napuyat rin ako dahil sa kakaisip ng nga bagay-bagay. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nag spaced-out sa harap ng hapag-kainan.

"Dad, how does it feel to be forgiven?" kahit ako ay nabigla rin sa mga salitang lumabas sa aking bibig.

Nakita ko kung paano nagbago ang emosyon sa mukha ng aking ama. Regret is evident and transparent in his eyes. Alam kong hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin si dad sa pag-abandona niya sa amin noon ni mom. I hated him for years pero nang makita ko kung gaano siya nahirapan ay unti-unti ring lumambot ang puso ko.

Natutuhan ko siyang tanggapin muli sa kabila ng ginawa niya sa amin. Who am I to despise him anyway? Ama ko siya at utang ko ang buhay ko sa kaniya. I wouldn't be here if not because of him.

Besides, my father is just a human. He commited a lot of mistakes before pero hindi sapat na dahilan ang mga 'yon para kamuhian ko siya. Hindi lang naman ako ang nagdusa kundi siya rin. Maraming mga kabataan sa panahon ngayon ang nagrerebelde at kinamumuhian ang kanilang mga magulang dahil sa maling desisyon ng mga ito.

But who are we to judge them kung hindi naman natin naranasan na malagay sa posisyon nila bilang isang magulang?

I think that point is enough for us to respect them.

"Before I answer your question anak, let me ask you this first. Ano ang naramdaman mo nung pinatawad mo ako?" seryosong nakatitig sa'kin si dad habang hinihintay ang aking sagot.

I swallowed an imaginary lump before I speak.

"I felt so relieved dad. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib that day when I forgive you. Masaya ako. Sobrang saya ko dahil nakasama na ulit kita." I am certain with my answer dahil totoo 'yon. Lahat ng galit ko sa aking ama ay naglahong parang bula. I knew that would happen because I love my dad so much.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Alam kong masaya si dad na makinig 'yon from me. Hanggang ngayon kasi he was still hesitant na baka napipilitan lang daw ako na patawarin siya.

I had enough time of grieving for my mom's death kaya dapat ko ng kalimutan ang nagawa ni dad. Besides he's here with me now. Binalikan niya ako. 'Yon ang pinakamahalaga.

"That's it anak. That's exactly how I feel when you forgive me. Parehas tayong naging masaya dahil ang isa sa atin ay nagpatawad. Forgiveness brings happiness anak, remember that. Kahit gaano pa kalaki ang galit na nariyan sa puso mo, kapag natuto kang magpatawad, lahat ng galit na 'yon ay mawawala."

My heart melted upon hearing my dad's words. Hindi ako magsisisi na nagawa ko siyang tanggapin muli. If I did not forgive him yet, malamang ay walang ama na magpapagaan sa loob ko ngayon.

I stood up and hugged him tightly. This is what I need for now. A hug from the person who truly loves me.

"I love you Dad. Thank you so much for everything." I whispered in his ears before letting my tears fall.

I WAS busy checking my patient's records. Matapos ang emotional breakfast namin ni dad ay agad akong nagtungo rito sa ospital for my duty. Kailangan ako ng mga pasyente ko everyday especially 'yung mga nag-undergo ng operation. Hanggang ngayon kasi ay kailangan ko pa rin silang i-monitor ng maayos.

Kung tutuusin ay pwede ko namang ibilin ito sa mga nurse but my view is quite different. Itinatak ko sa isip ko na I shouldn't risk their lives.

I have gone through a lot. I had enough of it. And it actually rips my heart upon seeing my love ones dying at wala man lang akong magawa upang iligtas sila.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon