Chapter 16

6.5K 99 21
                                    

YOSEF

"Masakit pa ba ang paa mo?" tanong ko sa kaniya matapos naming kumain ng hapunan.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na nakakalat sa madilim na sulok ng langit.

"Medyo na lang. Nabigla lang siguro pero okay na rin ito bukas." saad niya habang taimtim na tinitignan ang kagandahang nakalatag sa madilim na langit.

"I'm sorry. I thought it will be okay for you. I'm really s--"

"No Yosef, it's okay. Dapat nga magpasalamat ako sa iyo dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng kapayapaan. Siguro dahil na rin sa stress ng pagiging isang surgeon kaya nakalimutan ko ng gawin yung mga ganitong bagay." nakangiting sabi niya.

Lumapit ako ng konti upang maipatong ang kaniyang mga binti sa aking tuhod. I took her right foot and start massaging it.

Hindi naman ako nakarinig ng reklamo mula sa kaniya. Sa halip ay pinanood niya ako habang ginagawa ko iyon.

While massaging her feet, isang pangyayari ang biglang nag-flash sa aking utak. Medyo blurred ito pero nakita ko pa rin ang imahe ng isang babae at lalaki na nasa ganito ring sitwasyon.

Natigilan ako sa pagmamasahe ng kaniyang paa nang biglang sumakit ang aking ulo.

"A-Aray!" hindi ko na napigilan ang mapadaing dahil lalong lumala ang kirot na aking nararamdaman.

Hindi na nga pala ako nakakainom ng gamot na ibinibigay ni Clara sa tuwing sumasakit ang ulo ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya magawang kausapin mula noong malaman ko ang ginawa ko sa kaniya.

The pain is getting worst every second. Pakiramdam ko ay literal na binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Mas malala pa ito ng sampung beses sa aking mga hangover.

"Yosef are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"I-it's painful... sobra..." sambit ko sa isang nahihirapang tinig.

Ngayon lang ito nangyari sa akin. I'm scared dahil di ko alam kung paano ko ito patitigilin. I don't have the medicines that I need dahil si Clara lamang ang nakakaalam ng mga iyon.

Chen carefully place her fingers on my forehead and started giving small strokes in it. Napapikit ako dahil unti-unting nagiging magaan ang aking pakiramdam.

She instructed me to lie on her lap upang mas mapag-igi ang kaniyang ginagawa. Agad akong sumunod at ipinikit ang aking mga mata habang ninamnam ang bawat paghagod ng kaniyang daliri sa aking noo.

"Do you feel better now?" tanong niya.

"Yes. Thank you so much Chen. Hindi lang ako nakainom ng gamot ko. Almost one month na rin dahil hindi pa kami nagkakausap ni Clara." paliwanag ko.

"You're still taking meds? For what?" nagtatakang tanong niya.

"Clara used to give me that blue pill sa tuwing sumasakit ang ulo ko. There were blurred scenes na nagfflash sa isip ko everytime my head hurts. Hindi ko kayang tiisin ang sakit kaya wala akong ibang magawa kundi ang inumin ang pill na 'yon to stop the pain."

She seemed to be confused with my answer dahil halatang hindi niya 'yon nagustuhan.

"I'm a surgeon but I don't think it's necessary for you to take that blue pill dahil kusa namang lumilipas ang sakit na nararamdaman mo inside your head. Tulad ngayon, di ba you feel better after I massage your temple? It's a kind of physical therapy. There is a chance na kaya sumasakit ang ulo mo dahil merong mga memories na unti-unting lumilitaw." paliwanag niya.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon