Chapter 12

7.2K 111 37
                                    

YOSEF

Nagising ako na parang binibiyak sa sakit ang aking ulo. Damn this hangover. Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi.

Bumangon ako upang pumunta sa banyo nang mapansin kong hindi pamilyar ang silid na aking kinaroroonan.

Nasaan ako? Hindi ito ang aking condo.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko naman ay nalanghap ko ang nakakagutom na amoy na sa palagay ko ay nagmumula sa kusina. Sinundan ko iyon at nakita kong nakatalikod mula sa aking kinatatayuan ang isang babaeng nagluluto.

Noon lamang nag-sink in sa utak ko na bahay pala niya ito. Pilit kong hinagilap sa aking isipan kung paano ako nakarating dito ngunit wala talaga akong maalala.

Bwisit na buhay! May amnesia na nga tapos ganito pa kalala ang hangover.

Saglit akong natigilan nang bumaling sa akin ang kaniyang atensyon. Marahil ay naramdaman niya ang aking presensya.

"G-Good morning M-Ms. Ayala..." nahihiyang bati ko.

Totoo namang nakakahiya dahil sa tingin ko ay siya ang nag-asikaso sa akin kagabi dahil sa sobra kong kalasingan.

"Chen na lang, Yosef. And it's not morning, 12 in the afternoon na. Medyo nahuli na nga ako ng pagluluto dahil sumaglit muna ako sa ospital. Alam kong gutom ka kasi di ka nakapag-almusal. Hindi naman kita ginising kanina dahil mahimbing ang tulog mo. Hayaan mo, konting oras na lang at matatapos ng maluto itong adobo." isang ngiti ang iginawad niya sa'kin matapos niyang sabihin iyon.

Nakakapanibago ang ipinapakita niya. Ang huling pagkakatanda ko ay mainit ang dugo niya sa'kin at nasampal pa niya ako ng sobrang lakas kaya namaga noong isang araw ang pisngi ko.

"Yosef, may problema ba? Bakit natulala ka ata?" tanong niya.

"Ahm wala. Salamat pala sa pag-aasikaso sa akin. Nakakahiya dahil kailangan mo pa 'yong gawin. Babawi na lang ako, nextime." isang pilit na ngiti kong tugon.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Kargo de konsensya ko kasi kapag iniwan kitang natutulog sa parking lot dahil sa kalasingan mo. Kaya dito na lang muna kita iniuwi. Mabuti rin at nagkasya sayo ang... damit ni daddy."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Damit ng daddy niya?

Ibig sabihin ba...

"I-Ikaw ang nagbihis sa a-akin?" I stammered. What the hell self! Bakit para kang teenager dyan kung makaakto?

"NO!" she shouted. So hindi pala siya. Nakahinga naman ako ng maluwag at nakaramdam ng konting... panghihinayang.

"What I mean is si Mang Ismael ang nagbihis sa'yo. Isa siya sa mga helper namin dito sa bahay." paliwanag niya. Tumango na lang ako. Ang bango talaga ng niluluto niya.

"Doon ka na sa dining table. Luto na itong adobo. Saglit lang at maghahain na ako ng tanghalian." pagtataboy niya sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Akala ko ay puro sigaw at sampal na lang ang aabutin ko sa kaniya. Di ko alam na may ganito pala siyang side. Mukha kasi siyang seryoso lagi sa tuwing kaharap niya ako.

Pinagmasdan ko siya habang inihahain ang hapag sa lamesa. She have dark circles in her eyes na dala ng stress sa trabaho pero hindi pa rin maikakaila na maganda siya. Her pointed nose and eye lashes were perfect. Her creamy white complexion and pinkish lips are her asset.

I remember the softness of her lips when I kissed her. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa kapangahasang ginawa ko sa kaniya ngunit may parte sa isip ko na sinasabing dapat ko 'yong gawin.

She Will be Loved (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon